sawasdee krab & sawasdee ka

O heto na ang aking kwentong Thailand. Sobrang saya... yun lang masaya lang... hahaha... :) Kidding aside before me mag-start ng aking nobela heto at ipapaliwanag ko ang ibig sabihin ng aking title ngayon..

sawasdee krab = hello for a guy
sawasdee ka = hello for a girl

O di ba natuto na naman ako ng bagong salita... at syempre kayo din.. hehehe... :)

Heto na ang aking kwento para maging maligaya naman kayo tulad ko... hehehe... We took Tiger Airways papuntang Bangkok, to be honest my 1st time na sakay sa cheapay na eroplano... hahaha... most of the time I took PAL kasi libre ang food, kaso ang mahal-mahal ng pamasahe... kaya ng mag-offer ang Tiger Airways ng SGD3.00 flight going to Bangkok, go na agad kami as in book agad... wala ng isip-isip, kesehodang di payagan sa office basta ang mahalaga may tickets na kami at wala na silang magagawa... hahaha... :) Mas masaya sana kung marami ang magkakasama sa ganitong trip, kasi mas magulo, kaso most of my friends na inaya ko ay not available at undecided, aba hintayin ko pa ba sila!?? this is the opportunity of a lifetime kaya ako go lang ng go... at saka March pa kaya yun tapos ang lipad ay August kaya for sure makakaipon ako.. hehehe... :)

Dapat apat kami pupunta: Ako, si kuya pol, si hermes at suzi kaso last minute nag-back-out si kuya pol, i don't know yung reason pero sabi nya work related daw??!! anyways it's not ang issue anymore... hehehe... :) [Pero Kuya Pol sayang talaga dapat sumama ka...]

First time naming tatlo nina Suzi sa Bangkok kaya dapat well planned at super dapat may mapa ka talaga... hehehe... Si Chachatwa or Chevy in English ang sumundo sa amin going to Hotel... Note mga friendship communication ang problema sa Thailand most of people here are not English Literate kaya goodluck sa'yo... Kailangan mo ng bolang krystal para mahulaan mo ang nais nilang sabihin sa'yo or tarot cards para tingnan kung Good Day or Bad Day ang magiging hula... hahaha... :) powamiz di madaling makaunawa sa kanila and take note ang mga billboards nila pawang mga propeta lang ang makakaunawa ng letra... hahaha... :) pero in fairness may English naman kahit konti...

Rest lang kami ng 15-20 minutes sa hotel at go na agad kami sa una naming destinasyon... take note: gabi kami dumating at mga 1st time kaming lahat sa Bangkok... hahaha.. wala lang feeling namin nasa pinas lang kami... hahaha... :) sumakay agad kami ng taxi going to Pat Pong, isa itong night bazaar...

Pero dahil di pa kami nagdi-dinner hanap agad kami ng kainan... astig ngayon lang ako nakakita ng bottle ng coke at sprite na iba ang sulat...hehehe... :)

After dinner, shopping mode na... wwhhaaa... ang mahal din ng mga presyo, pero knowing me nuknukan ng kakuriputan pagsinabi sa akin na 250Batt ang tawad ko 50Batt... hahaha.. O di ba walang evidence na kuripot ako di ba?.. hahaha... :) from 1200Batt nagiging 250Batt... hahaha... at ang hirap makipagtawaran kasi sa Calculator kayo magtatawaran ng presyo...hehehe..Para kaming mga MUTE... hahaha... :) Ikot galore kami sa lugar until we drop... hahaha... May part sa gala namin na kailangan kong putulin... Medyo CENCORD na ang part na yun... hahaha... pero kulitin mo ako at sasabihin ko sayo.. pero be sure kaya mong sikmurain... hahaha... :)


Day2 namin half day City Tour namin with Chevy kasama kasi sa package ng hotel namin yun... grabe na ito, tourist na tourist ang dating namin... :) From River City sakay kami ng bangka para makarating sa Temple of Dawn... Actually madumi ang tubig ng ilog, parang ilog pasig pero marami pa ding sumasakay... sana ganito din ang gawin sa ilog pasig, tapos yung malapit sa ilog tayuan ng mga magagandang tourist spots... wala lang naisip ko lang... haayyyy sana ako na lang ang presidente ng pinas...hahaha... :)

Astig ang Temple of Dawn... woow at woooww pa... sobrang bow ako mga friendship... imagine yari sa porcelain ang place and to think hirap kayang gawan ng hugis yun... sobrang facinating ang place... syempre mawawala ba ang picture taker para may remember... hahaha... :) Wala kaming paki kahit mainit pa yan... basta bawat angle dapat may pictures... (teka ako lang pa yung mahilig sa pix.. hahaha)

Matapos ang makalaglag na panga dahil sa sobrang mangha sa place yun dinala kami sa gawaan ng mga alahas... Syempre kahit ayaw mo go ka lang... alam pa namang magmaganda ka pa dun... actually mura lang naman ang ahas este alahas pala... around 100,000-300,000Batt.. O di ba mapapamura ka talaga.. hahaha... pero worth it naman po... as in pagisinuot mo ang singsing sa daliri mo at dumaan ka ng Quiapo ulo mo na lang ang makakarating sa bahay ninyo... hahaha...

After ng half day tour heto at nagkanya-kanya na kami ng buhay ni Chevy... Kumain lang kami sa isang Mall na ang receipt ay di mo maunawaan kung ano bang letra ito... at mga kapatid di masarap ang pagkain... MK Resto po yan sa may Victory something na MRT Station ito... :) (talagang siniraan eh!!!.. hahaha...)

O heto, nag tuktok kami papuntang Grand Palace para ma-experice naman daw namin... Ang tuktok po ay tri-cyle po yun... kaso ibang style lang... habang sakay kaming tatlo heto na at nagalit na si hermes... hahaha... :) simple lang kasi gusto nya tuktok tapos ng sumakay kami masyadong mainit sabi nya sana Taxi na lang tapos pagbalik na lang ang tuktok... Eh Tuktukan ko kaya itong lalaking ito... hahaha... Eh di nakatikim siya ng sermon sa amin... hahaha...Yun naasar na cya kasi ang gulo-gulo ng gusto nya... hahaha...

Habang nasa tuktok kami yun lumipad ang panlagay sa aking tuktok: Ang sumbrero... hhaaayyyy... nalaglag po ang aking PUMA na CAP na binili ko sa Singapore na made in Philippines... huhuhu... Alam ko deep inside ni Hermes masaya siya kasi nakabawi siya sa akin... wwwhhaaa.... Pero pagbaba namin sa tuktok yun okay na ulet kami ni Hermes... hahaha... :) parang mga batang nagkakatampuhan pa... harharhar...

Sobrang enjoy kahit nakakapagod... Astig ang palasyo dito... kasi may mga gold... minsan nga iniisip kong tibagin ang isang bahagi tapos iuwi ko sa Singapore... hahaha... Di kaya ako lunurin sa ilog dito... bbwwhahhaha..

Nakakita din akong monks na fresh from Thailand... hehehe... wala lang aliw lang ako sa color ng damit nila... masyadong maliwanag sa mata and knowing me Orange ang isa sa paboritokong color...hahaha... :) Kaya ng may pagkakataong ma-picturan ko sila... picture agad!!! hehehe... O di ba cute naming dalawa... hehehe.. Artistahin si Uncle... :)

Hataw ang reclining Buddha... isang higanteng buddha na ewan ko kung tunay na gold or coated lang ng color gold...basta sobrang laki nya... at ang sosyal ng posing nya in fairnes... modelong modelo... hahaha... :)

Matapos kaming masunog sa ilalim ng araw dahil sa haba ng lakarin at sobrang init sa Bangkok, yun we decided to go sa Suan Lum Night Bazaar... and take note we took bus for the first time... hehehe... :) wala lang pinagtitinginan kami ng mga tao kasi mukha daw kaming Thailander pero iba ang salita.. hahaha... :) di lang nila alam naliligaw na kami..hehehe...

I saw this building while looking for MRT.. akala ko lumang bahay.. bwisit KABARET pala... hahaha... :) By the way try to go in Silom and Patpong area... hehehe... very nice for guys... hahaha... :) bad renie bad!!!

Matapos ang walang hanggang lakaran... may nakita akong building again... O heto.. astig sa advertisement... hahaha... :) very nice... unique in a way...Pinas na pinas ang dating... harharhar :)

3rd day punta kami ng Ratchaburi.. Dito ang floating market.. wwwhhaaa.. grabe as in grabe sa biyahe... sabi sa amin sa Bus Terminal: Fast fast daw josku nakakabaliw ang traffic... daig ko pa ang umuwi ng Batangas... as in probinsiya po ang place at sobrang unfriendly ang nakasulat sa lahat ng lugar.. you cannot understand mga 'tol... as in dapat talaga may bolang crystal akong dala-dala... hahaha... :)

Matapos ang Never Ending Journey namin.. nakarating din kami sa place... Akala ko kagandahan ang tubig... aba eh KANAL po pala yun mga friendship... ang baho-baho.. hahaha... :) pero wag ka, yun ang ginagamit nila sa panlaba... as in.. totoo po yan.. not joking mga tol... :)

Kahit mabaho ang tubig, enjoy lalo na sa market place na mismo... wwwhhhaaa... sarap kumain at sarap mag picture-picture.. hehehe... :) very friendly ang mga tao d2... :) napaka-colorful ng place kasi daming fruits at kung anik-anik... hehehe... :)

Almost 2 hours lang kami d2 tapos balik Bangkok na ulit kami... Heto ang Ist time kong sumakay ng AIR CORN na bus... grabe kasing lalaki ng butil ng CORN ang pawis mo... bwisit na bus na yun... kahaba-haba ng biyahe tapos ang Aircon ay blower lang... tapos imagine nyo yung bus punuan... ggrrrrrr.... sarap basagin ng windshield nga bus... ang INIT... dinaig pa ang PUGON DE MANILA... haayyyy..... tapos yung mga tao di man lang nagrereklamo... kung ako taga dun naku makikipag-away talaga ako... hehehe... :) kaso syempre ayaw ko namang pababain sa ginta ng expressway... harharhar...

Past 11pm na kami dumating ng Singapore ulit... Happy naman kami kahit sobrang tiring at medyo bitin for me... Pero one thing for sure: someone is VERY HAPPY that Day... hahaha... :) Sikreto, walang clue... :)

Khob khun krab & Khob khun ka

Next Destination: MACAU <---

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
hehehhehehe.... nice travel bro. Eh yung mga gay at buntis na dancer nakita mo rin sa bangkok?

in fairness, dun sa floating market napuna mo yung mga bahay? tunay na jade ang naka display sa terrace nila.

tama ka parang pinas din ang pinakaiba lang eh may budha sila....

till next time...
Sinabi ni ReN!e
Hi Anonymous... thanks sa pagvisit ng blog ko...hehehe... korek k dyan daming mga gays na mukhang babae... hehehe... :) Ay kaseseksi ga naman.. hahaha...
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
hello! again... i love this blog story, parang nakapunta na ko... hehe... atleast alam ko na ung mga dapat kong puntahan if ever im going sa Bangkok! gusto ko ung Temple of Dawn... hehehe anonymous muna ko uli... hehe.
Sinabi ni ReN!e
uuyyy anonymous anong name mo??? dapat ko pa bang ilabas ang tarot cards at bolang crystal ko para malaman kung cno ka... hahaha... :)

In anycase salamat sa pag-visit mo..hayaan mo sabihin mo sa akin kung kailan ka punta dun sabihin ko sayo ang okay na places to visit... :)

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin