Ulan
Umuulan na naman sa labas. Makikita mo ang bawat patak ng ulan na bumabagsak mula sa langit. Dahan-dahan hanggang tuluyan na itong bumuhos na tila walang katapusan. Dagli akong natigilan sa aking ginagawa at lumapit sa may bintana para pagmasdan ang mga patak ng ulan. Mula sa aking pagkakatayo, wari'y tumigil ang mundo at dinala ako sa panahon ng aking kabataan. Panahon ng kamusmusan at walang kamalayan. Panahon na simple at payak ang pamumuhay. Panahon na nangangarap na isang araw titigil din ang unos at muling sisikat ang panibagong pagasa ng buhay.
Naalala mo pa ba noong huli kang tumakbo saliw sa malakas na buhos ng ulan? Ang bawat butil ng ulan na dahan-dahang pumapatak sa iyong mukha. Ang bawat halakhak na namumutawi sa iyong mga labi habang nagtatakbuhan kayo ng iyong mga kalaro saliw sa malakas na ulan. Tumakbo na tulad ng malayang ibon na lumilipad sa himpapawid na tila walang kapaguran. Ito ang panahong hindi mo iniisip ang bukas at problema ng buhay. Panahon ng iyong kabataan. Panahon na handa kang gawin ang lahat at walang takot sa buhay.
Mangilan-ngilang kulog at kidlat ang nagpabalik sa akin sa panahon kung nasaan ako ngayon.
Mula sa bintana kung saan ako nakadungaw, nanumbalik ang mga ngiti sa aking mga labi. Kaysarap balikan ang panahon na yaon.
Kaibigan, tantuin mo na ang buhay ay maiksi lamang. 'Wag mong sayangin ito sa mga pag-aalinlangan at takot na subukan ang mga bagay na sa palagay mo ay hindi mo kaya. Bakit hindi mo muling damhin ang pagpatak ng ulan sa banayad na mukha? Bakit hindi ka muling tumawa sa ilalim ng ulan at tuluyang lumipad sa malayang papawirin na tulad ng ibon sa parang. 'Wag kang matakot, ang buhay ay tulad ng isang paglalayag sa dagat na minsan ay darating ang malalaking alon na susubok sa katatagan ng iyong buhay. Isipin mo lang na sa bawat hampas ng alon ay ito ang magtuturo sa'yo kung paano mo pananatiliin sa paglalakbay ang bangka ng iyong buhay.
#ulan
#kwen2niernie

Mga Komento