Bigas Bigas Paano Ka Ginawa

Tayong mga Pilipino hindi tayo mabubuhay kung walang kanin sa ating lamesa, aminin nyo yan! Kesehodang walang tubig o ulam basta't may kanin naku solb na solb na tayo.. as in talo-talo na #taobkaldero #ubostutong. Kahit kanin na may toyo lang o asin.. PAK na PAK na! pag sinamahan mo pa ng hawot (tuyo) at kamatis... spell HEAVEN. hahaha... ang sarap eh! lalo na yung kanin na sinabawan ng mantika ng baboy pag fiesta!!! ika-pitong gloria ang sarap. hahaha!!! (kumusta naman ang FATNESS!!! hahaha!! #putokbatok sa high blood).

 

Marami sa atin na hindi na naranasan ang hirap kung paano nagkakaroon ng masarap na kanin sa kanilang lamesa. Ngayon kasi punta lang sa grocery o palengke tapos bibili na lang ng bigas. Ganun na lang... walang effort kung paano ito inaani.  Pero alam nyo ba noong bata pa kami bago ka makakain ng kanin eh talaga namang... hello #slavery, #childlabor ang labanan... hahahaha... Hindi mo pwedeng sabihing bata ka at hindi ka sasama sa bukid or else makakatikim ka ng #garote, #palosapwet. hehehe... If may Bantay Bata 163 noon baka busy lagi ang hotline nila sa mga batang tumatawag dahil sa childlabor. hahahaha..

 

Anyway, heto kami noon bago maka-kain ng manit na kanin. hahahaha! #mgabatangyagit.

 

Hindi tubigan ang mga bukid sa amin. Remember ang kwento ko noon tungkol sa ilog Vargas? Malayo ang ilog at masyadong malalim kaya ang mga magsasaka ay umaasa sa bawat patak ng ulan. Sa buong taon alam na ng mga magsasaka sa amin kung anong itatanim. Mga bantang Hunyo ang simula ng taniman ng palay dahil ito ang panahon ng tagulan. 

 

Heto ang mga paraan ng pagtatanim ng palay sa amin bago kami makakain ng masarap na kanin:

 

- ipa-pagayat ang lupa sa traktora. as in papagayat talaga ang term. hahaha! noon, hindi ko ito naiisip na parang mali kasi lahat ng tao yun ang tawag eh. hahaha! ngayon ko na lang naisip na parang mali. hahahaha! anyway ang pagpapagayat ng lupa means papabungkal sa traktora ng lupa.

- if talagang walang budget sa traktora... ihanda na ang ARARO.. hahaha!! ito yung ginagamit para mabungkal ang lupa.. tapos hinihila ito ng baka o kalabaw. kung ang traktora kayang tumapos ng mga 1-2hours; ang araro ay isang araw. LOL!!! as in buong araw kang nakabilad sa araw. kung ang sunshine ay nagbibigay ng vitamin D.. pagbuong hapon ka na sa arawan... D-Z ang vitamins mo.. hahaha!!! kumusta naman ang fez mo pagkatapos mag-araro? as in negrito lang ang peg. hehehe.

- after araro o traktora ang susunod naman ay KALMOT! itaas mo ang iyong dalawang kamay na parang pusa... GANUN!!! hahaha.. o di ba.. para kang kakalmot lang. LOL!!! pero pa-square cya mga 50 claws siguro ang pangkalmot. ang purpose nito ay ang lahat ng damo na nakuha sa pag-araro ay tatanggalin. As in paulit-ulit ang pagkalmot ng lupa. Para bumaon sa lupa ang kalmot either lalagyan ng puno ng saging ang kalmot or yung bata ay nakaupo sa ibabaw ng kalmot. hehehe...

- pagmalinis na ang bukid...tatawagin na ang mga babae at maghahasik na ng palay. hahaha!!! as in hasik talaga!!! digmaan lang ang peg? ganun? hahaha... anyway,dala ang TAKUYAN na puno ng palay tapos itatapon sa buong bukid ang palay.

- pagkatapos mag-hasik... ka-kalmutin ulit.. tapos TITINIDURIN (tama pa ba akO?) basta para siyang tinidor tapos hila cya ng baka o kalabaw. ang purpose nito ay para magkaroon ng perfect line ang palay.

 

After maghasik ng palay.. maghihintay na ang magsasaka sa amin. Linis at abono ng paulit-ulit para malinis at lumaki ang mga palay. 

 

Heto na!!! pag ready na ang mga palay para anihin... ito ang pinaka-nakakapagod sa lahat. Hindi uso sa amin ang GAPAS as in aanihin mo ang putil ng palay isa-isa... Kaloka.. imagine ang ektaryang lupa na aanihin mo... hahaha... at ilang milyong palay yun. hahaha..

 

Anyway, bawat isa ay may dalang takuyan na nakalagay sa bewang tapos sa kamay ay may dala kang pang-ani... hindi  ko alam kung paano ko cya i-describe. hahaha.. kasi kahoy siya na may-blade. hahaha.. tapos gamit ang blade iisa-isahin mong kunin ang lahat ng palay. Oh well, tulungan naman ang lahat... as in alam ng buong kapitbahay kung kailan ang anihan... umaga pa lang puno na ang bukid at simula ng anihan. Kwentuhan, tawanan at ang pinakamasaya sa lahat pagdating ng tanghalian. Sa ilalim ng puno naka-upo ang lahat tapos sabay-sabay kumain... hehehehe... ang sarap... nakakawala ng pagod. tapos balik ulet pagkatapos kumain. Kung ikaw naman ay nag-aaral... after ng school hindi ka dapat mag-aral... BAWAL mag-aral sa panahon ng anihan../ ang dapat mong gawin dalhin mo ang takuyan at pumunta ka sa bukid para mag-ani ng palay. hahaha!!!

 

Gustong-gusto ko yung uhay (stalk) ng palay na gagawin mong patunog.. as in nakaka-gawa ka ng tunog tapos nihinipan mo ito habang nag-aani. hehehe... 

 

Mga isang buwan kayong mag-aani kasi hindi lang naman bukid nyo ang aanihan nyo pati kapitbahay.. as in tulong tulong. 

 

Heto ang pinaka-worst kung paano ihihiwalay ang palay sa uhay nito (stalk). Ang tawag namin ay ang pag-giik ng palay... Imagine lahat ng bahay ng kapitbahay ninyo may mga palay kayong gigiikin.. Kung masipag kang mag-ani madami kang sako ng palay sa bahay nila at lahat ng yun ay iyong gigiikin.

 

Paano giikin ang palay???

 

Maglalatag kami ng malaking tolda tapos ilalabas ang palay... gamit ang iyong paa...aapakan mo ito para maghiwalay ang palay sa uhay (stalk). GAVITY!!! as in non-stop na giik tapos ang sakit-sakit pa sa paa ng butil ng palay kasi tumutusok ito sa paa. hahahaha... kaya naman ang KALYO noong bata kami... naghuhumiyaw sa tuwa!!! hahaha!! bawal ang maglaro sa panahon na ito kasi kailangan matapos lahat ng palay na giikin. hahahaha... hindi ba naman child labor ang tawag dito???

 

Matapos nyong giikin ang lahat ng palay... hahatiin yan.. for example: 4 na lata ng palay sa may-ari ng bukid tapos 1 lata ng palay sa inyo. kaloka di ba? hahahaha...hindi fair.hahaha!! pero super happy naman ang lahat!

 

Pagnakuha na ninyo lahat ng palay... kailangan nyo ba itong ibilad sa ilalim ng araw. as in ARAW-ARAW!! sako-sakong palay ang bubuhatin mo sa gitna ng arawan tapos pagdating ng hapon ibabalik mo ulet sa sako then the following day ulet.. PARUSA!!! pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung kalalabas mo  pa lang ng palay tapos biglang uulan!!! nyeta tlaga!! hahahaha.. takbuhan lahat hindi para magtago sa bahay kung para likumin lahat ng nakabilad na palay. hahahaha!!

 

Then pag-tuyo na ang lahat ng palay saka pa lang ito KIKISKISIN  sa pabigasan (mill) para maging bigas.

 

Saka pa lang kami pwedeng kumain ng bigas. hahahaha!!! pero infairness iba talaga ang lasa ng bagong kiskis na bigas... mabango ang bigas at masarap kahit walang ulam. :) So paulit-ulit lang ang proseso taon-taon. Jusme sa hirap ba naman mag-ani at mag-giik ng palay ewan ko na lang kung hindi ka pa masarapan kainin yan. LOL!!!

 

Kung iisipin ko ngayon parang nakakapagod pala ang ginagawa namin noon sa tuwing sasapit ang anihan pero noong panahon na yun parang hindi namin ramdam ang pagod. Naiimagine ko pa ang hitsura namin noon na naghahabulan kami sa bukid tapos yung naipon na dayami doon kami maghahabulang mga bata. Naiimagine ko pa din pagkumakain kami sabay-sabay sa ilalim ng puno ng santol o ng mangga. Yung sabay-sabay kaming lahat uuwi sa kani-kanilang bahay galing sa bukid habang nagtatawanan at nag-uunahan pa kami sa pagkuha ng bunga ng bayabas. Siguro yun ang mga simpleng bagay na minsan ay napagsasawalang bahala natin sa panahon ngayon. Yung pagiging magkakasama ng bawat miyembro ng pamilya sa tuwing kakain sa hapag. Yung tumatawa sa mga simpleng jokes na minsan iniisip ko kung nakakatawa ba talaga? pero pag-naaalala ko yung panahon na yun sobrang siyang nakakatawa pag-nakikita mo ang bawat ngiti ng nagkukwento kahit hindi nakakatawa ang jokes... nakakahawa sabi nga nila. Siguro sa panahon ngayon na sobra na tayong dependent sa technology... minsan subukan naman nating maging OFFLINE sa cyberspace then maging ONLINE tayo kasama ng ating pamilya. And I know kasama ako dito! 

 

Mula sa bansa na mahal ang bigas!!! PILIPINAS!! LOL!! #maymasabilang.

 

#bigas

#palay

#kwen2niernie

#buhaysabukid

 

 

 


Mga Komento

Sinabi ni Unknown
Maraming salamat po sa impomasyon.

Sinabi ni Unknown
Maraming salamat po sa impomasyon.

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin