Nang Bangungutin ang Superhero

Naranasan nyo na bang managinip ng sobrang weird? Kaloka di ba? Minsan pagnatulog ka sa bus/jeep/train tapos bigla kang mananaginip na tumalon ka sa bangin, di ba bonggang-bongga kang tatalon sa kinauupuan mo? hahaha... jusme!!! minsan para hindi masyadong nakakahiya pagbigla kang tumalon sabay pikit ulet para hindi halata pero deep inside sabi mo sa sarili mo: shxxt ang tanga-tanga ko.hahaha! minsan gusto mo na lang mawala sa kinauupuan mo. hahaha... O di kya minsan ang panginip mo may sinuntok ka! as in nangyari ito sa akin... hahahaha... mega long sleeves at todo porma pa naman ako pero nanaginip ako na may sinuntok...LOL!!! yung katabi ko sa train nagulat... hahaha!!! pero ako balik tulog ulet. LOL!!! pero deep inside feeling ko ang tanga-tanga ko. hahaha.. Oh well, hindi ako perfecto may mga kahinaan din ako. hahahahaha!!! Pero minsan sa sobrang sarap ng tulog ay kaloka yung tumutulo ang laway. hahahaha!!! level-up talaga ito. jusme!!! parang sauce lang na lumalabas sa botelya pag tumulo ang laway eh! hahaha... tapos pagtumulo sabay hihigupin pabalik pa! hahahaha!! winner na winner talaga. LOL!

 

Anyway ang kwento ko sa inyo ngayon ay tungkol sa panaginip. LOL!!! Intro pa lang yung nabasa nyo... anovah!! wag masyadong excited... heto na ang main course ng kwento. LOL!

 

Nalalapit na ang eleksyon sa Pilipinas, kaya naman ang newsfeed ko sa FB kaloka ang mga nagkalat na mukha ng mga politikong ewan... pero to be honest if tatakbo si Duterte as President.. ay go na go ako sa kanya! pangarap ko yung kamay na bakal na leadership at yun ang kailangan ng Pinas sa ngayon. Campaign Manager lang ang peg ko ngayon? LOL! "Duterte for President! he will Du-terte (do dirty) to clean the mess of the Philippines!" Oh pwede di ba? hahaha!  

 

Jusme nalihis na naman ang kwento ko...hahaha... cencya na masyado akong madaldal.. daming mga pasakalye sa kwento eh... Anyway, noong isang araw nanaginip ako. Ito ata ang pinaka-weird sa lahat ng aking panaginip. Daig ko pa yung tumulo ang laway or tumalon sa bangin sa panaginip na ito. hahaha... Sa aking panaginip isa daw akong superhero... oh davah!!! level-up kung level-up. LOL! Sa panaginip ko sa bawat bansa ay may naka-assign na superhero at sa dami-rami bansa na ma-aassign sa akin sa Pinas pa ako napunta. anak ng potcha!! hahaha!! pero infairness lahat ng power meron ako. hahaha. 

 

Unang araw ko bilang superhero ang nilinis ko ay mga politiko. Holly molly!!! ang sakit pala sa ulo. hahahaha.. noong una ang ginawa ko sa lahat ng corrupt na politiko ay ikinulong ko pero jusme hindi ko naisip na pati mga mayor hanggang kagawad ng mga barangay kasama sa politiko. hahahaha.. ang dami-daming corrupt. hahaha... sa sobrang inis ko sa kanilang lahat... gumawa ako ng malaking balon at ibinaon ko silang lahat. hahahaha!!! pero winner talaga itong mga politikong ito yung iba ang lalakas ng bituka... as in nakakatakas pa sa balon. LOL!!

 

Lilinisin ko ang buong Manila. 'teh na-stress ako sa dami ng basura. hahaha.. saan ko itatapon? hindi ko naman pwedeng itapon sa Tsina kasi may superhero din doon. hahahaha... hindi ko naman pwedeng itapon sa outer space kasi may inter-galactic superheroes. jusme ang hirap. napagod na akong magkolekta ng basura... na-stress pa ako kung saan itatapon.. hahaha...

 

Sabi ko lahat ng mga lumang sasakyan na higit limang taon na ay dapat wala na sa kalsada tulad dito sa SG. Kaloka ang mga human rights activist... paano naman daw ang mga ordinaryong tao na kumikita sa pag-ji-jeep? hahaha... sabi ng mga environmentalist paano naman ang polusyon? hahahaha... JUICECOLOURED!!! saan ako lulugar? hahahaha... tapos ng maisip ko... OMG!!! EDSA pa lang ang aking lilinisin.. hagard na ang hitsura ko... hahahaha.. paano pa ang buong Pilipinas? hahahaha... 

 

Lilinisin ko ang mga ilog, dagat, sapa, batis, lawa.... kaloka ang mga nakatira sa malalapit dito... ang titigas ng ulo.. ayaw umalis. hahaha.. nagtayo na ako ng pabahay para sa kanila na malayo dito tapos nagbabalikan pa din sa dating lugar... kaloka!!! in the end isinama ko nga sila sa balon ng mga politiko. hahahaha... habang nililinis ko ang ilog pasig nag-collapse na ako sa pagod at first time kong magising sa panaginip na pagod na pagod at stress na stress ako... hahaha.. Jusme ganun palang kahirap maging superhero sa pinas. hahaha.. kahit gaano kang ka-powerful mauubusan ka din ng enerhiya. LOL! As in napainom ako ng tubig sa sobrang pagod sa aking panaginip. Daig ko pa yung nanaginip ako na hinahabol ako ng aswang tapos hindi ka umaalis lugar mo pero nakikita mong papalapit na ang aswang sa'yo. hahahahaha... 

 

Anyway, napag-isip-isip ko lang parang kahit sino atang ilagay mong politiko sa Pilipinas hindi kakayanin baguhin ang bansa sa loob ng anim na taon. hahahaha... Ako nga superhero na nag-collapse pa sa pagod paano pa kaya ang politician? hahaha..

 

#superhero

#panaginip

#politiko

#kwen2niernie


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin