Ang labaha ni Mamay

Semana Santa na naman at bakasyon na ang mga bata sa Pilipinas. Nakakamiss ang ganitong panahon yung tipong higit dalawang buwang kang walang gagawin kundi maglaro at magpaka-nognog sa ilalim na araw. Jusme naaalala ko pa dati ang sinasabi ng mga ate ko sa akin: "Ireneo* ang leeg mo pwede ng taniman ng gabi sa sobrang itim at dami ng libag!" Kaloka ang kapatid ko kung maka-pintas parang wala ng bukas eh! hahaha! Magtaka sila kung kutis ko mala-kamatis sa kinis davah?! Pero paginiisip ko and hitsura ko noon: DUGYOT na DUGYOT eh! hahaha!! 

Pero alam nyo ba pagdumating ka sa edad na sampu or Grade 4, ito yung kinakatakutan ng mga batang lalaki sa amin. Ang summer na dating masaya at araw-araw na laro magiging araw ito ng kaba at takot sa bawat batang lalaki. Ito ang panahon ang mga batang SUPOT ay magiging ganap ng binata (kaloka ng intro parang iaalay lang ang mga lalaki sa kulto. LOL!) Anyway, hindi ko maisip kung bakit nagaganap ito tuwing  Sabado de Gloria pero ayon sa ibang matatanda kung hindi daw Sabado de Gloria hindi daw tatalab ang labaha ni mamay. Kaloka! Bakit may bakal ang t!t! pag hindi sabado de gloria? juicecoloured! Anyway, iyon naman ay ayon sa mga matatanda lang. hehehe! Baka naman totoo talaga. LOL!

Kung ang iba nagpapapako sa krus bilang kabayaran sa kanilang kasalanan, sa amin lumelevel-up ang peg ang mga binatilyo! Tule sa pokpok ang labanan sa amin. hahahaha... KUng ngayon ang tule ay punta ka lang sa doktor or di kaya pagka-hello world pa lang ng pototoy mo ay putol na agad sa amin hinhintayin pa talaga na ikaw ay Grade 4 saka ka i-ta-trauma sa pagtule. LOL! CRUELTY sa POTOTOY ang kaso dyan. LOL! 

Tule sa pukpok ang samin. Simple lang ang ritwal na ito. Ang mga batang magpapatule ay pupunta ng maaga pa lang sa ilog or kung malayo sa ilog naman sa likod bahay lang. Gamit ang labaha at sanga ng bayabas kung saan ipapatong ang U10. hahaha! 

Maaga pa lang pila balde na ang mga batang tutuliin. Kaloka tulakan pa ang mga bata kung sino ang uunahin. Pag-minalasmalas ka ikaw ang unang tatawagin ni mamay. hahaha! at heto ang iyong mga gagawin:
-magbuho ng short at kasama ang brief (if may pambili ka ng brief pero halos lahat walng brief. hahaha!)
-ngumuya ng sandamakmak na dahon ng bayabas.
-ipapatong ang excess na balat ni JR sa sanga ng bayabas.
-ipikit ang mata at tawagin na lahat ang santo. (magdasal ka na neng!)
-itatapat ni mamay ang labaha sabay palo. WAPAK!!! (POWTEK!!! di mo alam kung matatae o gusto mo na lang himatayin. hahaha.)
-sabay buga ng dahon ng bayabas. hahaha!

Kaloka lahat ng santo matatawag mo ng hindi oras... pati na si Santa Claus na nanahimik sa North Pole sa kalagitnaan ng Summer. hahahaha!

Pagkatapos mahiwa si JR, sabay talon sa ilog. hahahaha... pero kung wala sa ilog.. lakad ka ng pakaang-kaang sa kalsada. hahahaha!!

Ilang araw ang delubyo ang hatid ng tule. Alam na alam mo kung sino ang tinule pagsapit ng Sabado de Gloria. Pagandahan ng PALDA or Duster ang mga binatilyo. LOL!!! Mahirap ang naka-short dahil masakit pag-nadampi ang U10. hahaha!! Ilang araw mo itong lalangasin ng pinakulong dahon ng bayabas. Dafuq ang sakit at ang hapdi... lalo na kung mangamatis na ang bwisit!!! Kaloka, imagine mo ang U10 na kasing laki ng kamatis na hinog na hinog. hahaha!! ganun level!!! Tapos ang mga bwisit mo pang mga pinsan at kalaro lalo ka nilang haharutin pagnakita ka nila... Iyong tipong papaluin pa ang U10 mo... nyeta talaga! hahaha!

Pero matapos gumaling ang tule... Ahem!!! iba na ang lakad ng mga binatilyo!! Tipong me angas na ang mga hayuff!!! Yung tipong lakad na... alis kyo dyan sa daan.. dadaan na ang tule. hahahaha... Tapos lahat ng mga supot nakatungo at nahihiyang tawagin mo silang SUPOT! LOL!

Yun lang BOW! hahaha!


#SabadoDeGloria
#TuleSaPukpok
#Kamatis
#labaha
#kwen2niErnie

**
Ireneo - ito ang ibang tawag sa akin
Mamay - LOLO
Labaha - Razor

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin