Basta't Driver Sweet Lover - Taupo Edition
O heto na, ilang taon na ako dito sa Taupo, NZ pero wala akong kwento sa inyo tungkol sa mga karanasan ko dito, kaya ngayon i-try kong alalahanin ang mga kabobohan ko dito. I'm telling you guys kahit saan ako pumuntang lugar habulin talaga akong bloopers. So today ang ikukwento ko sa inyo ay noong bago pa lang akong nag-aaral mag-drive dito.
Back track lang tayo... before ako pumunta ng NZ nag-aral akong mag-drive sa Bacolod para makakuha ako ng driver's license pero knowing naman sa Pinas, kahit sino pwedeng makakuha ng lisensya. Naalala ko noong mag-take ako ng exam, sabi sa akin bigyan na lang daw ng 500.00 para pumasa... true enough lahat ng nagbigay ng 500.00 pasok lahat sa with honors. LOL!!!
So heto na nga pagdating ko dito sa NZ, hindi naman talaga ako marunong nag-drive, pero mayroon akong lisensya. Naalala ko pa dati noong tinuruan ako ni Moyo kasama ang buong pamilya sa Wairao para mag-drive. LOL!!! after once session.. that's it pancit.. hahahaha.. wag ng uulitin. Mas malakas pa ang boses ko kesa sa radio. LOL!!!
Dito sa NZ, baligtad ang manibela, kung sa Pinas ay kaliwa, dito naman ay kanan kaya noong una kong drive, feeling ko mali ang pag-drive... feeling ko mabubundol ako ng mga sasakyan. LOL!!! Anyway, noong lumipat na ako dito sa Taupo, mag-isa pa lang ako at sina Nali na sa Singapore that time. Kaloka around end of September ako andito sa Taupo and I have only 2 months para mag-take ng exam ng driving at ipasa ang exam at matutong mag-drive para pagdating nila ng November ay masundo ko sila sa Auckland. Juicekolored!!! Pressure cooker ang peg ko that time. hahahahaha...
Una kong kailangang gawin ay makabili ng CARlalou... jusme agad-agad??? kaloka.. lahat ng dealer pinuntahan ko na dito sa Taupo at dahil wala pa akong car that time, alay lakad ang peg ko... jusme... tapos pagdating ko sa mga dealer sasabihin sa akin, hindi daw ako pwedeng bumili kasi hindi pa daw ako residente (waiting that time ang papers namin).. kaloka... mukha ba akong poorita??? walang pambayad??? oh well, kung ayaw sa akin, eh di wag. move on din pag may time. LOL!!! so buti na lang itong isang dealer magaling dumiskarte at na-approve ang aking car loan. hehehehehe... so happy ang lolo nyo.
After few days ng processing, tinawagan ako ng dealer ng lunch time at pinapupunta ako sa kanilang shop, so ako naman pumunta ako at nakiusap pa ako kay Noel (officemate) na ihatid. lol!!! so akala ko naman ipakita lang ang car sa akin.. jusme... pag-alis ni Noel at ako ay naiwan, sabay abot sa akin ng car key. lol!!! sabi sa akin.. you bring the car now... OMG!!! agad agad???? kaloka... hindi naman ako na-inform... hindi pa ako marunong mag-drive that time at ang lisensya ko that time ay galing sa pinas na nakuha ko dahil sa 500.00 pesosesoses.. hahahahahahaha... Anyway, takot na takot talaga akong mag-drive that time. jusme... ang 3-5mins drive from the dealer place going sa bahay ay inabot ng 30mins. hahahahaha... as in!!! kung mabagal tumakbo ang KARO ng Patay.. baka ang car ko that time ay sasakyan ng double dead. lol!!! as in double ang bagal. hahahahahaha... tapos pagdating ko sa bahay... nilakad ko pabalik ng office.... hahahahahahaha... kaloka, bumili ng car para lang maglakad ulet papuntang office. hahahahaha.
So yun na nga, excited ako sa bagong CARlalou... dahil single ako that kaya sabi ko sa sarili ko mag-aaral akong mag-drive dahil kailangan kong sunduin sina Nali sa Auckland. Pagdating ko sa bahay, nagpalit lang ako ng damit tapos nagsimula na akong mag-aral mag-drive. LOL!!!
Sinimulan kong mag-paikot-ikot malapit sa bahay dahil konti pa lang ang sasakyan... kaloka.. bawat kanto sumisigaw ako sa loob ng kotse. hahahaha... pakiramdam ko mabubudol ako any moment. Anyway, after 2days, medyo confident na akong mag-drive sa aming kapitbahay... LOL!! kaya sabi ko.. punta na ako ng town... ang layo ng bahay sa town ay 3-5mins lang din. hahahahaha... as in malapit lang. :D So sabi ko.. punta ako ng Warehouse (small mall)... so drive drive ang lolo nyo at pagdating sa Warehouse, di naman ako na-inform na kailangan pala marunong din akong mag-park ng sasakyan. hahahahahaha.. jusme!!! 15mins na akong nag-ta-try mag-park hindi ko pa din ma-park ang aking sasakyan tapos ang mga tao nakatingin na sa akin.. hahahaha.. alam mo yung pakiramdam mong para ka ng nilalamon ng lupa sa sobrang kaba at hiya??? hahahahah.. ganun ang pakiramdam ko... so in the end, bumalik ako sa bahay tapos nag-lakad ako pabalik ng Warehouse. hahahahahahaha.. kaloka di ba?? :D
Sabi ko dapat pala marunong akong mag-park, so sabi nila sa simbahan daw walang tao masyado kaya perfect place to practice mag-drive at parking.. hahaha... jusme.. halos ilang araw akong paikot ikot sa simbahan at try try mag-parking upto the point na sabi ko keri ko na.
Dahil Anne-bisyosa nga ako di ba, so sabi ko sisimulan ko naman mag-long drive. Kaloka every weekend may mga plans na ako that time. Nagsimula ako sa Acacia Bay which is sooo close lang sa town pero di naman ako na-inform na may 80km/hr na dadaanan.. hahahaha.. di ba nga mabagal akong mag-drive... so imagine nyo ang hitsura ko ng mag-80km ako... hahahaha.. di ko na kailagan ng megaphone pagsumigaw sa loob ng sasakyan. hahahahaha...
The following week, sabi ko na-conquer ko na ang 80km/hr, pwede na akong mag-Kinloch which is 25-30mins ang layo sa town. So yung GPS ko ay ang aking phone lang... so dapat madinig ko ang sinasabi ng GPS.. lol!!! nag-magsimula na akong mag-drive akala ko 80km lang; yun pala 100km/hr ang labanan. hahahahahaha... noong mga 15mins na akong nag-da-drive nasa isip ko that time, bakit ko ba ito ginawa... hahahahaha.. wala ng option para bumalik... ang bibilis na ng mga sasakyan na sumusunod sa akin.. hahahahaha.. LORD wag mo muna akong kunin!!! hahahahahaha... tapos ang Kinloch ay medyo remote, sabi ko tama ba itong pinupuntahan ko??? hahaha.. wala ng mga bahayan... hahahahahaha.. tapos puro rolling hills pa ang dadaanan. :D jusme sabi ko dito pa ata ako mamatay. hahahaha... Oh well, naka-survive ko sa Kinloch.. good decision kasi ang ganda-ganda sa Kinloch. :)
So heto na nga lumalakas na ang aking loob, sabi ko.. kung kaya ko ang 30mins drive... pwede na akong mag-TURANGI which is 45mins away sa Taupo... Guys dahil bago sa Taupo wala naman akong idea sa mga places dito, nag-ba-base lang ako kay Google Maps... So another weekend, another aura ang peg ko that time... so handa na ang lolo nyo... naka-survive ako sa Acacia Bay, Kinloch, at heto na nga di ako na-inform na ang papuntang Turangi ay dadaan ng Bulli Point... ito yung super curve na daan na pagtatanga-tanga ka..pupulutin ka sa bangin. hahahahaha... ito yung lugar kung saan maraming namamatay na driver papuntang Taupo from Wellington. :D Super liit ng daan tapos ang makakasalubong mo ay mga 10wheelers na trucks. hahahahahah... neng kung ang sigaw ko sa unang drive ko papuntang Acacia Bay ay 10x ang decibel... dito mga 1000x... haahahhaha.. alam mong sumisigaw ka tapos napapamura ka.. tapos tumutulo ang pawis mo kahit malamig.. hahahahaha... tapos lahat ng santo ay matatawag mo.. GANUN!!! ang nangyari sa akin... hahahahahahaha... I'm not kidding guys... as in super... pagdating ko ng Turangi.. napadasal talaga ako sa sobrang thank you lord. hahahahahaha... kaloka.. uminom lang ako ng kape... paramahimasmasan ako... then i realised na yun pala ulet ang dadaanan ko paguwi.. hahahahahah.. wala akong other option. hahahahaha... so alam nyo na ang nangyari pabalik ko??? :D the following day ubos ang boses ko.. hahahahahahaha... daig ko pa ang nag-vocalisation. :D
Mabilis dumaan ang panahon at dumating na ang araw kung bakit ako kailangang matutong mag-drive.. Ang araw ng pagsundo kina nali.
For the whole time ang gamit ko sa aking pag-aaral mag-drive ay Honda na kotse... noong sinabi na ni Nali na this is it PANCIT.. papunta na sila ng NZ... ang maleta pala nilang dala ay siyam!!!! kaloka... di kakasya ang siyam na maleta sa car... hahahahaha... so I have no choice but to rent ng van... at ang worst pa nyan di pa ako nag-drive ng van sa talang buhay ko. hahahahahahahah... kaloka... 3.5hrs away ang Auckland from Taupo... at sa lahat ng malas na araw ay talagang malas ako.. hahahaha.. ewan ko ba kung may BALAT ako sa pwet. hahahahaha.. nasa Putaruru na town pa lang ako which is an hour away from Taupo... nataksikan ng bato ang windshield ko at nag-cracked na agad... pero deadma lang ako that.. sabi ko ang goal ko makarating ako sa Auckland kesehodang basag ang windshield. Tapos pagdating sa malapit sa Auckland.. uulan ng super lakas... kaloka.. lahat ata ng kamalasan... yung 3.5hrs drive ko ay inabot ng 5hrs... hahahahaha... dahil that time makikitulog ako kina Moyo at Vonskie sabi ko punta na lang muna ako sa Glenfield Mall habang wala pa sila sa bahay... so heto na nga ang aking kahinaan ay ang parking.... hahahahahaha.. pagdating sa Mall.. hindi na naman ako maka-park guys.. hahahahaha... ang laki-laki ng aking van na dala at feeling ko di magkakasya sa kahit anong parking. hahahahahahahaha.. kaloka hilong-hilo na ako kaiikot sa mall at di pa din ako maka-park at Thank God at finally naka-park din ako after several attempt. :D
Ng nasa bahay na sina Moyo, ready to go na ako since malapit lang sa kanila ang Mall... so heto na naman si Tanga... pina takbo ko ang van kahit naka-hand break... hahahaha.. alam mo yung biglang tumalon ang van.. hahahaha.. :D tapos nagsigawan ang tao sa parking lot.. jusme gusto kong sabihin sa kanila.. GUYS AKO LANG ITO.. wag ninyo akong pagkaguluhan. hahahahahaha... kidding aside feeling ko that time ang shongangers ko talaga. hahahahaha...
Pagdating ko kina Vonskie.. borlog ang lolo nyo sa pagod. hahahaha. daig ko pa ang ginahasa ng sampung kapre sa pagod. hahahaha...
The following day, around 10am pa ata ang dating nina Nali sa NZ... sabi ko kina Vonskie aalis ako ng maaga.. if I'm not mistaken before 7am.. naka-gorabells na ako... haahahahaha... Guys, ang daan sa Auckland ay nakakalito sa dami ng forks... tapos delayed pa ang GPS magbigay ng instructions... noong nsa ilalim ako ng subway... may fork akong dadaan at heto na nga delayed ang GPS... biglang sabi KEEP LEFT.. potek.. nsa RIGHT AKO.. hahahahahahhaha... alam mo yung binusihanan ka ng mga nasa likod mo kasi nag-change lane ako in the middle of nowhere.. hahahahhahaah... sumisigaw ako sa loob ng van... SOOOOOOOOOOOOOOOOORRRRYYYYYYYYYYYYYYY POH!!!! haahahahahahha... patawad!!! :D kaloka.. akala ko katapusan na... akala lalabas na ako sa Abante na Dyaryo na ang headline: "KALBO kalaboso sa Kabobohan."
So naka-survive ako papuntang airport, so heto naman.. pagdating ko ng airport... ay may parking sa malapit sa exit... wowowowowoww... so happy ako.. ang problema ko naman.. DI NAMAN ako maka-parking... hahahahahaha... ang haba na ng pila ng cars sa likod ko.. hahahahaha... so in the end... umalis ako ay nagpark sa pinakamalayo... yung walang ibang tao at walang bubusina sa akin. hahahahaha.
Sa awa ng Diyos naka-survive ako sa driving ko at nasundo ko sina Nali at Emma at nakauwi kami sa Taupo ng safe & sound. Marami pa akong kabobohan sa pag-da-drive kabilang na dyan ang pagpatay ko sa manok sa highway. :D Sa ngayon masasabi kong okay na akong driver since naka-received na ako ng speeding ticket dahil naka-drive na ako ng 112km/hr... hahahahaha... pero weakness ko pa din ang aking parking... Yun lang po! End of Sharing.. BOW!!! :D
#kwen2niernie
Mga Komento