Isang Linggo sa Ilalim ng Mundo

Heto na! Heto na! at naka-isang linggo na ang inyong lingkod sa ilalim na mundo. Opo nasa ilalim ako ng mundo ngayon nakatira as in literal na nasa ilalim ng mundo. LOL! Nakakatuwa dahil sa loob ng isang linggo ang dami-dami ko ng nagawa or should I say na pasyalan. LOL!!! Salamat sa keneksyen (koneksyon lang yan.. umaarte ng kasing magsalita.. you know, i already have accent... charot!!! hahahaha...)Anyway, marami akong napansin sa loob ng aking isang linggo dito sa NZ. 
  1. Friendly ang mga tao. If bibigyan ng award ang mga tao dito (in general) Congeniality ang perfect sa kanila. Even naglalakad ka lang sa kalsada, they will say good morning or hey how are you. Oh syempre aarte pa ba ako? Syempre smile and wave ang peg ko. LOL!!! Or khit tatawid ka ng kalsada, they normally stop and ma-wave pa sila sa'yo for you to cross the street. hehehe!!!
  1. 4 seasons in one day. Yes it's true. Akala ko dati joke joke lang, totoo nga. hahahaha.. yung ang init-init, tapos biglang uulan out of nowhere tapos hahangin na akala mo may bagyo. hahaha.. kaya kahit saan ka magpunta always bitbit your furr furr coat kesehodang ang bigat bigat dalahin atleast handa kang umaura anytime. hahaha.
  1. MAHALia Fuentes ang bilihin. Ay neng nagulat ako sa presyo ng bilihin. Nagpunta kmi sa isang asian store, jusme ang okra NZD17.99/kg (Php616.00), talong NZD13.99/kg (Php471.00), Green Chili NZD 24.99/kg (Php841.00) etc. Jusme muntik na ako magsumigaw sa loob ng store.. kulang na lang sabihin ko.. hindi po ako bibili ng isang sakong sili or isang sakong talong. hahahaha. Pero don't worry naman... mahal sila kasi hindi season. :) pero kung season ang gulay or fruits mura naman. hehehehehe.. so wag kang matakot neng. like for example super mura ang carrots, kiwi, etc kasi season naman nila ngayon. :D
  1. MAHALia Fuentes ang pagkain. YES YES YES!!! mahal ang pagkain especially kung sa city ka nagwowork. Normally ang average na food ay nsa NZD15.00 kaya pagpumupunta ako sa City may baon akong water, bread, etc sa bag ko para di na ako bibili sa city. Pero I guess, same lang naman sa SG kasi kung kakain ka din sa restaurant ganun din naman ang prices kaso dito wala lang hawker centre or turo-turo kaya mahal ang pagkain. Siguro kung maging mayor ako dito yun ang i-suggest ko. hahahaha... kaya Vote Renie for Mayor of Auckland!
  1. Slow ang pace. I lived in SG for more that 14years so everything for me should be fast but when I moved here.. oh noh... hahahaha.. ang BAGAL!!! I went to one bank here to open my account. Sunday nagpunta ako, so they ask for proof of address, so since bago sa NZ wala akong maibigay but they have this option that they will send snail mail sa bahay nyo. Anyway, I waited for few days at wala pa din.. Monday, Tuesday,Wednesday and then Thursday I went back kasi ang tagal-tagal. I went to the counter and explained everything. Heto ang sabi sa akin.. You came here ng Sunday, most likely Monday siya napadala sa courier and now is Thursday... Oh it's only Thursday! I was like...  (my mouth was literally open). lol!!! IT'S ALREADY THURSDAY!!!! hahahahahahaha... So lower your expectation. hahahahahaha..
  1. Green, green, green grass of hope. Yes, if you are looking for a place to live na greenery and nature. COME and LIVE in New Zealand. I'm already convinced that this a place for me so please Lord grant me work na. hahahaha!!!  You will experience beauty of nature even few minutes away from the CBD area.
  1. Hi Mr. Driver/ Goodbye Mr. Driver. Sa Singapore pagsumakay ka sa bus, deadma ka lang sa banga sa driver. walang pakialam sa mundo. hahahaha.. pero dito napansin ko na pagsasakay ang mga tao sasabihin nila: Hi Mr. Driver or Good morning Mr.Driver tapos pagbaba na sila Thank you Mr.Driver.  It's amazing kasi you can see the joy of everyone kahit sa simple act of kindness. :) 
  1. Weekly Thing. Kung sa Singapore monthly ang sweldo or rent dito weekly, in a way it was good kasi atleast everyweek may andalush ka pero ang bad thing naman, mabilis maubos. hahahaha.. oh well it's your way na lang kung paano mag-budget.
  1. Where is the mall?. Sa Singapore bawat utot mo lang may mall na pero dito neng... ah eh... ano po ang mall? hahahahaha. So kung ikaw ay mahilig sa mall, NZ is not for you. hahaha... They have small shops or botiques sa mga places (which I like) pero mall is very rare. We have one here sa malapit sa house pero hindi siya ganun kalaki katulad ng Singapore. hahaha... and the HORROR story is real.. 5pm they will close it. hahahahahaha!!!! at pagpumunta ka ng mall hindi katulad sa pinas or sg na punong puno ng tao. sobrang konti lang.. people will go to the mall just to buy something other than that hindi sila pumupunta ng mall.
  1. Fare is not fair. Noong nasa SG ako ang pamasahe ko from bahay to the office is 1.81 daily (one-way) pero dito whhhhaaaa... one week pa lang ako naka-50 na ata ako sa aking pamasahe. hahahaha... as in one way from Glenfield to CBD mga 3 to 4 dollars (one-way). Sobrang mahal at kung wala kang Hop-on card (parang EZLink sa SG) umaabot ng 7 ang pamasahe one-way. ang mahal!!!! hahahaha.. PERO heto naman ang catch.. mura ang sasakyan sa NZ. :) kung sa SG ang COE (yung paper pa lang.. wala pang car yan ha ay nagkakahalaga ng $70,000.00), dito sa NZ naman kung may NZD5000 or less ka pwede ka ng bumili ng car. hehehehehe... so alam nyo na.. next time bibili na ako ng sasakyan kesehodang buy one take 1 na sasakyan. LOL!!!

Anyway, yun lang muna... next time dagdagan ko pa itong mga kalokohan ko dito. hehehehe. ;) Para sa iba pang kabobohan sa buhay bisitahin ang: http://reniearcega.blogspot.com#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin