Pag po ba antok pwede tulog?

lagare kung lagare ang drama ko ng friday-saturday... umuwi ako ng bahay 2pm ng Friday since half day lang ako dahil me pasok ako ng 2am ng Saturday... kaso naman di ako matulog kaya nagbabad na lang ako sa internet... hehehe... tapos ng afternoon I managed to have 3 rounds in Stadium ng takbo and then push-ups and sit-ups... hehehe... kaso halos malagutan ako ng hininga sa pagod.. hahaha.. :) pero hinay-hinay lang... ayaw ko namang matigok dahil lang sa exercise... kaya nga nag-e-exercise para maging physical fit hindi para matsugi... hehehe... :)

Pagbalik ko sa bahay.. labandera ang drama ko... then I left ng past 7pm na sa bahay going sa aming fellowship sa bahay nina kuya Tey... akala ko super duper late na ako, pagdating namin ng isang ka-HH namin.. eekkk... apat pa lang kami... hehehe... pero go lang.. kain muna kami ng masarap ng Carbonarra ni Kuya Tey, pizza, chiken at softdrinks.. :)

Konting rest lang at sinimulan na ang inuman... hahaha.. pero don't worry.. di naman lasingerro kami... we just have simple sharing while drinking tpos kanta-kanta lang.. :)

Late na nakarating sina James & Don kasi naglaro sila ng badminton for SFC Sportsfest... :)

2am na ako umalis ng bahay nina Kuya Tey since sabi ko nga me pasok ako... grabe.. maniniwala ka bang from 2am until 6:30pm ako sa office.. WOWOWOWOWOWOWWWWWWWWWWWW... daig ko pa ang nag-office... considering di pa ako natutulog... as in.. sobrang sakit na ng ulo ko.. :( nagpaalam ako kay Rosa Rosal, tama bang sabihin sa akin na siya din daw di pa natutulog... NYETTTAA... as in nag-ngingit-ngit ako sa galit.. samantalang sina Baho umalis na ng 12noon... :(

Nakalayas ako ng opisina ng 6:30pm at pagdating sa bahay... masa lang.. nawala na ako sa ulirat... nagising ako 8am na the following day... :)

Sobrang laki ng eye bags ko after.. :( Minus 10 pogi points tuloy... huhuhu...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin