Kabobohan sa Davao

Dahil isa akong tao na kabuntot ang kabobohan kaya heto ang mga bloopers namin... (^_^)

1.) Nag-island hopping kami pero sabi ng aming driver ng bangka... di daw cya pwedeng lumapit sa pampang kaya malayo pa lang kami sabi nya pwede na daw kaming tumalon sa dagat... so dali-dali kaming ng suot ng kanilang lifevest... jusko dahil medyo pa-hapon na kaya malakas ang alon... and guess what... nadala lahat kmi ng malakas na alon... hahaha... at heto itong si Leslie... kulang na lang isumpa ang dagat... as in langoy kami ng langoy pero di kami lumalapit sa bangka instead palayo kami... noong makita kami ng driver ng bangka... yun lumapit cya sa amin.. :D

--> Well, sabi ng Physics teacher ko noong High School... di daw dapat tyo lulubog sa dagat dahil sa voyancy ekclavu... pero bakit nga ba daw tyo lumulubog? dahil sa KATA... as in KATANGAHAN... hahaha... =)

2.) Papunta kami ng Philippine Eagle Farm... at naligaw nga kami... heto bumalik ulet kami at dahil sa gutom meron kaming nakitang tindahan ng tinapay... jusko ang mahal ng tinapay ha!!! so dahil kuripot nga ako... sabi ko... 15 pesos na lang isang plastic... hahaha... eh ako naman pa-jokelang.... pero natigalgal ako sa sagot sa akin ng lola mo... "PRICE is PRICE!!!" jusko 'neng... muntik na akong dinugo sa sagot... as in tawa ako ng tawa... the way nya sinabi at ang kanyang expression... at dahil masama nga ugali ko... ikinukwento ko sa mga ksama ko sa van at tama bang pagtawanan namin... :D

3.) Noong paakyat kami sa EDEN Park... yung Van ulet naming sinasakyan... sobrang full kami... as in siksikan... noong paakyat na kami ng bundok as in medyo stiff ng konti... tama bang patigilin kami as in usad pagong na nga ang aming sasakyan kasi ba naman merong inaayos sa kalsada... then noong tatakbo na ulet ang aming van... nyaaakkssss... TUMIRIK kami... hahaha... as in baba kaming lalaki at nagtulak paakyat ng bundok... hahaha... ang mga tao nakatingin lahat sa amin... kasi ba naman di naman kami mukhang nagtutulak ng sasakyan... mga naka-japorms pa naman kami... :D

--> Natutunan ko lang... mag-diet pa di tumirik ang sasakyan dahil sa bigat ng laman... hahaha..

4.) Sobrang late na nag-start ang wedding.. nakalagay sa program 3pm or 4pm ata pero naka-start na kami around 5pm na ata... at inabot kami ng ulan... Do you believe na late dumating halos ng mga abay.. mas maaga pa ang bride at groom sa simabahan... as in kaloka.... then heto sabi we gonna start na daw... tama bang wala pa ang Commentator... and since ako yung kakanta ng Psalm... so sabi ng wedding coordinator... ako na daw ang mag-start... noong mag-start na ang 1st reading merong dumating na babaita... at nagtuturo cya sa akin... sabi nya cya dun... (nasa baba cya ako nasa taas ng altar)... sabi ko sa kanya...

Renie: dito ka?
Babaita: uu
Renie: punta ka dito... Why are you late? you should come early since you are the commentator... you should be in the church at least 30 minutes before the wedding to prepare yourself...

Jusko inaway ko ba daw!!! hahaha... =) at heto pa ang kaloka sa lahat... di pa marunong mag-commentator ang lola mo... at kung anik-anik ang sinasabi... sabi ko sa kanya.. pag may nakita kang ALL it means kasama ka dun... haaayyy!!!

sabi ko sa kay Don (katabi ko)... isa na lang tatadyakan ko cya ng isa para mahulog cya sa hagdaan... hahaha.. =)

--> After the wedding dun ko nalaman na kapatid pala cya ng bride... nnnyyaaakkksss... Sis.Jolly cencya... inaaway ko ang sisterrette mo... hahaha.. =)

5.) Akala ko dati sa movie lang yung nagkakamali ng pagsagot ang ikinakasal... 1st time ko makakita na sumagot ang lalake while babae ang tinatanong... =) at syempre para di naman mapahiya yung guy... we just clap our hands... pero ang cute-cute nun... sobrang scene stealer yung moment na yun... (^_^)

6.) Day ng uuwi na ako ng Manila... nagikot muna kami sa Eden... at heto ang nakakatawa... excited kaming magpa-picture sa kabayo... pero takot kaming lumapit baka kmi tadyakan ni Reggie... so medyo malayo kami... Itong kasama naming Singaporean na si Tan... aba at lapit na maigi... jusko ng malapit na cya... nagkaroon ng total ERECTION ang kabayo... hahaha... as in... tawanan kami... sabi ko.. hitsura pala ng Singaporean nakakapagpatayo ng ari ng Kabayo... ahihihihi!!!!

Yun lng...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin