KA-BERKS...

Kahapon I been thinking kung ano ang aking isusulat sa blog ko... As you can see marami na ang aking frequent buwistors este visitors pala... hahaha... Medyo semi-toxic ako kahapon sa work tapos wala pa akong maisip na maisulat kaya ang result no entry ako... parang NO ID NO ENTRY.. harharhar...

Well, sa mga hindi nakakaalam nakatira ako sa dulo ng walang hanggan ng Singapore, sabi ko nga isang utot na lang Malaysia na... hehehe and our office isang tambling na lang malaysia na din... hehehe... Medyo province kasi yung place ko dito sa Singapore.. :) Laki ba naman ako sa bundok kaya hanap ng katawan ko yung province pa din... hahaha...

Anyways, from my house going sa bus stop pagpasok ng office... it takes 10-15 minutes walk, kaya what do you expect pawisan na ako pagdating pa lang sa bus stop, tapos bad trip pag:

1.) Padating ang bus tapos naglalakad ka pa lang kasi kailangan mong habulin... hehehe
2.) Kaalis pa lang ng bus sa bus stop kasi you need to wait another 15-20minutes.. :( unlike sa pinas driver ang naghahabol sa pasahero dito pasahero ang humahabol sa driver... hahaha... :)

Dahil malayo nga ang aking nilalakad, kaya halos kilala ko na ang araw-araw kong nakikita...

1.) yung aso na laging umeebak malapit sa basketball court tapos yung panginoon nya ay walang tigil ang kuha ng paper para pulutin ang ebak nya... hahaha...
2.) pusa na laging nagpapa-cute pag dumadaan ako.. (gusto ko na itong iuwi sa bahay... hahaha...)
3.) yung mga bata sa day care centre na walang ginawa kundi maghabulan sa playground... hehehe... (imagine bata pa lang dito tinuturuan na ng Physical Education.)
4.) At higit sa lahat yung tatlong auntie (manang ito sa pinas) na laging magkakasama...

At ang kwento ko ay tungkol sa kanilang tatlo... Wala atang araw na hindi ko sila nakikitang hindi magkasama. Normally manggagaling sila sa isang tindahan ng gulay tapos sabay-sabay silang maglalakad, habang nagkukuwentuhan or minsan naman paglate na ako, nakikita ko silang nakaupo sa isang HUB tapos nagkukuwentuhan pa din... I been thinking pagtanda ko kaya may kaibigan din kaya akong tulad nila... Yung tipong you will waste your time talking to each other... You will talk anything... Yung babalikan ninyo yung past ninyo... Yung kabataan ninyo.. Yung struggles ninyo... Wala lang.. I got envy with them, kasi kahit matanda na sila they still have this friends that they can lean on... Na-miss ko tuloy yung mga kaibigan ko way back sa pinas... Same with them pag makakasama kami yung tipong ayaw na ninyong matapos ang araw... parang magkakadikit na halos ang bituka ninyo... sabi nga ng isang kaibigan namin nasa "PEAK LEVEL of COMMUNICATION" na daw kami... Yung tipong you don't need to speak, pero alam mo na ang ibig sabihin ng kaibigan mo... Basta ganun... dahil sobrang kilalang kilala mo na siya kaya alam mo na ang ibig sabihin ng bawat galaw nya... :)

Na-miss ko yung moments na kumakain kami sa Chowking, sa McDo, sa Wendys, sa Burger King at kung saan kami abuan ng gutom... tapos nuod ng sine... sometimes overnight pa... hehehe... wala lang... kasi dito di ko na nagagawa yun eh... 9-10pm nasa house na ako... unlike before 1am na nasa Taft pa ako at nagaabang ng jeep papuntang Cubao... hehehe... :) (Oist di po ako callboy... hahaha)

Sana lang pagtumanda na ako at pumuti na ang aking buhok... ay mali pala.. pag naubos na ang aking buhok at naka-false teeth na lang ako... sana may ka-berks pa din akong makakachucarat... yung babalikan namin yung time na bumabaha sa Espana... Ang traffic sa EDSA at sa ROTONDA... tapos ide-describe namin ang hugis ng bote ng coke ay parang figure ng babae na sexy... hehehe... Ang Jolibee ay dating 50 pesos lang busog ka na... :) Ang pamasahe ng jeep ay .75 cents lang... (Oooppsss inabot ko pa ito...hahaha...)

Wala lang, sarap lang mangarap na kasma mo pa ang mga dati mong kaibigan... pero in reality malayo na kayo sa isa't-isa and you need to move on... :(

=========
Mood: Senti lang pero happy naman ako... :) Sabi nga tao lang nakakaramdam din ng iba't-ibang emotions.. :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin