Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2014

Naku po!

Matatakutin ba kayo? Naniniwala ba kayo sa mga multo, aswang, manananggal, dwende, kapre at kung anu-ano pang mga kahayupan sa mundo. LOL! Dahil lumaki kaming wala namang kuryente sa amin at hindi pa natatayo ang poste ng BATELEC or MERALCO kaya pagkagat ng dilim ang sabi ng mga matatanda may mga lumalabas daw na mga multo at kung anu-ano pa amin. Ayaw na ayaw ko dati paginutusan ako sa gabi na pa-aakyatin ako sa 2nd floor ng aming bahay (sosyal me 2nd floor ang bahay... kaso butas naman ang sahig na yari sa kawayan. LOL). Pagakyat mo sa 2nd floor ng bahay namin nasa sulok yung aparador na may salamin. Alam mo yung pakiramdam na may dala kang ilaw na de gas tapos pagdaan mo sa harap ng salamin biglang me lalabas na nakaputing babae tapos mahaba ang buhok... wwwhhhhhhhhhaaaaaaaaa... As in ayaw na ayaw ko yun... tapos yung bigla kang tatakbo na pakiramdam mo hinahabol ka na kahit anong bilis ng takbo mo bigla mo cya makikitang nasa tabi mo... hahahaha... I HATE THAT!! Ok fine duwag na...

Ulan

Umuulan na naman sa labas. Makikita mo ang bawat patak ng ulan na bumabagsak mula sa langit. Dahan-dahan hanggang tuluyan na itong bumuhos na tila walang katapusan. Dagli akong natigilan sa aking ginagawa at lumapit sa may bintana para pagmasdan ang mga patak ng ulan. Mula sa aking pagkakatayo, wari'y tumigil ang mundo at dinala ako sa panahon ng aking kabataan. Panahon ng kamusmusan at walang kamalayan. Panahon na simple at payak ang pamumuhay. Panahon na nangangarap na isang araw titigil din ang unos at muling sisikat ang panibagong pagasa ng buhay. Naalala mo pa ba noong huli kang tumakbo saliw sa malakas na buhos ng ulan? Ang bawat butil ng ulan na dahan-dahang pumapatak sa iyong mukha. Ang bawat halakhak na namumutawi sa iyong mga labi habang nagtatakbuhan kayo ng iyong mga kalaro saliw sa malakas na ulan. Tumakbo na tulad ng malayang ibon na lumilipad sa himpapawid na tila walang kapaguran. Ito ang panahong hindi mo iniisip ang bukas at problema ng buhay. Panahon ng iyong k...

Taklesa

Taklesa ang tawag sa mga taong walang preno ang bibig kapag nagbigay ng kumento. Walang pakialam kung sino ang kanilang masasagasaan. Hindi nila alam na nakakasakit na pala sila pero para sa kanila ay wala lang. TAKLESA!!! Ikaw ba ako? hahaha... Okay fine! may mga panahon na sobra akong taklesa.. ay mali pala... ulitiin natin... Halos araw araw ay may pagkataklesa ako... LOL!!! Walang preno kung magsalita na parang umaarangkadang jeep lang ang peg?? keber kung sinong masasagasaan na pakalat-kalat sa tabi ng kalsada! hahaha! Anyway, ngayong araw na ito ikukuwento ko sa inyo ang isa sa marami kong pagiging taklesa moment... hahaha.. (please wag ninyo akong husgahan... tao lang din lang ako na may limitasyon ang aking kakayahan sa buhay.. minsan ay marupok din sa mga kahinaan sa buhay... hahahaha..) Umattend kami ng bday party ng aming kaibigan at dahil matured na daw kami.. char!!! dapat pang-adults na din ang aming mga games. LOL! Kumusta naman tequila shots ang labanan... hahahaha....

Age Gap: Pag minalas-malas talagang malas!

Isa sa mahirap na kinakaharap ng mga nakakatanda ngayon (tulad ko) yung Age Gap. Yung kung paano ka makakasabay sa mga makabagong kabataan. Minsan hindi mo maiiwasang ma-compare noon at ngayon. hehehe!!! Parang noong college kami matanda na yung ibang titser tapos hindi na sila updated sa mga latest happenings na nangyayari sa mundo kya minsan nganga ang titser sa jokes ng mga estudyante. hehehehe. At yan ang kwento natin ngayon araw na ito. Reporting: Ang paboritong ipagawa ng mga tamad na titser sa kanilang estudyante. Na-noticed nyo ba ito? Pag-super tamad ang titser wala ng ginawa kundi ipa-report ang lahat ng laman ng libro sa buong klase tapos naka-upo lang si ma'am at kinabukasan quiz agad-agad. hahaha. Anyway, mayroon kaming titser noon sa Philippine Gov't and Constitution na super terror. Alam mong minor subject lang  pero feeling ata ng titser namin mag-la-law kaming mga ComSci na estudyante. Super serious ang titser namin, kilala siya na konti lang ang pumapasa sa ...