Kasal-Kasalan
Noong hindi pa ako nag-aasawa, napaka-simple ng aking idea ng pagpapakasal. Kailangan mo lang ng damit, pari, simbahan, food, singsing at syempre mapapangasawa. LOL! Siguro dahil ito ang aking nakalakihan. Hindi ko narealized na sobrang daming dapat asikasuhin pag ikaw na ang ikakasal until sa pinaka maliit na details na kasal (example: font na gagamitin sa mga invitations, ang kulay na isusuot, etc.) I'm glad super OC-OC si misis. hahaha... she nailed it. Hehehe! **good job Boo. #proudhusband**
Para sa mga hindi pa nakaka-dalo sa kasalan sa nayon/probinsya, itong kwento kong ito ay para sa inyo. Ito ang mga karaniwang makikita sa kasalan sa bukid.
1.) Pamumulong - ito yung pumupunta ang pamilya ng lalaki sa bahay ng babae para pag-usapan ang araw ng kasal. Jusme buong angkan ng lalaki ang pumupunta sa bahay ng babae dala ang maraming pagkain, may malagkit, baboy, pancit, at kung anu-ano pa. Sabi nila kaya daw may malagkit nakakanin (eg: biko, suman etc) para malagkit ang pagsasama. JUSME!!! Eh di araw-arawin na lang na maglagkit ang kanin sa bahay kung yun pala ang sukatan ng malagkit na pagsasama. LOL! At saka may mga minatamis tulad ng kaong, macapuno etc. para daw matamis ang pagsasama. Kaloka!! Bakit na lang kaya isaing ang malagkit na kanin kasama ang asukal para sa malagkit at matamis na pagsasama hanggang sa hukay. LOL! (mapapaaga ang buhay dahil sa diabetis.) hahaha!
2.) Make-up. Sa araw ng kasal hindi naman uso sa bukid ang mag-hire ng mga professional na make-up artist kasi sayang sa gastos at wala yan sa budget. May mahila lang na parloristang bakla sa kanto pwedeng-pwede na. So kumusta naman ang make-up 'teh? Naghuhumiyaw ang foundation!!! Ano ito Ms. Gy ng Barangay? LOL! Ang worst pa neng hindi lang nakuntento sa bride to be ang make-up artist pati ang groom na sunog na sunog sa ilalim ng araw ay lalagyan din ng foundation. hahaha... Ano ito Zombie Apocalypse hahaha. ESPASOL lang ang drama? hahaha... at ang pinaka-bongga sa lahat... lalagyan pa ng lipstick ang potcha!! hahahaha!! di na lang kya ilagay sa kabaong? tutal ganun din naman ang hitsura? hahahaha! (ang mean ko ba? hahaha!) Anyway, sa simula okay pa.. pero pagdating sa simbahan na wala namang aircon... dahan-dahang malulusaw ang putok na putok na foundation. LOL!!! Oh, kayo na ang mag-isip ng hitsura.. hahaha!
3.) Dress Code. Noong ikinasal ako, doon ko lang nalaman ang importente ng dress code. Kasi pag-umattend ka ng kasal sa amin walang ganyan. Neng ang mga bisita naka-shorts, t-shirts at kung may theme color ka... wala silang paki-alam sa theme color mo. LOL! pupunta sila kahit anong kulay ang gusto nilang isuot. LOL! Ang iba nga katatapos lang mag-basketball sa kanto derecho sa bahay ninyo na naka-pambasketball tapos pawisan pa. hahahaha.. derecho sa reception. hahaha! Ano ito Liga ng Barangay? hahaha! Pero ang patok na patok, minsan kahit ninong at ninang wala sa theme ang suot. Kesehodang naghuhumiyaw ang pagka-pink ng gown nila... wala silang care. LOL! Ang iba pa naka-step-in lang. hahaha!!! Jusme kung di ka naman maagasan! hahaha!
4.) RSVP. Haller ano ito? hahaha!!! Hindi ito uso sa amin. Padalhan mo ng invitation tapos ang gagawin sa invitation i-di-display sa cabinet kasama ng mga souvenirs. LOL! Hindi naman kasi uso sa amin ang per plate. Yung tipong kailangan mong i-calculate na ang bisita mo kasi 1000 pesos ang bayad per plate. Sa amin hindi mo na kailangang mag-invite. Pag-ikakasal ang anak ni ganito at ni ganyan... automatic ang buong barangay ang invited. hahaha. As in, kaya ang labanan sa reception ay ilang baboy ang pinatay at hindi kung magkano ang per plate. So better na wag na lang gumawa ng invitation kasi useless lang din naman. hahaha.. sayang pa ang parchment paper na ginagamit.
5.) Reception Hall. Dahil halos ng kasal sa bukid ay ginaganap lang sa bahay ng babae at hindi naman kasya ang buong barangay sa loob ng bahay kaya ang instant reception hall ang kailangan. Infairness naman buong barangay din ang tumutulong sa pagtayo ng Reception Hall. Gawa ito sa kawayan tapos ang tabing ay mga ni-lalang dahon ng niyog tapos ang bubong ay tolda. Oh davah! bonggang-bongga! Tapos ang entrance ay may arc pa at ang decoration ay ang bulaklak na creep paper na iba't-ibang kulay. LOL! tapos pag inabot ng ulan.. yung kulay ng creep paper ay kakapit sa damit.. hahaha.. instant mantsa sa damit. Sa loob ng reception hall ang pwede lang na umupo ay yung magasawa, mga ninong at ninang at ang buong entourage then the rest ng guests naka-tingin lang habang sila ay kumakain. hahaha.. kasi sa labas lang sila pwedeng kumain. Tapos ang backdrop ng mag-asawa ay puso na yari sa Styrofoam na may initial nilang dalawa with matching glitters pa. hahaha!!! winner!
6.) First Dance. Kung ngayon ay uso na yung may production number ang bride and groom with friends etc., sa amin noon mayroon na first dance. Ito yung sasayaw ang mag-asawa tapos sasabitan sila ng pera sa damit. Gustong-gusto ko itong pinapanood hindi dahil magaling silang sumayaw. Dito makikita kung kaninong pamilya ang mayabang. hahahaha... Kung pamilya mo ay babae normally doon ka magsasabit ng pera or vice versa. So syempre ito yung time na yung mga lasing ay high na high na sa bilog, quatro cantos, emperador, red horse, etc. so payabangan mode na... sukdulang isabit pati pitaka ng sa damit ng mag-asawa para lang makapagpasikat. LOL!!! Pagkatapos matanggal ang hangover ng lasing mapapakamot na lang sa ulo kasi wala ng laman ang wallet. LOL! (pag-uwi away silang mag-asawa).
7.) REGALO. Ito ang pinakahihintay ng mag-asawa sa lahat; ang pagbubukas ng regalo. Pero ibang level ang regalo sa amin at memorize ko na yan. hahaha!
**plato - hindi ito branded na plato (eg: corelle),ito yung plato na nabibili sa palengke. Yung plato na may nakatayong babae at lalake sa garden ang design at may mga bulaklak sa tabihan. hahaha... classic na classic kasi ang dami-dami nito sa bahay namin. hahaha..
**baso - iba't-ibang kase ito, may tall glass, may pandak na glass... imagine mo na lang kung gaano kadaming baso ang matatanggap mo... kaloka!!! okay lang sana kung pare-pareho pero kung ilan ang nagbigay ng baso ganun din kadaming designs. LOL!!
**punch bowl - ay neng wala akong napuntahan na kasalan na walang ganitong regalo. LOL! jusme imagine mo na lang kung lima ang mag-bigay ng punch bowl. hahaha... saan mo gagamitin neng? hahaha... yung nasa bahay namin parang isang beses isang taon lang ata gamitin ng inay. hahahaha.. so imagine mo na lang kung lima ang matanggap nyo. hahaha. pa-juice ka araw-araw gamit ang iba't-ibang punch bowl.
**electric fan - hindi uso ang aircon sa bukid pero wagi ang electric fan sa lahat ng regalo. hahaha... alam na alam mo ng electric fan kasi super laki ng balot. hahaha.. normally mga ninong at ninang ang nagbibigay nya. Aba syempre bonggahan na dapat ang regalo. hahhaha! may hanabishi pang brand. hahahaha!
**arinola - ito talaga ang pinaka-winner sa lahat ng regalo. Hindi ko talaga maisip bakit may nagbibigay ng arinola. hahahaha!!! tumatawa kayo ngayon dyan pero totoo yan. hahahaha... Ano yan? para ang mag-asawa di na aalis ng kwarto habang gumagawa ng bata? Sa tabi na lang tatae o iihi? hahaha... pero ito lang ang na-notice ko ha... sa mga tindahan ang lagayan nila ng pera ay arinola. LOL!!! yung yari sa plastik na iba't-ibang kulay. hahaha... cguro iniisip ng mga tindera na akala ng mga magnanakaw ang laman ng arinola nila ay tae at hindi pera para hindi sila manakawan. hahahahaha!
Oh well, yun lang ang kwento ko.. Gusto ko pang dagdagan kaso super haba na naman ng kwento at magreklamo na naman kayo na ang haba-haba kong mag-kwento. LOL!
#kwen2niernie
#kasalkasalan
Mga Komento