International blooper

I dunno why, but the only thing I know is that: habulin ako ng bloopers... hahaha.. :)

Okay, di ko pa ito nakwento sa blog ko pero alam ba ninyo na nagkaroon ako ng super gandang blopper sa San Francisco... hehehe.. o di ba talaga namang pang-international ang aking mga kalokohan.. dati-rati yung kwentong mantrade lang ako.. remember ng mahulog ako sa manhole sa kahabaan ng mantrade along south super highway habang dala ko ang CPU ng computer ko... hehehe... :)

Anyways, heto ang kwento...

I went to San Francisco alone... I took train like Harry Potter going to Hogwards... hehehe.. pero ng pabalik na ako ng LA I took erplen na...hehehe... :)

Ewan ko ba kung bakit tuwing pupunta ako ng airport lagi na lang akong napupo... promise.. parang kung anong gayuma ang humihikayat sa aking pwet para pumupo... hahaha.. :D At di nga naiba ang San Francisco... hehehe... pagpasok ko pa lang sa immigration, jusko mega kulo na ang aking tyan... pagtapat ko sa CR sa tapat ng gate ng sasakyan ko, pumasok agad ako.. pero blockbuster ang pila... syempre ang mga pinoy kahit taeng-tae na at may nakitang tao sa cr parang umuurong lahat ng laman... hehehe... so sabi ko stay muna ako ng mga 30minutes kaya nagbasa-basa muna ako ng pocketbook.. konting pigil muna while naka-cross ang legs... hahaha..

After 30minutes bumalik ako sa CR. Aba laking gulat ko at walang tao sa loob... so sabi ko blessings in disguise... hehehe... pero at the same time having doubt na baka mali ang napasukan ko... kaya lalabas muna sana ako ng makita ko yung isang lalake na pumasok din sa CR. So what I did pumasok na ako sa cubicle at nagbigay pugay sa inang kalikasan... hehehe... yung nasa kabilang cubicle ang lakas-lakas umutot... hahaha.. ako medyo naive lang.. :P konting pooottt lng.. :D

Paglabas ko ng CR, feeling isa akong artista kasi nakatingin ang mga tao sa akin... (well, i know mukha akong artista... hahaha...) anyways, pagtingin ko sa singage naka-PALDA yung picture... hahahahahahahaha... :D kulang na lang maglaho akong parang bula sa harapan ng mga tao... hahaha.. :D imagine the place na sobrang daming tao kasi lahat naghihintay ng kani-kanilang flights tapos biglang maylalabas na lalaki sa loob ng babaeng cr anong iisipin mo.. hahaha.. :D pero anong magagawa ko eh naka-UU na ako.. hahaha... :D so ibig sabihin yung malakas na umutot sa tabihan ko ay babae... hahaha... :D I can't really imagine na ang mga babae din pala parang barako din umutot... :D

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin