Bakit tatanga-tanga?

Sa mga nagtra-travel palagi, alam na alam mo yung pers tym na nag-travel. Ang sarap-sarap pakinggan ng kanilang mga experiences. Ako naman bilang etchocherang froglet ay talaga namang wagas kung makinig sa mga kwento nila. hahaha! 

Nakaupo sa mabahang upuan na pawang mga pinoy ang naka-upo at naghihintay para maka-board sa eroplano. Yung nasa dulo ay magasawang matanda, pagkatapos si ate, tapos ako, si kuyang may pagkamanyakis, at si ate na pa-flirt kay kuya. hahaha… Sa loob ng 30 mins na pagkakakupo ko sa tabi nila ay talaga namang wagas na wagas ang latest tsimis na aking nasagap. hahaha… sorry na lang sila dahil sila ang topic ng aking “NATULOG” na blog. LOL!

Si ate na pa-flirt, mega accent ang bakla ng kanyang Aussie Aussie OI OI accent. kaloka!!! Mega chikka cya sa kanyang 3 months journey sa Melbourne, Sydney, at Tazmania. At ito naman si kuyang manyakis hindi nya mapigilan ang kanyang pang-gi-gigil kay ate at sumabat pa siya with his husky voice. LOL!!! 

Kuya: Anong ginawa mo sa Australia? (with his husky voice)
Ateng Mahadera: Oh! nagtravel lang ako doon ng 3 months. (tagalog yan with oi oi accent). LOL!! GUSTO KONG MAGPATIWAKAL… hahaha

Chikka chikka sila ni Kuya na kulang na lang gapangin nya si ate. LOL!

Kuya: Galing din ako sa Australia. Alam mo ba ang PERTH?
Ateng Mahadera: Oh! Hindi eh!
Kuya: Oh. Di mo alam ang Perth?

blah! blah! blah!

Jusme dito pa naglandian ang dalawang bwisit. hahaha!

Anyway, keber kung in the end tumakbo muna sila sa toilet at doon naglandian… LOL!!! Mas interesting ang kwento ni ate at ang dalawang matanda na katabi ko. LOL!

Si ate, ikinukwento niya ang na nagrerent sila ng maliit na studio sa Makati ng kanyang asawa. Sosyalera ang bakla! Worth 10K pesos ang rent nila sa bahay. Ito namang dalawang matanda syempre ayaw patatalo at mega chikka din na nag-stay sila for few months na dito sa Singapore. Sabi naman ni ate pagdating nya sa pinas susunduin siya ng kanyang asawa from the airport. Oh davah sosyalan ang bakla. Heto ang hindi ko kinaya at talagang gusto kong magkumartwheel sa harap nilang tatlo. Sabi ng matanda, eh di isabay mo na lang kami paglabas ng airport ihatid mo na lang kmi sa terminal ng Patras na bus. hahahaha… KALOKA!! kapal ng fez!!! anyway si ate naman gorabells lang ang peg… pero natigilan cya ng sabihin ng dalawang matanda na mayroon pa silang malaking bagahe. LOL!!! 

Anyway, matapos nilang masettle ang usapan nila sa kanilang pagsundo… heto naman ate at ikunikwento na nya na na-hold ang anak nya sa immigration. LOL!!! at hindi nya alam ang gagawin kasi hindi daw cla magkaintindihan ng kausap nya. Kasi ba naman buwan buwan andito ang anak nya para dalawin ang jowa nyang nagtatrabaho dito. Pero buti na lang after ilang oras pinalabas na ang anak nya pero sinabihan na bumalik ng SG after ilang buwan. 

Kaloka talaga itong si ate at ang buong journey nya sa SG ay ikinukwento na nya… sa araw araw daw na paglalakad nya sa Singapore ay talaga naman daw sumakit ang kanyang balakang. LOL!!! Tapos okay daw sumakay sa train at bus dito kasi hindi mo na kailangang i-libre yung kakilala mo. hahahaha… kailangan daw ng sariling ticket para makasakay. infairness tama naman si ate pero tawa ako ng tawa kung paano nya ikinukwento. 

Sa tagal ng kanilang kwentuhan itong huling hirit ni ate ang halos di ko kinaya. Galit na galit siya sa immigration officer kasi yung kanyang bench na cologne at lotion ay ipinatapon. hahahaha… Kaloka naman eh paano ba naman di ipatatapon eh more than 100ml ang lalagyan. hahahaha… as in galit na galit cya… paulit ulit nyang sinasabi na  KUNG BAKIT BA NAMAN HINDI KATANGAHAN. hahahaha… bakit daw ipatatapon pero yung kanyang maliliit na sabon na kinuha sa hotel hindi naman daw ipinatapon. hahahaha… as in hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko. hahahaha… paulit ulit si ate sa kanyang lintanya ng Bench lotion na hindi naman daw liquid. LOL!!!! gusto kong sabihin kay ate… ako no po ba ang lotion nyo? made in stone. LOL!!! or frozen lotion na hindi tumutulo. hahahaha… =))

Anyway, matapos ang ilang minuto kong pakikinig sa kanya pina-board na din kami sa wakas.. LOL!


#tanga
#pers_tym
#people_watching
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin