Hinog vs Luto - The dialect barrier tragedy.
Nosebleed, duguan ang utak, nganga; ilan ito sa mga salitang nadidinig ko sa mga pinoy kapag may kausap silang puti na hindi nila ma-express ang sarili. Yung tipong Ah, Eh, Uhm, Ah na lang ang lumalabas sa bibig tapos kitang-kita mo na kulang na lang sabihin na: EARTH OPEN, RENIE JUMP, EARTH CLOSE. hahaha!!! Di ba may mga ganun moment tayo lalo na sa mga nag-ta-trabaho sa ibang bansa na tulad ko. Jusme minsan parang naligo na ako sa sarili kong dugo pag ang hirap ng kausap... as in kulang na lang magdala ako ng salbabida tapos floating floating na lang ako sa sarili kong dugo. hahaha.. NGANGA galore!!! Pwede ng lagyan ng bangaw ang bibig. LOL!
Ngunit hindi lang pala ang mga foreigner ang makakapag-pa-NGANGA sa akin. LOL! Noong una ako sa Bacolod may mga time na para akong tanga. hahaha!! Yung hitsura ng mukha mo na naka-smile habang nakikinig ka sa naguusap pero wala kang naiintindihan. Tapos lahat ng mga tao seryoso ikaw naka-smile pa at bigla kang matitigilan sabay serious mode ka na din. LOL! Parang delayed telecast lang ang dating sa'yo ng kwento. hahaha! Aminin nyo may mga ganyang moment kayo... MOUTH-OPEN-OPEN (NGANGA sa Tagalog).
Akala ko dati okay na ang aking Ilonggo 101, pero noong umuwi kami last February na-test aking dialect skill. hehehe. Dahil sunod-sunod ang Turon Party ng isang kaibigan namin sa Singapore kaya pagdating namin sa Pinas kung saan sagana sa saging at langka.. hehehehe... excited kaming magluto ng sariling version ng Turon. hehehe.
Noong nasa SM kami para mag-grocery sabi ko kay Nali bibili ako ng Langka. So dahil feelinggerang plaka ang lolo nyo... mag-isa akong nagpunta sa fruit section at heto ang mga eksena sa pinilakang tabing (char! movie ang peg?)
Renie: "Miss may langka kayo?"
Staff: "Luto?"
Renie; "Hindi... hilaw!" (kumunot ang noo ng lolo nyo. Bakit ako bibigyan ng luto eh kailangan ko ngang lutuin sa turon??? Kaloka!
Dinala ako ng staff sa mga gulay na chopped na at ready to cook. Jusme bakit nya ako bibigyan ng langkang hilaw? Ano yan mag-gagata ako ng langka? juicecoloured!!!
Renie: "Miss hindi yan... Iyong inilalagay sa turon?"
Staff: "Luto?"
Renie: "Hindi.. hilaw."
Staff: "Luto!"
Renie: "Hindi nga... yung hilaw!"
Staff: "Ay ser wala po kaming Langka!"
TOINK!!!Muntik ko ng ibalibag si ate sa prutas sa harap nya. hahaha!!! Duguan ako ng matapos kaming mag-usap. Hindi ko cya maintindihan. hahaha... Parang humihingi ako ng aso, bibigyan nya ako ng pusa. LOL!!! Anyway, umuwi kami na walang langka na dala para sa turon. hahaha. Habang pauwi kami sa bahay doon ko nalaman ang mga sumusunod na salita: Ang LUTO pala sa Ilonggo ay HINOG or RIPE. hahahahaha... Oh well, sorry naman hindi naman ako taga Bacolod. hahahaha... Ang aking Ilonggo ay palagpat lang. hehehe.. Yung tipong masabi lang na marunong mag-Ilonggo pero mali-mali naman. hehehehe.
#ilonggo101
#hinog
#luto
#palagpat
#langka
#turon
#kwen2niernie
Mga Komento