Buhay sa Probinsya 101: Maglaba sa ilog (The Vargas River Edition)
Masasabi kong napaka-swerte ng mga bata ngayon lalo na kung paguusapan ang paglalaba ng damit. Ngayon may mga washing machine na. Ilalagay mo lang ang maduming damit at viola!!! pagkatapos ng ilang minuto o isang oras tapos na ang labada at isasampay mo na lang... at kung talagang bonggagious ka... may mga dryer na din ngayon na pagkatapos ng labada.. tuyo na at pwede ng isuot kung ayaw mong plantsahin. hehehe.. pero sa akin... kailangan kong plantsahin... hahaha... takot ilagay sa cabinet ang lukot na damit. LOL!
Anyway, noong bata pa kami di uso ang washing machine. haller!!! welcome ko ilog o poso ang beauty namin. hahaha... Pero pinaka-bet ko ang ilog...hahaha!!! as in inaabangan ko ito noong bata pa kami.
Isang beses isang linggo ang paglaba ng mga damit kaya naman pagdating ng Sabado naghuhumiyaw ang labada sa bahay. hahaha... Jusme ang mga damit pa noon ay suot sa pag-aani sa bukid kaya naman ang tubal (dumi) sa damit ay wagas na wagas... hahaha.. kahit si Mr.Clean na ke-lusog-lusog sa picture nya ay halos mamayat sa hirap paputiin ng damit. LOL!Pero ganun pa man masaya ang paglalaba sa ilog.
Biyernes pa lang ng gabi naghahanda na kami ng mga gagamitin sa paglalaba sa ilog. Ang batya, ang pamugbog (palo-palo), ang bareta ng sabon, ang ga-bundok na labada na ilalagay sa sako. LOL!!! as in isang sako ang labada kada linggo. hahahaha...ganung level ang labada... literal na gabundok na labada. hahaha.. pero ang pinaka-importante sa lahat sa pagpunta sa ilog ay ang baon sa pananghalian. hehehe...
Malayo ang ilog sa amin and you need to walk cguro ng mga 2-3kms papunta sa ilog bitbit ang batya at ang isang sakong maduming damit. hahaha.. Imagine mo naman ang liliit pa namin noon talagang halos magkandakuba ka na sa pagpunta sa ilog. hahaha... Okay lang sana kung pagdating mo sa ilog eh tubig na agad... Kaloka neng at kailangan mo pang lumusong sa ilalim ng gubat...hahaha...as in super narrow na mga daan. hahaha.. tapos pag-tatanga-tanga ka at nadulas ka... hahaha.. pupulutin ka sa ilog na. hahaha... Parusa galore... pero kahit pa mahirap at nadinig na namin ang lagaslas ng tubig... ang bitbit naming sako ng damit ay parang cotton na lang sa gaan.. hahaha... takbuhan kami pababa ng ilog. hahaha... excited much!!!
Pagdating namin sa ilog... kanya-kanya ma kami hanap ng kani-kanilang pwesto kung saan maglalaba. Gustong-gusto ko ito kasi kailangan mong gumawa ng parang island para magkaroon ng pwesto sa paglalaba. hehehe... as in maghahanap ka ng mga bato sa ilog tapos pagpapatung-patungin mo. Tapos pag-ready na ang nagawa nyong island.. viola!! ihanda na ang labada. hahaha... as in kuskos galore gamit ang maseselang kamay sa paglalaba. imagine mo naman isang sakong damit ang lalabhan mo.. pagkatapos mo pa lang ng isang laba... ang mala-porselana mong kamay ay naghuhumiyaw na sa sugat. hahaha... as in.. sugat galore... hahaha..
memorize ko pa din ang pattern sa paglalaba sa ilog. ito ay ayun sa aking mga kapatid at kapitbahay:
- unang sabon muna... bawal banlawan.. hayaang may sabon... pag may sabon na ang lahat ng puti kasunod naman ang de-color saka lahat isasampay hanggang matuyo.
- pagtuyo ang damit kukunin at saka bubugbugin (Palo-palo). hahahaha.. kung galit ka sa mundo maganda itong pantanggal ng stress... hahahaha.. kawawa lagi ang butones ng damit pag natamaan ng palo-palo... basag kung basag eh.. hahahaha.. kundi tahiin ulet ni inay... LOL!
- pagkatapos ng palo-palo portion, next ang sunod na sabon na naman... tapos saka babanlawan. hehehe
- tapos saka isasampay.
Kaloka.. madaling araw pa lang umaalis na kami ng bahay as in mga 430am or 5am pa lang naglalakad na kami. Bago kami makatapos ng labada halos pahapon na. Tapos pagkakain, magsasama-sama sa isang lugar tapos ilalabas na ang kani-kanilang baon... wwwhhhhhhhhhaaa...... na-miss ko ito.. padamihan ng kanin. hahahaha...construction workers lang ang peg namin. hahaha!!! tapos ang ulam ay kamatis, monggo, tuyo, tulingan, super sosyal kung may manok. hahahaha.. isang hitalang hahatiin pa sa buong angkan. hahaha... grabe naiimagine ko lahat ng magpipinsan nakaupo sa bato tapos ang paa mo ay nasa tubig ng ilog habang kumakain na naka-kamay lang. taob ang kalderong kanin... kahit ang tutong ng kanin hindi nakakalagpas. hahaha..
Pagkatapos ng tanghalian... ay naku neng... pwede ng tumalon sa tubig. hahaha...I'm telling you bawal ang hindi kulay ULENG sa sobrang sunog sa ilog. hahaha... alam mo yung pulang-pula na ang mata mo sa kaliligo sa ilog hindi ka pa umaahon.. ganun ang level... tapos manghuhuli kami ng katang (crab) at saka suso na nakatago sa lumot. hahaha... Advantage ng mga taga malapit sa ilog ang bahay kasi araw-araw sila sa ilog kya sa 'LAYON" (ito yung super lalim na part ng ilog sa amin) at kayang-kaya nilang tumalon. As in... from the top ng cliff ang mga batang paslit at tatakbo lang sabay talon. hahaha... kaming mga taga-school(likod kc ng school haus namin) doon lang sa mababaw. hahaha.. takot malunod. hahaha... at saka makakatikim ka ng kurot sa singit pag-doon ka naligo. hahaha...
Mga bandang alas tres ng hapon, magsisimula na naming kunin lahat ng aming labada at ready to go back na kami sa aming bahay... ito ang pinaka nakakapagod na part... hahaha.. imagine mo na pagod na pagod ka sa paglalaba at sa walang sawang paglalangoy sa ilog tapos magsisimula na kayong umakyat ulet sa gubat. hahaha... kaloka ang muscle pain. hahaha... tapos after mong maka-akyat ng gubat.. ready to lakad ka na ng mga 2-3kms ulet. hahaha.. pero kahit super layo ng lakarin sobrang enjoy kami kasi lahat ng manggahan, bayabasan, sinegwelas at kung ano pang puno ang aming daanan.. hahahaha... goodluck na lang.. as in unahan kami sa pagkuha. hahaha.. Jusme tirik na tirik ang araw naglalakad kami sa gitna ng bukirin...hahaha.. nakakatuwang isipin lang na napaka-simple ng buhay noon.. nakakapagod kung iisipin mo pero yung SAYA kasama ang pamilya ay hindi talaga matatawaran. Yung bonding naming mag-pipinsan... who cares kung uhugin at nognog na nognog kami noon... pero ang tawanan at habulan para maka-una na makadating sa puno ng mangga sa silangan... I think kahit anong pagod namin noon ay hindi namin alintana.
Sa panahon ngayon madami ng mga bata ang hindi nila naabutan ang ganun na pamumuhay... ang panahon na hindi importante ang materyal na bagay, bagus ang pagkakasama-sama ng bawat miyembro ng pamilya ang pinaka-importanteng sangkap ng tunay na kahulugan ng salitang MASAYA. Masasabi ko na ang Ilog Vargas ay isa sa mga alaala na humubog sa aking pagkabata.
**Ilog Vargas - dahil halos ng mga nakatira malapit sa lugar na ito ay galing sa angkan ng Vargas.**
Mga Komento
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.