Saan ba dapat ginagamit ang bunganga?
Heto na heto na! Alam kong maraming naghihintay ng aking mga kwento kaya ngayon i-try ko ulet magsulat matapos ang ilang dekada. LOL!!! Anyway, ang kwento ko ay hindi tungkol sa burol, ito ay tungkol sa isang Dental Clinic sa Tanauan na itago natin sa pangalang SILVA DENTAL CLINIC sa tapat ng palengke. :D
Matapos akong magayos ng dapat kong ayusin sa bayan (Tanauan), sabi ko may time pa akong magpalinis ng ngipin. I remember yung last na naglinis ng ngipin ko sa Tanauan ay nsa loob ng palengke pero pagdating ko sa palengke.. WWWHHHHAAA!!!! nawawala na ang palengke ng Tanauan. hahahahaha.. as in Lost na Lost ako at hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang palengke. hahahaha... I think ang mga taga Tanauan mauunawaan nila ako kung bakit di ko na makita ang palengke. hahahaha..
Since hindi ko makita ang palengke at ang dating naglinis ng ngipin ko, so naglakad-lakad ako hanggang makita ko ang SILVA DENTAL CLINIC. I remember this place kasi known ito sa mga taga Tanauan na palinisan ng ngipin and even ang uncle ko dito yan nagpapalinis ng ngipin. So heto na ang drama. Pagpasok ko sa clinic:
Renie: Magkano po ang palinis ng ngipin
Lalaking Matanda na nakaupo: Upo ka muna
Renie: Magkano nga po? (I want to know para atleast kung kasya pa ang pera ko. hahaha!!!)
Lalaking Matanta na nakaupo: Upo ka nga muna.
Ay!! may attitude si Lolo ke aga aga ang init ng ulo. hahaha!! Anyway, umupo muna ako sa tabi ng lalaki naka-sando at naka-shorts na parang kagigising pa lang ata. hahaha!
Lalaki sa tabi ko: Aanhin mo?
Renie: Ang alin po? (sobrang puzzled ang mukha ko. hahahaha.. as hindi ko ma-gets ang gusto nyang sabihin.)
Lalaki sa tabi ko: Aanhin mo nga?
Ay!! maiinit ang ulo ng mgatao... hahahaha.. bakit wala na naman bang kuryente ang BATELEC? hahaha!!
Renie: Alin nga po? Ang pagpapalinis ng ngipin?
Lalaki sa tabi ko: NAKATINGIN LANG SIYA SA AKIN
Renie: Ikakain???
BBBWWWHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Davah!! Aanhin ba ang pagpapalinis ng ngipin??? Kalokang tanong!!! Talo ang tanong sa quiz sa school. hahahahah!!! Di ba tama naman! Aanhin mo ang pagpapalinis ng ngipin? Di ba ikakain? hahahaha...Aba magulat ka kung isagot ko ipagsusulat.. hahahahaha!!!
Anyway, doon ko lang nalaman na yung iba pala requirements sa paghahanap ng trabaho. hahahahahaha... MALAY KO BA!!!! HINDI LAHAT NG NAGPUPUNTA NG CLINIC AY PARA SA TRABAHO.. MAY MGA KATULAD KONG MAARTE LANG TALAGA!!!
O heto, biglang tumayo ang lalaking katabi ko sabay sabi sa akin: Pasok ka... SHOTANG INETCH!! muntik na akong tumabling!! hahahaha... siya pala ang dentista!!! hahahahahaha... KALOKA!!! parang tambay lang sa kanto at ang dilaw ng ngipin.. hahahahahahahaha... sorry talaga akala ko magpapalinis din cya ng ngipin... hahahahaha...
Jusme, walang fill-up ng information about the patient basta pasok lang ng pasok.. hahahahaha...
So ako naman pumasok. Sabi ko mga 1 year na akong di nagpapalinis kc normally naman nagpapalinis ako sa Bacolod pagumuuwi ng Pinas.
Walang tanong tanong about sa history ng ngipin ko, kung sensitive ba ang ngipin ko, kung asan ang filling, anong reason bakit magpapalinis, etc.
Kinuha ng dentista yung pantingin ng ngipin.. syet!!! hindi man lang sterilize, as in kinuha lang nya sa tabi tapos sinaksak na sa aking bibig... hahahahaha... kaloka!! di na ako nakakibo. NGANGA na lang din ako. hahahaha! Tapos pinag mumog nya ako... syet!!! ang table ang itim puno ng MOLDS... okay maarte na ako kung maarte... pero sa bunganga ko naman kaya yun ipapasok, okay lang kung ipupunas sa balat pero sa bunganga ko 'teh!!! hahahaha... Tapos pinanganga nya ako ulet sabay pinasiritan nya ng water ang ngipin ko... Although hindi masakit pero ipinush ko na ang kamay ng dentist pretending na masakit... at heto ang sabi nya sa akin.
Dentist: PUTANG INANG DUMI NG NGIPIN.
HOLLY MOLLY!!! muntik ko ng masapak ang dentista... kaloka ha... tama bang murahin ako??? That was the 1st time akong naka-experience ng dentista na walang ka-manner manner... Murahin ang pasyete? ganun!!!
Anyway, tumayo ako sabay WALK-OUT!!! kesehodang tumutulo pa ang dugo sa bunganga ko, wala akong pakialam. hahahaha!!!
Jusme ikakamatay ko ata tetano sa Dental Clinic na yun. I'm not kidding, madumi ang clinic. Okay lang madumi ang clinic kung hindi ipapasok sa bibig ang mga instruments... pero naman sir, bunganga naman yan!!! JUICECOLOURED!!!
Yun lang so natuto na ako, in the end sa Makati na lang ako nagpalinis at sabi ng Dentist, your teeth are clean may konting dumi lang dahil sa filling mo na kailangan nating ayusin... JUSME!!! ito ang tunay na Dentista!
Yun lang... so next time pagtinanong kayo ng Dentista kung saan gagamitin... eh di IKAKAIN! Kailangan pa bang i-memorize yun?!
#kwen2niernie
Mga Komento