Age Gap: Pag minalas-malas talagang malas!

Isa sa mahirap na kinakaharap ng mga nakakatanda ngayon (tulad ko) yung Age Gap. Yung kung paano ka makakasabay sa mga makabagong kabataan. Minsan hindi mo maiiwasang ma-compare noon at ngayon. hehehe!!! Parang noong college kami matanda na yung ibang titser tapos hindi na sila updated sa mga latest happenings na nangyayari sa mundo kya minsan nganga ang titser sa jokes ng mga estudyante. hehehehe. At yan ang kwento natin ngayon araw na ito.

Reporting: Ang paboritong ipagawa ng mga tamad na titser sa kanilang estudyante. Na-noticed nyo ba ito? Pag-super tamad ang titser wala ng ginawa kundi ipa-report ang lahat ng laman ng libro sa buong klase tapos naka-upo lang si ma'am at kinabukasan quiz agad-agad. hahaha. Anyway, mayroon kaming titser noon sa Philippine Gov't and Constitution na super terror. Alam mong minor subject lang  pero feeling ata ng titser namin mag-la-law kaming mga ComSci na estudyante. Super serious ang titser namin, kilala siya na konti lang ang pumapasa sa kanyang klase kaya habang maaga pa yung ibang estudyante drop kung drop kesa ma-5.0 sa grade. hehehehe... Pero knowing me keeeveeeerrrr ko sa masungit na titser wala sa vocabulary ko ang drop kya kahit masungit ang titser pasok lang ng pasok. hehehehe.

Noong Final Grading namin mukhang tinamad na ata ang titser na ito kya yung remaining chaters ng books hinati-hati namin for reporting. Simple lang ang requirements sa reporting:

1.) Lahat ng ka-team mo dapat mayroon part sa reporting
2.) Dapat may commercial in-between ng reporting

So bawat team kani-kanilang piga ng creative juices sa kanilang utak kung paano ii-e-execute ang reporting at ang higit sa lahat ay makamatay na commercial.

Lahat na ng team ay nakareport na except sa isang team. Medyo makukulit ang team na ito pero I really love yung kanilang creative minds. Super nakakatawa ang reporting nila na parang GAG Show as in tawa kami ng tawa sa room pero heto na... mukhang hindi ata nakakapanuod pa si ma'am ng GAG Shows kaya NR (No Reaction) ang lola mo. Pero alam mo yung buong klase halos mamatay na katatawa tapos siya nasa isang sulok nakatingin lang na parang nag-iisip na: Anong nangyayari? hahahaha.  In-between ng reporting heto na may commercial ang team na yun. Naalala nyo ba ang commercial ng MCDonald's na may bata na nakasakay sa swing tapos paglumalapit sa window tumatawa ang bata.. paglalayo ang swing sa bintana bigla siyang malulungkot. Yun ang commercial nila. Imagine talaga mega-effort pa sila sa pag-gawa ng swing at ang reaction ng kaklase namin na gumanap na bata ay super classic.. as in EPIC!!! halos mabaliw kami katatawa pero ang titser namin. NR!!! as in super NR!!! In the middle ng commercial super nagalit si ma'am at sumigaw! WHAT KIND OF COMMERCIAL IS THAT??? pero tawa pa din kami ng tawa... tapos sumigaw na namin siya. ITIGIL NA YANG REPORTING NINYO...

Kaloka si ma'am kitang-kita namin ang kanyang veins na talagang galit na galit. hahaha... Akala ko nga madadala pa sa hospital sa sobrang High Blood eh.. hahahaha..Pagdating ng grading buong team naka 5.0. hahahahaha. Oh well, mukhang di nasakyan ni ma'am ang corny jokes ng GAG Show + latest commercial kaya minalas-malas yung team ng classmates ko at nakakuha ng 5.0 sa Finals. Hirap talaga ng AGE GAP!

 Heto yung commercial ng Mcdonalds:

http://youtu.be/Gz8dsR5vPzM

#agegap
#phigovt&const
#reporting
#mcdonalds
#singko
 kwen2niernie



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin