iLigwak Ganern
Ang susunod kong kwento ay tungkol sa Apple. Since Apple ang usapan kaya dapat may "i" sa unahan davah. Like iwatch, iphone, imovie, etc!! ganern dapat. LOL!!!
Ikwento ko sa inyo noong panahon na muntik na akong matanggap sa Apple (SG). Nag-tatrabaho ako noon sa NCS (client ko ay Citibank), ito yung panahon na halos gawin ko ng bahay ang opisina. hahahaha... yung tagline ng Citibank na "The bank that never sleep..." yun, ganun kami dati.. as in bawal matulog neng... di naman ako na-inform na Walang tulugan ni Kuya Germs ang labanan pag Citibank ang trabaho... hahahahaha...
Anyway, sabi ko sa sarili ko, tama na.. sobra na... palitan na... so ginawa ko, nagsimula na akong magpadala ng aking resume sa iba't ibang kumpanya. Jusme nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin for interview. As in, guys hindi pa-humble effect pero yung alam ko lang as an IT ay awra lang talaga. hahahahaha... I'm not kidding, minsan nga iniisip ko kung paano na ako natatanggap sa trabaho. hahaha... Iskul Bukol lang ang peg ko. LOL!!
Heto na nga, sabi ng headhunter sa akin, ang interview ay para sa Apple and it's a permanent position. Neng, Apple yun, sino bang ayaw makapasok sa Mansanas na may kagat??? Isang magbubukid sa Tanauan lang ako, aarte pa ba ako??? So sabi ko sa headhunter, GO... pa-interview ako... Jusme kesehodang puyat ako that time ay nagpa-inteview ako na tumagal ng halos isang oras. Lahat na ng tanong ata itinanong na sa akin... Kabado pa naman ako as in feeling ko lalabas ang puso ko sa dibdib ko. LOL!!! As in isang gulat lang sa akin that time bubulagta na lang ako sa floor sa sobrang kaba. hahahahahaha...
Matapos ang interview feeling ko ligwak ganern na ako yung hindi pasok sa TUFF PAYB. hahahahaha!!! so sabi ko keribells lang, okay pa naman ako sa NCS that time. Noong kinahapunan, tumatawag ang headhunter sa akin. Kaloka ang sigla sigla ng boses ni ate... sabi nya sa akin, ano daw ang ginawa ko??? jusme di ko alam kung anong gusto nyang sabihin sa sobrang saya nya. hahahahaha.. sabi nya pasok ka sa TUFF PAYB... hahahahaha.. char lang! hahahahaha... anyway, sabi ng headhunter, ano daw ang ginawa ko kasi mga pangsampu na ata ako na applicant nila sa Apple at ako lang daw ang excited ang Apple na i-meet sa face-to-face interview. Luh!! di naman ako na-inform na pangmalakasan pala ang awra ko. hahahahahaha... Anyway, super happy ako.. jusme abot kamay na ang pangarap ko. hahahahaha.. makakalayas na ako sa Citibank na Project. hahahahaha...
The following day ang interview ko, sabi ko pwede bang mga bandang 10:00am kasi ang building ng Apple katabi ng NCS... kaloka baka ako makita ng aking amo. hahahahaha.. so dapat around 10am para nakapasok na lahat ng empleyado at di pa nag-lu-lunch.
Anyway, awrang parang mag-nonotaryo ang peg ko that time. hahahahaha... pinaghandaan ko talaga. kesehodang mainit sa SG.. push ko lang ang long sleeves.. hahahahaha... Pagdating ko sa Apple na office, parang may gripo ang pawis ko... as in tagaktak ang pawis... hahahahahaha... Sinamahan ako ng receptionist sa isang meeting room... sabi ko sa sarili ko.. 'luh ang gondora park ng aking next office. #manifesting...hahahahaha... Pagpasok sa room, isang long table at isang malaking white board na maraming markers na iba't ibang kulay ang naghihintay sa akin. So yun umupo lang ako sa pinaka-dulo, ng biglang dumating ang limang lalaki na parang mga galit sa mundo. hahahahahahaha... FIERCE pala ang labanan dito. LOL!!!
So mega, chikka kami at ang aking smile talagang ear to ear, ng biglang inilabas ni kuya ang isang bond paper na may nakasulat na back-to-back sabay sabing: isulat mo sa blackboard ang program sa mga tanong na ito.
Alam mo yung unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko habang binabasa ko ang mga tanong sa bondpaper, tapos para kang binubuhusan ng malamig na tubig. hahahahaha... ganun ang pakiramdam ko ng hawakan ko ang bondpaper. Kaloka sampung programming ang kailangan kong sagutan infront ng limang bakulaw. hahahahahaha...
Dahil nga awra lang naman talaga ang aking puhunan sa pagiging IT so heto na nga, tumayo ako sa upuan ko at sinimulan ko ng sagutan ang sampung programming questions. hahhahahahahaha... mga 15mins na akong nakatayo at NGANGA ang lolo mo at feeling ko tumutulo na ang dugo sa lahat ng butas ng katawan ko... hahahahaha... tapos ibinaba ko ang whiteboard marker sabay harap sa limang bakulaw. Sabi ko: You know sa isang trabaho may mga SOP na kailangang sundin ang isang application support and normally mga variables lang ang kailangang palitan and you don't need gumawa ng program from scartch. 'luh nagtaray na ang aplikante. hahahahahaha... So mega explain ako na hindi kailangang gumawa ng program from scratch at nakikinig lang ang limang bakulaw sa aking kuda.
Matapos ang halos 30mins, lumabas na ako ng Apple. Jusme di naman ako na-inform na battle of the brains pala ang aking pupuntahan. hahahahaha... Kaloka!!!
Anyway, noong kinahapunan, tinawagan ako ng headhunter sabi sa akin... Renie Arcega ikaw ay isang iLIGWAK GANERN! hahahahaha... Oh eh di wow!!! so tulog na lang ang ginawa ko... hahahahaha... jusme pinagod ko lang ang aking mumunting brain cells kaiisip sa sampung programming na exam. LOL!!!
So yun nga, sa mga nagtatanong kung paano natatanggap sa trabaho... awra lang po talaga ang alam ko. hahahaha... isa po akong pekeng IT. LOL!!!
Mga Komento