Tigang na pagiisip
Anong petsa na wala pa din akong nasusulat dito. LOL! Ilang beses ko na naman pinilit sumulat kaso talagang wala ng lumalabas sa aking utak. LOL! Oh well as if naman may utak talaga. Kaloka paulit-ulit ko ng gumawa ng kwento kaso parang walang patutunguhan kaya di ko na lang ginagawa. hahaha... Jusme feeling ko nga ang buhay ko ay 711... bukas bente quatro oras...hahaha... Minsan nga may nasabi sa akin, kumusta na si ganito.. kumusta na si ganyan... sabi ko paano mo laman? sabi ba naman sa akin sa Blog mo! LOL!!! Oh di ba minsan di ko na alam ang mga ikinukwento ko sa blog ko... hahaha... sukdulang ibenta ko na ang sarili ko at maka-relate lang kyo. hahaha..
Mahirap din pala ang masyadong sikat ang daming nag-e-expect. hahahaha... Feeling Forevermore lang peg? Me ganun level? hahaha... Kidding aside minsan may magsasabi sa akin Bakit wala ka pang entry sa blog mo? KALOKA!!! Ganun kasikat??? nag-aabang ang mga readers? hahaha.. Pero mahirap din infairness kasi kailangan mong mag-isip ng kwento... Syempre dapat ka-vogue ang kwento yung mga kalokohan at walang mapupulot na aral.. hahaha.. Jusme ano ako titser para magsulat na may-aral? Gusto mo ng may aral na kwento? Magbasa ka ng Britanica na ibinebenta sa bahay-bahay dati. LOL!! Uyy bigla niyang na-aalala yung mga sales agent na nagbebenta ng Britanica na pwede pang hulugan. hahaha!!! Infairness noon gusto ko ng ganung books kaso can't afford ang Familia Arcega kaya sa ABAKADA ang basag ko.. hahaha.. Yung yellow na manipis na papel tapos ang cover ay yung ina na-nagbabasa kasama ang anak na lalaki at babae at ang pinakapaborito kong kwento doon ay: Si LITO AT SI BOBO. hahahaha... Natatandaan nyo pa ba yun? hehehe.. Si Bobo ay isang aso. hahaha. Pero noong Grade 1 ako gustong-gusto ko yung kwento ni Henny Penny na manok. hahaha... After that ang sunod nakwento ay Linda and Minda na nag-su-swing. hahaha... If sa public school kayo nag-aral for sure alam nyo yan. hahaha... kaloka yung libro namin noong Elementary... Jusme libro pa ng mga ninuno namin. hahahaha... as in ganun kaluma!!! Tapos bawat bata dapat may ka-share sa libro kasi kulang ang aklat sa public schools. hahaha... Malas mo na lang kung ang ka-share mo malayo ang bahay sa inyo kasi kung may assignments pupuntahan mo pa sa kanila. Wala naman Library sa amin noon. hahaha.
Anyway, hindi ko pa din alam ang aking ikukuwento sa inyo duguan na ang aking medulla oblongata at pituitary glands wala pa din akong masabi. LOL!!! Speaking of WALA AKONG MASABI... ito ang aking line tuwing may mag-ask sa akin magsalita in-front ng madaming tao. LOL!!! as in sasabihin ko... WALA AKONG MASABI... tapos in the end para akong non-stop music sa dami kong nasabi. hahahaha... joke na nga yan ng mga kaibigan ko sa akin. hehehe.. Sorry naman kabado lang!!! hahaha. Pero ito ang hindi alam ng madaming tao na sa tuwing nasa harapan ako or nasa stage na mag-isa lang ako... feeling ko hihimatayin ako lagi. hahaha.. as in para akong nasa freezer sa lamig. hahaha... sabi ng iba hindi halata... at heto lang ang aking masasabi: C for Confindence pero deep inside D for Dying. hahaha!!!
O siya yun muna magisip pa ako ng pwedeng ikwento para naman pare-parehong sumaya ang araw natin. hahaha..
#tigangNaUtak
#kwent2niErnie
Mga Komento