Mahina ang Signal

Makabago na ang panahon ngayon. Masasabi kong talagang hightech na tayo sa ngayon, pero alam kong darating ang panahon na mas magiging hightech pa ang pamumuhay natin. Malay mo balang araw lumilipad na talaga ang mga sasakyan! Oh! di ba! ang sosyal! Pagtinanong ka kaibigan mo kung saan ka pupunta. Sasabihin mo mag-fly lang ako sa North Pole bukas gamit ang new car ko... HONTARAY!!! sosyalan ang labanan!! bawal ang mga mahirap. hahaha.. well, atleast wala ng tatanga-tangang masasagasaan sa kalsada kasi lahat ng sasakyan ay lumilipad na. LOL! Kaso maraming magsasarang insurance company. LOL!!! (ito naman ay prediction ko lamang!) hehehe!

Pero bago naging hightech ang panahon natin ngayon... dumaan tayo sa panahon na feeling natin super hightech na pero pagmagbabalik tanaw ka parang maiisip mo.. OhEMGee!!! Super BARRIO-tic ang panahon natin noon. LOL!!! Super LOW TECH galore! hahaha!

Naalala ko pa ng panahon ng magkaroon kami ng TV sa aming bahay. Ay neng!! sosyalan may remote control at colored pa! Kaso ang channel lang nasasagap ay 2,4,7,9,13. LOL!!! pag-channel 1... minsan chinese shows pa ang nasasagap... lakas maka-signal ng china!!! hahaha!! Pero konti man ang channel namin noon talagang sosyalan na... di ka na kayang kabugin ng classmates mo dahil mas makulay ang palabas sa tv namin kesa sa black and white. Anyway, hindi pa uso noon ang mga cable at mga satellite disc kaya ang antena ang abot langit ang taas... minsan nga umiiwas na ang eroplanong dumaraan baka kasi masabit. LOL!!! **hexzaggz** Jusme noon habang nanunuod ka ng TV tapos yung eksenang makawalang hininga moment bigla ng lang mawawalan ng signal ang TV... KALOKA!! Sasabihin ng kapatid ko punta daw ako sa bubong!!! AKYAT BAHAY GANG ang drama ko... hahaha!!! So ako naman akyat sa bubong ng bahay tapos sisigaw pa:

Renie: "Ano okay na ba?" habang iniikot ko ang antena.
Kapatid: "Iikot mo pa!"
Renie: "Kaliwa o Kanan?"
Kapatid: "Basta iikot mo!! Ayan na!!! Ayan na!!Ay lumagpas! Ibalik mo!! Dahan-dahan lang... O yan!!! Pwede na!"

Jusme... tapos na yung kabang-abang na-eksena saka lang magkakasignal! Tapos pagbinitiwan mo ang antena.. pocha! nawawalan ulet ng signal!

Kapatid: "WALA NA NAMAN SIGNAL!!! Wag ka munang umalis dyan!"

Kaloka!!! nakatayo ka sa bubong habang matapos ang palabas... hahahaha!!! And take note ang hitsura ng aming antena... Isang puno ng kawayan + antena!!! hahaha!!! kumusta naman pag may lumilipad na mga uwak at ibon.. minsan doon pa titigil ang mga buwisit.. aalugin mo ang antena para umalis... so wala na naman signal. hahahaha!

Pero ibang level naman sa black and white na TV... pagwalang signal... pu-pokpokin mo ang likod ng TV and violah!!! MAY SIGNAL NA!!! hahahaha!!! Tuloy na naman ang ligaya! 


#walang_signal
#tv
#antena
#kwen2niernie

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
Bading na bading ka gid day!

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin