Ang babae na kumuha ng aking buhay

Habang pinagmamasdan kita ng mga oras na iyon, pakiramdam ko ay dahan-dahang tumutigil ang pagikot ng mundo kasabay ng paghimpil ng bawat segundo ng orasan. Mga dalawang tao ang nasa pagitan natin ng mga oras na iyon pero bawat galaw mo ay aking pinagmamasdan. Ang bawat ngiti mo na namumutawi sa iyong mga labi at ang bawat himig at liriko na iyong sinasambit ay pawang tumatak sa aking isipan. Hindi ko malilimutan ang bawat patak ng iyong mga luha na dumadaloy sa banayad mong mukha. Ramdam ko ang ang bawat sakit na iyong dinaramdam ng mga oras na iyon. Wala man akong lakas ng loob na lumapit sa’yo para akapin ka at pawiin ang bawat hapdi na iyong nararamdaman, minabuti ko na lamang mag-alay ng aking panalangin para sa’yo. Hindi ko inaasahang ang simpleng panalangin na iyon ang magbibigay ng bagong kulay sa aking buhay. 

Parang kailan lang ng tayo ay nangako sa bawat isa sa harap ng dambada. Nakakatuwang isipin na limang taon na tayong nagsasama; limang taon na masasabi kong puno ng pagmamahalan at puno ng mga bagong karunungan bilang mag-asawa. Hayaan mong balikan ko ang ilan sa ating nakakatuwang alaala:

  • Naalala mo pa ba noong panahon na nagsabi ako sayo na liligawan kita? Nasa ilalim tayo ng HDB flat nyo sa Sengkang at deretso mong sinabi sa akin na hindi ka na naghahanap ng boyfriend. hahaha. Tapos pambasag trip itong si Teng ng bilang tumawag at tinatanong ka kung nasaan ka na? hahaha. Hindi mo ba ako sinagot ng OO noon pero alam mo yung pakiramdam na feeling mo nananalo ka sa lotto. Parang ganun ang pakiramdam ko. hehehe. #jackpot
  • Kilala ako bilang Mr. Walkout King. hahaha… alam mo yung any moment sasabog at pinili mo na lang na mag-walkout. hehehe.. I did this sa’yo sa Suntec City. hahaha. As in iniwan kita out of nowhere. LOL! Pero mga 3 minutes pa lang binalikan kita at hinanap sa Raffles Link. hehehe.. and I promised na hinding-hindi na ako magwa-walkout. LOL!
  • Nangarap tayong magkabahay sa Singapore at ikaw ang nag-push sa akin para makabili tayo ng bahay. Wala tayong enough na funds pero ipinakita mo sa akin na we can do it and we did it.. :) Hindi ko malilimutan ng mangutang tayo  ng pangdown sa bangko at habang umiinom ako ng kape ipinatong ko lang ang cheque sa table tapos tinitingnan ko ang cheque at ni-convert ko sa peso. Powtek milyon pesos pala yun. hahaha.. noong umalis ako sa coffee shop feeling ko may mga taong sumusunod sa akin. hahahaha. I can’t believe matatapos na tayo sa Personal Loans natin na binabayaran natin para sa Condo natin sa SG.
  • Sa loob ng limang taon, we travelled a lot. Hindi ko malilimutan ng maloko tayo sa Vietnam ng taxi driver. hehehe.. but despite that nag-enjoy pa din tayo. Nagpunta tyo ng Taiwan na wala kang idea na kasama sina Poy, Reggie at Teng pero binasag ng ground crew ang surprise ko sa’yo ng tinanong niya kung asan pa ang tatlo nating kasama. hahaha. We both fell inlove sa New York kasama natin si Kuya Tey na naglakwatsa at pinagod ang sarili sa loob ng 4days. hehehe. First time mo din magpunta sa West Coast at ma-meet mo ang rest ng aking family. We conquered Seoul and Tokyo during Sakura at nagpakalasing tayo sa Tokyo dahil sobrang lamig. hahaha. Remember also ng una kong umuwi sa Bacolod na nag-sms ako sayo na: I can see Bacolod from above? tapos yung eroplano namin ay biglang umikot ulet kasi nagkaroon ng miscalculation sa landing. OMG!!! ako ba ang may kasalanan? hahaha. How about ang Australia trip natin na hindi tayo natulog tapos ikaw pa ang nag-drive all the way to 12 Apostles sa Great Ocean Road. Ikaw ang driver tapos ako ang worst navigator. hahaha… ang left ko ay right at right ko ay left. LOL!!
  • Pero may mga stupid moments ako ng tanungin mo ako sa claw daddy (the Fort) kung kaninong masarap na Carbonara? Yung sa Claw Daddy or yung luto mo? iba ang gusto kong sabihing ng sinabi ko ang perfection ang sa claw daddy pero sige na lang wala na akong magagawa nangyari na eh! hahaha.. sorry naman!!! Eh noong tinanong tayo ni Poy kung sino ang mas malaki ang pagmamahal? ikaw ba o ako? Nyeta talaga itong si Poy.. palaka talaga ang hayuff.. in the end tampo ka sa akin sa Handmade Burger sa Cityhall. harharhar.
  • We both love beaches from Kho Samui, Phuket, Boracay, Rawa, Kota Kinabalu, Tadmarine, Bali, at Redang. I really love spending time with you while both of us are sitting lang sa ilalim ng araw. Who cares kung nognog pagbalik sa trabaho. hehehe. Ang importante we really love yung company ng bawat isa.
  • We wanted to have our own condo sa Makati and I’m happy that we started paying for it and soon may titigilan na tyo pagumuuwi sa Manila.

