Walang blog entry?

Aba aba aba!!! kaiba ito at walang entry ang lolo nyo... dahil ba busy talaga? or talagang batugan... hahaha.. =)

Okay, try kong mag-compose if merong papasok sa aking mumuting utak... na sabi ng aking tatay noong ako ay bata pa... UTAK BIYA daw!!! [Biya is a kind of fish na maliit kaya maliit din ang utak... hahaha...]

Ano ba ang ginawa ko recently??? Teka, noong Sunday after our SFC-Household sa bahay [they like yung niluto kong sinigang na hipon... hehehe..] I'll been thinking kung ano ang gagawin ko since Monday panggabi ako so dapat mapuyat talaga ako ng Linggo para mahaba ang tulog ko... Anyways, I tried to call some of my friends and ironically lahat sila ay di pwede... kaloka... So what I did, I took subway train all the way to HarbourFront para makapunta ako ng Vivo City...

Noong nasa Vivo City na ako, I dropped by sa Singtel kasi gusto ko ng palitan ang aking O2mini na Cellphone.. imagine naka two years sa akin itong phone ko... hahaha... sabi ko noon ipapalit ko dito yung iPhone ng Apple kaso di pa cya masyadong "in" dito at konti pa lang ang gumagamit... hahaha... at saka parang ayaw ko na ng phone na dinudutdot lng ng stick... hahaha... na-miss ko na yung daliri ang ginagamit pag-compose ng txt... I remember dati kahit meron akong kausap nakaka-txt ako... for kahit naglalakad ako... pero ngayon I need to stop at mega dutdot ako... hhaaayyy!!!!! Anyways, matapos kong mag-explain sa customer service ng Singtel... heto lang ang sagot sa akin: "Try to Singtel Hello what!!! not here 'lha!" Jusko natigalgal naman daw ako...

So since di pwede, dumaan ako sa Golden Village Cinema... and presto... I brought ticket ng HANCOCK... and goodthing I brought my credit card kaya nabili ko lang ang movie tix ng $8.00 dollars... yyeeehhheeeyyyy... or else, $10.00 dollars din yun... after I brought my tix kahit mag-isa lang ako... bumaba ako sa drugstore to buy band-aid kasi meron akong ingrown sa paa at noong nilinis ko cya DUGUAN po... kaya I badly need band-aid...

Dahil ang start ng movie ay 8:45pm pa... so mega ikot ako sa mall... I been thinking kung bibili ako ng black shoes kasi puro white & brown ang shoes ko... pero wala akong makitang gusto ko... Marami pa ding SALE dito sa Singapore.... kaya mega ikot ako sa buong mall kung ano ang bibilhin ko... I ended-up sa isang sulok ng Starbucks at lumalaklak ng kape... hahaha... kaloka.. wala akong nabili na kahit ano... I sms my super close buddy sa pinas na si Deck and tried to remenished those days na magkakasama kami sa Community [Christus Vincit]...

After the movie... close na ang mall and most of people ay naguuwian na... kaya ano pa ang gagawin ko? eh di umuwi na din ako... hahaha... =) and for the first time umuwi akong walang dalang shopping bag... bbbwwwhhhahahaha... =) except sa isang plastic bag na ang laman ay band-aid... :D

Hhhmmm.. ano ba ang natutunan ko??? Well, sa buhay di dapat mapraning kung walang gustong sumama sa'yo pag nag-aya kang lumabas... haller... di mo naman hawak ang buhay ng mga tao noh!!! merong sariling pagiisip ang mga yan and they have the option to REJECT you... at ikaw naman, wag kang magtampo... Life is so short... don't waste your time to those people na ayaw kang kasama... jusko marami pang tao sa mundo noh!!! Yun lng... ENJOY LIFE... SMILE ALWAYS... and BE A BLESSING TO OTHERS..

God Bless..

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin