The COLD never bother me anyway.
Katatapos lang ng ColdPlay Concert sa Manila pero bukod sa ganda ng concert heto ang ilan sa mga karanasan ko bilang 1st timer na manuod ng live concert.
1.) Pila Balde the movie - OA na kung OA pero grabe talaga ang mga pinoy pagdating sa pilahan... 8:00pm ang concert (though 8:30pm na nag-start) ang mga utashie naka-pila na ng 1:00pm??? Jusme!!! syempre ayaw naman namin mapunta sa likod ng standing ground kya 2:30pm pa lang nakapila na din kami sa init ng araw. (di pa nag-start ang concert amoy sinigang flavor mix - tamarind flavor and ibang nasa pila) hahaha!!!
2.) Sugod mga kapatid - habang nakapila kami... biglang nagtakbuhan ang mga tao... hindi ko alam kung bakit nagtakbuhan ang tao pero naki-takbo din kami. hahahaha... alam mo yung rally sa Mendiola na biglang magtatakbuhan ang rallyesta??? ganun ang peg... di mo alam kung bakit tumatakbo pero makikitakbo ka din for the sake of art. LOL!!! anyway nag-open pala yung line near sa entrance kaya nagtakbuhan ang mga hampas lupa!!! (kasama kami dito) hahahaha!!!
3.) Asan ka ng iniwan kita - maraming ganitong drama ang mga pinoy... maka-singit lang sa pila at talagang sasabihin dyan kami nakapila sa may unahan kanina... babalik lang ulet kami... ay neng!!! ano ito lokohan... aalis alis ka sa pila mo tapos alam mo ng skin to skin ang peg ng tao tapos sisingit ka... anong hanap mo?? away??? hahahaha... sabi ko... hindi ka pwedeng dumaan dito... if you want doon ka sa kabilang side makidaan if papayag sila pero dito NO NO NO Way... i'm leaving without my pwesto. hahahaha... (uuyy napakanta ka noh!)
4.) That's Entertainment - ang mga pinoy para iwas bored mode gagawa at gagawa ng mag-e-entertain sa kanila. hahaha... heto ang chikka! sa concert ground may katabing office... kaloka ang mga tao kanya-kanyang kwento na buti pa ang mga tao sa office... naka-aircon na sila, naka-upo pa sila, may sweldo pa sila at libre pa ang kabilang concert?!!! hahahaha... samantalang kami: standing ng ilang oras, lapot ang kili-kili at ang mahalia fuentes pa ng ticket!! hahaha... life is unfair!!! 😂
5.) Kinulang sa Talon ng New Year - since flat ang ground ng venue at standing ang lahat... jusme paano naman ang mga kinulang sa height dahil tulog pagdating ng new year??? hahahaha!! may magkakaibigan sa likod ko sabi ng isa... ano ba yan parang kutsarita na lang sa laki ni Chris Martin. hahahaha.. sabi ng isa sa akin nga chopstick na lang. hahahahaha!!! sabi naman noong nsa likod nila... ako nga wala ng makita eh... (pero take note project pa din sa selfie ang lola mo) hahaha!!! ano bang importante? concert or selfie?! syempre selfie anovah!
6.) Tok Tok (ito yung sound ng tounge mo pag nag-test mic ka) - ay neng gumanito pa lang habang nasa labas kaming lahat... akala ko delubyo na!!! hahahaha... sigawan ang mga tao agad agad!!! hahahaha...
7.) With Chris Martin I trust in him - may part sa concert na pina-duck ang lahat... sabi ni Chris trust him daw... hallerr!! high na high na kaming lahat kaya duck naman kmi... shoootang-inetch!!! 8hours na pala kaming nakatayo ang sakit sa legs mag-duck. hahahaha... pero kesehodang masakit push pa din kaming lahat sabay Talon!!! ay hontoroy!!! ang gondoh ng effect with matching blink blink bracelet. hahahahaha!!!
8.) the crying ladies - tawang tawa ako ng may naproject sa big screen na babaeng umiiyak pa habang kumakanta... wow!! akala ko japeks lang ang ganung effect totoo pala... hahahaha... damang-dama ang bawat eksena ng lola mo with matching tulo luha mode pa. hahaha..
9.) Aria - bago magsimula ang concert tumugtog ang Aria na music... akala ko lamay ng patay ang aming itinayo ng ilang oras neng... kaloka ang entrance!!! pero ng tumugtog na ang coldplay... ay sabay sabay ang sigaw at talon ng mga tao. hahaha!!! prang natapos ang araw ng mga patay ng agad agad... LOL!
Anyway bilang 1st timer manuod ng concert na live... ganito pala ang feeling... ang lakas maka-teenager ang peg. 😂😂😂 Ang ganda-ganda ng effect ng lights at saka fireworks at ang pinaka-importante ang galing ng coldplay!!! hands-down!!! 😊😊😊 If mag-concert ulet sila nunuod ulet ako... sulet na sulet ang bawat patak ng pawis sa aking singit. hahahaha!!
I was screaming the entire concert and after 9hrs standing my varicose veins was screaming too. 😂😂😂
btw lumindol daw??? jusme during the concert umaalog alog ang ground sa katatalon.. kaya kung sinasabi mong lumindol ng ilang minuto sa Manila... kami sa MOA concert ground ilang oras kaming nililindol dahil sa talon ng mga tao. hahaha!!!
#coldplay
#coldplaymanila
#kwen2niernie
Para sa iba pang kabobohan sa buhay bisitahin: http://www.reniearcega.blogspot.com
Mga Komento