Sa loob ng limang taon na pagsasama natin, madami-dami na din tayong pinagdaanan na sa tingin ko ay bahagi ito para sa matibay nating pagsasama. Alam kong nagsisimula pa lang tayo sa buhay may asawa kung ihahalintulad tayo sa iba nating mga kakilala pero ganun pa man masasabi kong sa loob ng limang taon ang pundasyon ng ating pagsasama ay dahan-dahan ng nagiging semento para maging mas matatag sa pagdating ng unos ating kakaharapin.

Para sa babeng kumuha ng aking buhay, ako ay lubusang nagpapasalamat sa Diyos dahil ikaw ay aking natagpuan sa panahon na hindi ko inaasahan. Masaya ako na sa loob ng limang taon ng ating pagsasama dahil ipinakita mo sa akin ang kahalagaan ng pagtitiwala sa bawat isa. Hindi na tayo kanya-kanya bagus tayong dalawa ay iisa: sa isip at sa puso. Sabi nila ang simbolo ng limang taon ng pagsasama ay tulad ng “Kahoy”, mabuwal man tayo ng malakas na hangin  ngunit kung nakakapit tayo sa lupa alam kong babangon tayo at muling mamamayapag at patuloy na lalago. Alam kong madami pa tayong pagdaraaan bilang magasawa pero ganun pa man ako ay natutuwang ikaw ang kasama ko sa aking buhay. Maaring mahirap ang mga unos na darating pero kung patuloy tayong magtitiwala sa bawat isa alam kong walang unos na hindi natin kayang lagpasan. 

Para sa kabiyak ng aking buhay, maligayang limang taon ng pagsasama. Umaasa ako sa marami pang limang taon ng ating pagsasama ang dumating at patuloy nating mapagtagumpayan. Alam kong mali itong ilonggong salita na ito pero sa tuwing maaalala ko ito, naaalala ko yung unang panahon na magkasama tayo: “Andaman mo lang, palangga ta ka.” hahaha. Ito yung mga unang ilonngong salita na sinasabi ko sayo na tumatawa ka lagi. hahaha. At sinasabi mo sa akin na ni-te-threaten kita na to love you. hahaha.. Ganun pa man ang mga simpleng alaala na ito ang nagsisilbing inspirasyon ko para patuloy nating pagibayuhin ang ating pagsasama.

Muli, maligayang limang taon ng pagsasama sa aking pinakamamahal na Booging. 

25.APR.2010

#5years
#BuhayMayAsawa
#memories

Mga Komento

Sinabi ni Astro Boy
Happy anniversary! Cheers!- Willy
Sinabi ni ReN!e
aaawww!!! thank you astro boy. 😊

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin