Naku po!


Matatakutin ba kayo? Naniniwala ba kayo sa mga multo, aswang, manananggal, dwende, kapre at kung anu-ano pang mga kahayupan sa mundo. LOL! Dahil lumaki kaming wala namang kuryente sa amin at hindi pa natatayo ang poste ng BATELEC or MERALCO kaya pagkagat ng dilim ang sabi ng mga matatanda may mga lumalabas daw na mga multo at kung anu-ano pa amin.

Ayaw na ayaw ko dati paginutusan ako sa gabi na pa-aakyatin ako sa 2nd floor ng aming bahay (sosyal me 2nd floor ang bahay... kaso butas naman ang sahig na yari sa kawayan. LOL). Pagakyat mo sa 2nd floor ng bahay namin nasa sulok yung aparador na may salamin. Alam mo yung pakiramdam na may dala kang ilaw na de gas tapos pagdaan mo sa harap ng salamin biglang me lalabas na nakaputing babae tapos mahaba ang buhok... wwwhhhhhhhhhaaaaaaaaa... As in ayaw na ayaw ko yun... tapos yung bigla kang tatakbo na pakiramdam mo hinahabol ka na kahit anong bilis ng takbo mo bigla mo cya makikitang nasa tabi mo... hahahaha... I HATE THAT!! Ok fine duwag na kung duwag... Sorry naman... TAO lang.. hahahaha..

Isang araw habang tirik na tirik ang araw tapos biglang umulan... malamang may ikinakasal na tikbalang! LOL! Kidding aside, dito sa opisina may special na toilet para mga bisita. Dati-rati naka-locked ito pero recently binuksan na ito sa lahat so kahit sino pwede ng juma-popo. hehehehe.. Hindi ko ito nagagamit pa pero ewan ko ba noong isang araw parang may gayuma itong toilet na ito at ako ay tinatawag. hahahaha... Eh marupok din naman ako kaya pinagbigyan ko na. LOL!!!

Dahil Mr.Bulag ako kahit may ilaw na minsan din pa din ako nakakakita. hahaha... kaya di ko masyadong pansin ang nasa loob ng toilet.

Scenrio:

Pagpasok ko sa loob dali dali ko itong isinara at derecho ako sa tapat ng trono at ng maghuhubad ako ng pantalon ewan ko ba pero para akong tanga na bigla akong sumigaw ng NAKU PO!!! hahahahaha... May nakita akong lalaki sa kabilang side. hahahaha... at heto ang nakakairita sa lahat. Alam mo yung nagmamadali kang magsuot ng pantalon pero ang ginagawa din ng lalaki sa kabilang side ay nagsusuot din ng pantalon at nagpaalaman mo sa huli na ang nakita mo ay ang sarili mo!!! hahahahaha... punyemas!!! malaking salamin pala ang bwisit.. hahahahahaha... Kaloka.. halos atakihin pa ako sa puso sa sarili kong katangahan sa buhay. hahahaha.. Biglang bumalik sa akin yung mga kabobohan ko noong bata pa ako tuwing dumadaan ako sa harap ng salamin pagsapit ng gabi. hahahaha!!!

#salamin_sa_dilim
#naku_po
#multo
#kwen2niernie


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin