Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2015

Ang babae na kumuha ng aking buhay

Habang pinagmamasdan kita ng mga oras na iyon, pakiramdam ko ay dahan-dahang tumutigil ang pagikot ng mundo kasabay ng paghimpil ng bawat segundo ng orasan. Mga dalawang tao ang nasa pagitan natin ng mga oras na iyon pero bawat galaw mo ay aking pinagmamasdan. Ang bawat ngiti mo na namumutawi sa iyong mga labi at ang bawat himig at liriko na iyong sinasambit ay pawang tumatak sa aking isipan. Hindi ko malilimutan ang bawat patak ng iyong mga luha na dumadaloy sa banayad mong mukha. Ramdam ko ang ang bawat sakit na iyong dinaramdam ng mga oras na iyon. Wala man akong lakas ng loob na lumapit sa’yo para akapin ka at pawiin ang bawat hapdi na iyong nararamdaman, minabuti ko na lamang mag-alay ng aking panalangin para sa’yo. Hindi ko inaasahang ang simpleng panalangin na iyon ang magbibigay ng bagong kulay sa aking buhay.  Parang kailan lang ng tayo ay nangako sa bawat isa sa harap ng dambada. Nakakatuwang isipin na limang taon na tayong nagsasama; limang taon na masasabi kong pun...

Hinog vs Luto - The dialect barrier tragedy.

Nosebleed, duguan ang utak, nganga; ilan ito sa mga salitang nadidinig ko sa mga pinoy kapag may kausap silang puti na hindi nila ma-express ang sarili. Yung tipong Ah, Eh, Uhm, Ah na lang ang lumalabas sa bibig tapos kitang-kita mo na kulang na lang sabihin na: EARTH OPEN, RENIE JUMP, EARTH CLOSE. hahaha!!! Di ba may mga ganun moment tayo lalo na sa mga nag-ta-trabaho sa ibang bansa na tulad ko. Jusme minsan parang naligo na ako sa sarili kong dugo pag ang hirap ng kausap... as in kulang na lang magdala ako ng salbabida tapos floating floating na lang ako sa sarili kong dugo. hahaha.. NGANGA galore!!! Pwede ng lagyan ng bangaw ang bibig. LOL! Ngunit hindi lang pala ang mga foreigner ang makakapag-pa-NGANGA sa akin. LOL! Noong una ako sa Bacolod may mga time na para akong tanga. hahaha!! Yung hitsura ng mukha mo na naka-smile habang nakikinig ka sa naguusap pero wala kang naiintindihan. Tapos lahat ng mga tao seryoso ikaw naka-smile pa at bigla kang matitigilan sabay serious mode ...

Ang labaha ni Mamay

Semana Santa na naman at bakasyon na ang mga bata sa Pilipinas. Nakakamiss ang ganitong panahon yung tipong higit dalawang buwang kang walang gagawin kundi maglaro at magpaka-nognog sa ilalim na araw. Jusme naaalala ko pa dati ang sinasabi ng mga ate ko sa akin: "Ireneo* ang leeg mo pwede ng taniman ng gabi sa sobrang itim at dami ng libag!" Kaloka ang kapatid ko kung maka-pintas parang wala ng bukas eh! hahaha! Magtaka sila kung kutis ko mala-kamatis sa kinis davah?! Pero paginiisip ko and hitsura ko noon: DUGYOT na DUGYOT eh! hahaha!!  Pero alam nyo ba pagdumating ka sa edad na sampu or Grade 4, ito yung kinakatakutan ng mga batang lalaki sa amin. Ang summer na dating masaya at araw-araw na laro magiging araw ito ng kaba at takot sa bawat batang lalaki. Ito ang panahon ang mga batang SUPOT ay magiging ganap ng binata (kaloka ng intro parang iaalay lang ang mga lalaki sa kulto. LOL!) Anyway, hindi ko maisip kung bakit nagaganap ito tuwing  Sabado de Gloria pero ayon sa ...