Taklesa

Taklesa ang tawag sa mga taong walang preno ang bibig kapag nagbigay ng kumento. Walang pakialam kung sino ang kanilang masasagasaan. Hindi nila alam na nakakasakit na pala sila pero para sa kanila ay wala lang. TAKLESA!!! Ikaw ba ako? hahaha... Okay fine! may mga panahon na sobra akong taklesa.. ay mali pala... ulitiin natin... Halos araw araw ay may pagkataklesa ako... LOL!!! Walang preno kung magsalita na parang umaarangkadang jeep lang ang peg?? keber kung sinong masasagasaan na pakalat-kalat sa tabi ng kalsada! hahaha!

Anyway, ngayong araw na ito ikukuwento ko sa inyo ang isa sa marami kong pagiging taklesa moment... hahaha.. (please wag ninyo akong husgahan... tao lang din lang ako na may limitasyon ang aking kakayahan sa buhay.. minsan ay marupok din sa mga kahinaan sa buhay... hahahaha..)

Umattend kami ng bday party ng aming kaibigan at dahil matured na daw kami.. char!!! dapat pang-adults na din ang aming mga games. LOL! Kumusta naman tequila shots ang labanan... hahahaha... at knowing na hindi ako marunong uminom ng alak... tulirong manok na agad kahit isang shot pa lang.. (laylay na ang tuka ng hayuff!) Anyway, feeling ko tahimik ako paglasing kasi madaldal na ako sa totoong buhay. Pero pagnalasing pala ako, parang 500km/hr sa sobrang kadaldalan!!! hahaha..

Balik tayo sa kwento, matapos kaming maglaro. Kain galore and knowing mga Pinoy pagsinabing party as in party talaga. Lafang Galore! Parang mga magbubungkal lang ng lupa ang peg!

Itong kaibigan namin ang kasama nila sa bahay ay isang Pastry Chef at talaga namang mega effort sa pag-bake ng cake ang lolo mo. A for Effort ika nga! At ng matapos nyang ma-bake ang gigantic na chocolate cake... inilabas nya with matching candles..taray davah!! parang 18th bday lang! Tapos niligay nya sa table kung saan ako nakaupo. hahahaha. O heto to be honest wala naman akong intensyon na maging taklesa pero... ewan ko dahil ba lashenggg na ako? Heto ang  scenario:


Scenario:

Dahan-dahan niyang ipinatong sa lamesa ang gigantic cake habang may kasamang mga kandila sa ibabaw nito.

Mga Tao: WOW!!! Cake!!!

Mega smile ang chef na feeling accomplish.

Habang masaya ang chef, sumigaw si Renie para tawagin ang kanyang asawa na nasa loob ng kwarto na nakikipaglaro sa bata.

Renie: "Booogggiiinngg!!! Punta ka dito... Kain tayo ng isang platong taeeeee!!!"

At tumahimik ang mga tao sa paligid na tila tumigil ang ikot ng mundo... hahahaha!!!

'Neng wag nyong itanong sa akin kung bakit ko yun sinabi... hahaha.. basta ang alam ko lang.. pinagbabayaran ko pa yung moment na yun until now.. dahil paulit-ulit itong ipinapaalala sa akin ng mga butihin kong kaibigan.. hanggang wala na akong mukhang ipapakita sa ibang tao. LOL! Eh anong magagawa ko? Lassheenngg na ako!!! At para naman talagang charorot yung cake ah!!! hahahaha... Or talagang TAKLESA LANG AKO?


#isang_platong_tae
#taklesa
#chef
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin