Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2006

VIVO CITY Singapore

Imahe
Last Saturday, sabi ko matutulog lang ako sa bahay ng buong hapon para mag-rest… Pero same what happened to me most of the time.. If I planned a lot for sure walang mangyayari and it’s true… Di ako nakapag-rest ng Saturday kasi may pasok ang abang lingkod ninyo, kasi ba naman itong friendship ko sa ctbank di ako tinulungan sa simpleng hiling ko sa kanya na palitan ang status ng files and the result pumasok me ng office, though nauunawaan ko naman siya kasi Friday and month-end everyone are rushing to do their cut-over… Anyways, pumasok ako… good thing 12noon pa lang tapos na ang aking ginagawa and may dala akong short & extra t-shirt kaya presto nakapag-gym ako… hehehe… I finished around 1:30pm na then di pa ako nag-lulunch… Eh gusto ko ding pumunta ng Apple Centre sa Orchard kasi I’m “planning” to buy MAC Book… hehehe.. (matagal ko ng plan ito kaso nanghihinayang me sa pera kaya nagtitiyaga me sa aking 2nd hand ng PC… hehehe… alam na ninyo kuripot ako… hahaha…) So from Yio Chu Kan...

Ako ito

Imahe
Today wala akong magawa dito sa kwarto... so what I did, I grabbed my digicam and picture-picture-picture... hehehe... :) wala lang... ang pangit pangit ko na pala... grabe sobrang payat ko na pala talaga.. :( Okay, I wanted to become slim kasi mataba na ako... :) pero heto at mukha na pala akong kuhol... hahaha.. :) Kaya next plan... hhmmm kumain na ulit??? well, let's see... hirap kayang magpapayat tapos patataba lang ako bigla.. ano ka hilo?? hahaha.. :) Anyways heto po ang hitsura ko ngayon... Wag ng magtanong kung bakit me naka sumbrero ganung nasa loob me ng kwarto ko... at di ko sasagutin... hahaha...

Maggie & Me...

May nalimutan pala akong kwento sa inyo... :) Last Saturday ito... Kwento namin ito ni Maggie.. :) Maggie used to be my barkada way back noong college together with Chiq chiq, alex, ranie, irene etc... :) actually mga gifted child ang mga iyan.. grabe ang tataas ng grade.. hahaha.. kaya naman taga-copy ako ng assignments nila.. hahaha.. :) Sorry I'm not the gifted like them... :) Well, after so many years na di namin pagkikita... maniniwala ka bang dito pa kami magkikita sa Singapore... hahaha.. :) Nakakatuwa noong last kong makita ang baby niya maliit pa.. last saturday ng pinakita nya ang pic.. aba ka-laki na... :) Usapan namin 4:30pm kami magkikita sa Raffles Place kasi di pa daw siya nakakapag-pa-picture sa LEON (Merlion)... so ako naman tumakas sa Music Workshop ko.. :) at dali-daling pumunta sa place... Jusko... dilat na ako sa station ng tren, wala pa din ang magaling na MARGARITA GASINGAN-PRECLARO.. Haayyy... sobrang tagal talaga.. sabi nya noong tinawagan ko siya walking ...

HOLIDAY BA?

Yesterday walang pasok sa Singapore... (off course sa pinas din... hahaha). Actually, after ilang months na walang bakasyon yun sa awa ng Diyos nagkaroon din ng RED ang calendar ng Singapore... :) Well, akala ko makaka-rest ako yesterday since sabi ko I wanted to sleep and sleep and sleep and sleep lang ang gagawin ko... :) Kaso Daphne sent an sms na may practice daw kami ng kami ng choir 10am... (Ganda noh!) & since Adeline, just came back from her Holiday in Hong Kong at ilang araw din kaming di nagkita... for sure magliliwaliw na naman kami... hahaha... :) 8am pa lang gising na ako ng Tuesday which is earlier sa plan ko... pero knowing me kahit ata paliguan ng malamig na tubig tutulog at tutulog ulit ako... hahaha.. it ended na 9am na ako nakagising and I need to cook pa ng ginataang fish... :) Kasi isang linggo na sa freezer yung isdang binili ko sa palengke... :) So kahit antok pa ako... No choice nagluto ako ng isda... :) 10:15 na ako nakaalis ng bahay and since ang tagal-tag...

DING DONG DING!!!

Imahe
O ito di tungkol kay Ding... :) Di pa tapos yung part Three kasi abala ang inyong abang lingkod ngyong holiday... hehehe... :) Anyways, very productive ang araw ko today... :) though late na akong dumating sa practice ng kanta namin kaninang umaga, okay naman as a whole... :) After ng service namin sa Mass akala ko makakasunod ako sa mga SFC Bros & Sis ko sa Newton kasi naglalaro sila ng volleyball... :) Kaso pinag-stay kami ng aming choirmaster para mag-practice ng kanta this coming Christmas... :) good thing may kasama na ako sa Tenor ngayon.. hehehe.. kasi ilang linggo na ako lang ang kumakanta ng tenor... :) Eh ang dami-dami kayang kumakanta kaya na-oover power ang boses ko na hindi naman po kagandahan... :) Nakatapos kaming mag-practice 2pm na, kya sms ko na agad si Sis Anna Uy na di ako makakahabol... kasi sobrang late na me... :) Kaya umuwi na lang ako.. :) Sabi ko matutulog ako... kaso inatake ng kung ano ang inyong abang lingkod.. yun naglinis ako ng buong bahay while wash...

Visit this site...

Hello cecnya na kung di ako nakakagawa ng blog minsan.. heto ang dahilan... hehehe.. visit this site: http://www.lookforwardsalon.com I created it... :) wala kasi akong magawa and since matagal na akong di nagde-design ng website sabi ko try ko ulet.. hehehe... :) Pa-comment na lang dito kung anong hitsura.. :) Salamat po.. :)

KWENTONG KAHAYUPAN: Muning...

Tumawag ako kanina kay nanay as in wala pang 5minutes ago.. hahaha.. :) Then habang kausap ko si nanay dinig ko may umiiyak ng bata. Syempre tanong agad ako kasi ba naman ka-kyoda na nina nanay para magka-anak.. hahaha.. :) kidding aside sabi ni nanay yung pusa daw namin na saksakan ng sungit at ingay... Promise I'm not joking mga friendship, wag mo siyang huhulihin for sure di mo siya aabutan and wag kang umasa na tahimik ang kusina pagandun siya... hahaha.. ka-ingay-ingay kasi... hahaha... Anyways bigla ko naalala ang aking kabataan... :) I remember noong nasa elementary pa lang ako may pusa kami na ang pangalan ay GARFIELD... di naman siya kakulay ni Garfiled kasi puti at black siya pero mataba din siya... :) as in gifted cat ang mokong... :) Imagine this pagaabutan mo siya ng tinapay di niya ito kakagatin, kukunin ng dalawang kamay niya: parang ganito imagine ang zombie na magkadikit ang kamay... GANUN!!! O di ba astig.. :) At kung ang pusa namin ngayon na sobrang sungit yun nu...

Contentment

Kuntento ka na ba sa buhay mo? Or gusto mo pa nang higit pa sa meron ka ngayon? I remember noong una akong nagwork ang starting salary ko ay 6000 pesos (o di ba ang baba... hahaha...) pero I managed to survive that time. Though wala akong anything but I'm very much happy that time. Wala akong Cellphone(yung parang safe guard) that time pero I really enjoy yung company ng mga friends ko. Wala akong savings sa bank. Pero I can still survive. Noon nangarap ako na makakita ng bagong work to earn more sa kinikita ko. Sabi ko kung kahit 8000 lang ang sweldo ko I can save yung 2000 monthly para may savings ako. After a year of hardwork, nakakita ako ng new job and they offered me 8000. Tumaggal ako ng higit isang taon pero ano nga ba ang naipon ko? Cellphone na half ng payment at utang ko kay nanay at 10000 pesos na savings sa RCBC... hahaha... Okay naman ang work ko that time kasi I really like yung work ko... Yung kasi ang pangarap ko... (O di ba simple lang ng pangrap ko... maging isan...

Be a worry free Kid

Ilang araw na akong nasa stage na wala sa tamang pag-iisip. Daming worries, ang daming mga pagkakataong I kept questioning God for all the things na nangyayari sa akin. Alot of questions running in my minds: Is it really His will? or Our will? Sometimes sa buhay natin dumarating yung time tinatanong natin ang Diyos, minsan pa nga sinusumbatan pa nga natin siya. Sometimes sinisisi natin siya sa mga bagay na nangyayari sa atin. Minsan, sinsabi natin: Unfair Lord kasi yung iba walang problema pero ako di ko na kaya, halos di ko na mabuhat ang cross ko sa buhay. Pero You know what, God is great... Today, I decided to smile again despite of pains in my heart. Sabi ko kay Lord, I will smile again. I will leave all my worries and problems to His holy hand and I will walk again just like before When I don't have any problems. Sobrang Thankful ako kay God, kahit di pa Niya sinasagotang prayers ko, I will claim it in Jesus name na everything will be fine... :) God is not unfair kung marami t...

Ang SWEAT este SWEET pala...

For the first time since last two weeks, nakauwi ako ng 8pm... hehehe... Actually nalimutan ko ng 8pm kanina kasi sobrang busy... hehehe.. pero ng makita kong 8:04 na.. naku talo-talo na bukas na lang ulet... :) Pagsakay ko ng lift (elevator), humabolang dalawang kionaps na officemates ko. Well, since close friends ko na sila dito sa NCS kaya kwentuhan agad kami. Aba bigla ba naman akong inalok ng isang pana na isasabay na lang niya ako paguwi. WWHHAAATTT??? aba syempre libre, eh GO agad ako... hahaha... kesehodang saan ako pulutin... hehehe.. :) Sa awa naman ng Diyos matiwasay naman akong nakauwi ng bahay and ang aga-aga ko... hahaha... :) Ganun naman di ba, if you're good to someone they will paid you back ng goodness also, pero kung yung tao eh kasama-sama ng ugali for sure di siya makakatikim ng goodness... hahaha... (joke lang!) Yun lang ang sweet sweet ng officemate ko... :) So kakakilig di ba??? hahaha... :)

Mga nangyari sa akin

Last week, sobrang nakakapagod at sobrang daming demand sa office... (O di ba in-demand ako... hehehe)Hitsura kong ito ay pwedeng maging indemand one day...hehehe...:) Anyways, last Friday sabi ko maaga akong makakauwi, I really wanted to eat outside that time... (Okay fine... Ang ibig kong sabihing OUTSIDE kumain sa labas... hhmmm teka yun din yun ah... Basta I wanted to eat sa LABAS.... yun yun!!!) Kaso heto ang nangyari... Around 6:30pm may problema ang Malaysia... Eh since sabi ng kasama ko sa office sa Ctbnk Tampines ako magaayos ng problema, I been thinking na maaga ako makakalabas kasi sabi nila mabilis... Hhaaayyy.. Inabot na ng pagputi ng uwak bago ako nakatapos... 8:15 na ako nakalabas... at heto, anak talaga ng pitong gatang itong MALAYSIA at di matapos-tapos ang problema... alam mo bang tinawagan pa ulet ako ng office... Leche plan talaga... to be honest BAD TRIP ako ng tinawagan ako ng bwisit kong officemate.. And since andun na din lang ako, ano pa nga ba ang choice ko ku...

Nang mangarap si Pepe

Mataas man ang sikat nang araw nahalos sumunog sa balat niya, patuloy pa din sa pagtatanim ng mais si Pepe. Masipag siya kung ihahalintulad mo siya sa mga batang kasing edad niya. Sa edad na dose, alam na niya ang kahalagahan ng buhay. Tumutulong siya sa kanyang ama't ina sa pagtatanim sa bukid tuwing araw ng sabado at linggo at tuwing araw ng pasok naman, matiyaga siyang naglalakad ng ilang kilometro para bagtasin ang mahabang lakarin patungo sa kanilang eskwelahan. Panglima siya sa sampung magkakapatid, kahit mahirap ang buhay nila sa bukid masaya naman sila. Kumpleto ang pamilya. nandun sina Ate, Kuya at ang mga maliit niyang kapatid nahalos wala ng masuso dahil wala ng gatas si nanay kaya nagtitiyaga na lang sila sa AM ng kanin. Habang binabagtas ni Pepe ang daan patungo sa kanilang kubo, bigla siyang natigilan habang pinagmamasdan ang matayog na lipad ng eroplano sa tapat niya. Maria: "Kuya Pepe, ano bang tinitingala mo dyan?" tanong ng kapatid na sumunod sa kanya. P...

You will forget me soon...

Ilang bestfriend na ba ang dumaan sa buhay mo? Kilala mo pa ba sila? Ilang beses mo na bang nasabing: Sinong Bestfriend mo doon? (Tiboy's accent). Kilala mo ba yung kaaway mo na kaaway din niya? Ilang beses mo ba sinapak ang kaaway ng bestfriend mo kasi inaaway siya... Kilala mo pa ba ang Unang crush mo tapos may crush ng iba? Naalala mo ba kung sino ang kasama mong kumain ng banana-q habang ang lakas-lakas ng ulan? Sino nga ba yung kalaro mo ng chinese garter sa ilalim ng init ng araw? Naalala mo pa ba ang holdaper na kumuha ng cellphone mo, tapos sabi mo sa sarili mo habang buhay di kita malilimutan. O ito pa, kilala mo pa ba yung classmate mo na sobrang kulet tapos ang dami-daming jokes sa buhay.. Alam mo sa buhay natin, marami tayong nakilala at makikilala. Sometimes darating sila sa buhay mo ng di mo inaasahan at aalis din sa panahon na di mo inaasahan. I myself experienced same thing... Akala ko dati pag sinabing best of friend 'till last the breath, BESTFRIEND FOREVER li...

I will Sing Forever...

I will be cantoring again this Sunday... To be honest ayaw ko ng kumanta... huhuhu... Kasi last time sobrang palpak ang kanta ko sa simbahan... huhuhu... (FYI, cantor po ako dito sa Singapore, yung kumakanta ng Salmo... Ang lagay na ito cartor ha... hahaha.. Wag magtaas ng kilay ako din di makapaniwala... hahaha...) Anyway, sobrang mali-mali ang kanta ko at wala sa tiempo... :) Pero sabi nga THE SHOW MUST GO ON 'LHA!... Kaya lang ng bumaba na ako sa Lecturn, wala na akong courage to sing again... huhuhu... at wala na akong mukhang ihaharap sa madlang people.. :) Heto sa Sunday sched ko na naman kumanta pero hanggang ngayon di ko pa din makuha ang pitch ko... :( Naku sa Sunday baka magmukha na naman akong KUHOL nito... huhuhu... kakahiya na... Di ko na kayang ittayo ang bandila ng bansang pilipinas... :( Baka paguwi ko sa pinas di na ako sabitan ng sampaguita ni Gloria at sabihing: "Mabuhay ka, isa kang huwarang OFW!" Pero ano bang magagawa ko, isang tao lang naman ako......

Ctbnk Librarian

Isa akong Librarian dito sa kumpanya namin. Di ako nag-aayos ng libro mga kapatid. System Librarian, more on system check-in & check-out of files sa server tapos nagra-raised ng sangkaterbang request sa Change Management. :) Well, higit isang taon na ako dito pero di ko pa nakikita yung mga Librarian sa Ctbnk. Mostly emails & calls lang kami... hehehe... Kanina ng nagpalit ako ng password sa lahat ng bansa... Dumaan ako sa Change Mangement Team... Nagulat si Ms. Erika ang aking kausap at ang babaeng laging akong pinapagalitan kasi mali-mali ang aking request.. hahaha.. :) Grabe ipinakilala ako sa bawat isa... Kay Ms. Jean (kilala ko na ito ng mag-conduct siya ng training sa company namin kaso tinaguan ko siya... hahaha, Si Wenley ang kaboses ni Ms. Erika sa phone, si Ho Cheng, si Sheeba at si Woo ang aking friend... hahaha.. Nagulat si Woo ng makita nya ako kasi akala niya siguro niloloko ko lang siya na dadalaw ako sa place nila either Tuesday or Saturday... hahaha... Actuall...

Paano pag may bagyo?

Since maliit nga ang Singapore kaya di mo alam ang weather dito... Sometimes sobrang init tapos sa hapon sobrang lakas ng ulan na parang may bagyo... hehehe.. Astig di ba? Last week bumagyo ng malakas sa pinas, well sikat na naman tayo sa TV... hehehe... Makikita mo ang paglipad ng mga yero at pagbagsak ng mga billboards... To be honest nakakalungkot pero may magagawa ba tayo? Wala naman it's a natural disaster na kahit anong gawin mo di mo maiiwasan except na lang kung kasama mo si STORM and she control the weather for you... :) Ng umuulan pa lang ng malakas sa atin alam ko na half day ang mga offices kasi handle din namin ang ctbnk phils kaya super updated din kami... hehehe... Tinanong ako ng officemates ko kung ano ba pag may bagyo... (Heto translate ko sa tagalog para maunawaan natin...) Boss: May bagyo sa pinas? Renie: Oo Boss: Paano yun? Saan nagtatago ang mga tao? Renie: Ha? sa bahay lang. Boss: Ha? eh pati puno kayang ianngat sa lupa di ba? much more pa ang bahay. Renie: S...

New Knowledge....

marami akong nais isulat ng mga nagdaang araw and since sobrang busy ang inyong abang lingkod wala akong magawa kundi hayaan ko munang langawin ang aking blog at di ako makapagsulat... hehehe... :) Pero today kahit busy ako, walang pakialaman, BLOG muna bago ang lahat...hehehe.. it's 5:34 pm na dito sa aking upuan pero ewan ko lang sa upuan mo kung anong oras na... hehehe... Hope makatapos ako ng blog na maganda ngayon... =========== PSI (Pollutant Standards Index) Since last week hazy dito sa singapore. Sa mga taga rito na nagbabasa ng blog ko I know na-experience ninyo yun... halos mag-zero feasibility ang malii na isla ng singapore... pero wag naman sanang mawala sa mapa ng mundo for sure kasama akong mawawala... hahaha... :) Sabi ko ng una siguro dahil BER na kaya hazy (talagang feel ko na ang pasko... hahaha...). Anyways, mali pala ako dahil may sunog na malaki sa Indonesia. Since malapit lang yung sunog dito sa Singapore kaya ang result abot hanggang dito ang usok. Promise mg...

Little Miss Sunshine

Movie Review naman tayo... :) Yesterday, I watched movie, title: Little Miss Sunshine. Though I wanted to watch Me, You & Dupree pero yung kasama mukhang napanood na niya kaya we decided to watch this Little Miss Sunshine. I really like the story. It's all about family. Heto ang mga characters: 1.)Yung lolo isang cocaine user, sabi nya dahil matanda na siya dapat e-enjoy na niya ang life. Siya yung nagsabi sa kanyang grandson na he should FUCK more girls... hahaha... though bastos ang word pero the way he delivered it nakaka-aliw... :) In the end namatay siya ng nasa motel na sila going to LA. So sad pero funny ang nangyari along the way at kung paano siya itinakas sa hospital... hehehe 2.) Yung Father - isang agent something ang role niya na nagco-conduct ng 9 level or ways how to be successful... :) Kaso na-lost siya... hehehe 3.) Yung Mother - na isang busy mom and isang nagger... hehehe... Pero I like her character, very strong and yet soft... :) 4.) Uncle Frank - isang hom...

GAME KA NA GA?

What if isa akong writer ng isang game show? Ano kaya ang mga questions na aking itatanong... Actually while me, Romeo & Hansel having our bowling at KOVAN MALL, bigla na alng umarte si Hansel na isang game master... So yun tumakbo na agad ang isip ko sa mga tanong... hehehe... O heto try to answer some of the questions: 1.) Sino ang tunay na may ari ng mga rosas sa episode ng ORA ENKANTADA na may title na: ALAMAT NG ROSAS? 2.) Kung ang TWO ay dalawa sa tagalog, ERR sa Mandarin, DOS sa Spanish ano naman sa salitang TELUGO? 3.) Kung si Emilio Aguinaldo ay nakatira sa Cavite, saan naman unang naglaro ng jackstone si Susan Roces? 4.) Anong brand nang lipstick ang ginamit kay Mary Walter ng ito ay ilibing? 5.) Sa librong HENNY PENNY (book ito ng grade 1) anong araw napisa ang mga itlog? 6.) sa kwentong si LITO at si BOBO ng ABAKADA, pangilang anak si BOBO? 7.) In Mathematics: 1000+3000-5000/85485mod4cos30 with 55 degrees, add to the boiling poit of water + melting point of GOLD, Ilang ...

Bangenge...

Alam mo ba yang salitang yan? Bangenge refers to those na sleepy... hehehe... :) yung wala sa sarili dahil puyat... hehehe.. Kanina nag online ako using meebo... Aba nag-message si unica_hija nang BANGENGE... wwwhhaaa... nagulat ako sa kanya kasi I know her name na Stella pero she knows that term and only one person ang nagsasabi nun sa akin while laughing ng ahihihihi... :) Her name is Carren... Grabe ang bilis tumakbo ng utak ko... I missed Carren. She's pretty to be honest, pwedeng PONDS model kaso maliit lang siya tapos straight hair na medyo brownish, sobrang hinhin, iyakin, inosente sa mundo at she really like the word bangenge... hahaha... :) She's my thesis mate, kasama ko siya ng mahulog ako sa manhole sa Mantrade while dala-dala ko ang CPU ng computer ko, tawa siya ng tawa... Tapos sabi nya BANGENGE ka naman RENIE... I really missed yung nagpunta kami nina Alex, She at me sa bahay nila since apat kaming thesis mates. Dahil sa may likod ng Baclaran ang house nila at da...

MILO ng lola mo

Almost 12 noon na ng matapos ako ng inira-raised kong request... Then bigla akong tinawag ng pana kong officemate: Pana: Renie come! Renie: Why? (with matching super smile ang lolo) Pana: Do you know this? Renie: Yes it's milo... (pero weird ha iba ang laman sa loob) Pana: Can you smell it, if it is okay? Renie: (medyo hesitant ako pero sige lang) HHhhhmmm, it's okay the smell is okay! why? Pana2: No, this was given to me by my mom for quite long time already and I we wanted to now if it is okay... Renie: (hhmmm quite weird... hahaha) Okay!But the smell is okay.. Why don't you look for the expiration date? Pana: No expiration date... but since the smell is okay means it's okay. Aalis na sana ako ng biglang... Pana: Get some and taste it... (take note lahat ng pana nakatingin sa akin) Renie: Ha??? No, no, no, it's already lunch time and I will eat soon... Aba ang mga hinayupak di nga sila kumakain tapos ako ang gusto nilang pakainin. Eh kung mamatay ako??? Haller!!! ...

Early bird gets "BEST" worm???

Today maaga na naman akong pumasok... Akala ko pa naman makaka-rest ako sa bahay pero kagabi tinawagan na naman ako na kung pwede daw 9am ako pumasok... Eh knowing me, 9am nasa house pa ako at nagbibihis. Kaya naman hirap na hirap akong gumising sa umaga. ggrrrr.. tapos ang tagal ko pa sa CR... (cencya na kikay ang lolo nyo... matagal maligo... hehehe....) Pagdating ko sa office, grabe na ito ang aga ko na naman. Aba I received an email kay Raquel yung bago namin fresh from Bulacan pa ang lola mo... :) Sabi ni Racquel: "Ang aga mo ah... Breakfast tayo..." Ayain ba akong kumain eh may problem nga.. hahaha... :) Habang nagra-raised ako ng request sa Citibank... aba may lumapit sa aking pana... Grabe ito mga kapatid amoy DAING ang lolo nyo... bbwwwhhhaaaa... sorry for being bad pero yun talaga ang naamoy ko... hahaha... Now I know early bird gets FREE Daig buy ka na lang ng fried rice almusal na... hahaha... :) ============= Tanong: Bad ba ako? or I'm trying to be true lang....

Work 'til I drop.

Yesterday another plan ang di natuloy sa akin... haayyy.. may bago ba? I invited my girl na kumain sa labas kasi ilang linggo na kaming di nagkikita (imagine liit ng singapore pero di kami magkita... hehehe). So sabi ko sa kanya kain kami sa Bishan since dadaanan naman niya ang place galing sa office nila. Call time naming dalawa 8:30 kasi out ko sa office 8pm pa... Heto ang catch, 7:30 may problema kami sa office... ang I know pag may problema duduguin ka bago matapos... So I called her na cancel muna... wwwhhaaa... nalungkot naman ako... :( Kasi I really wanted to she her... I can sense na nalungkot din siya kasi di ulit kami magkikita... (may magagawa ba ako? ganito ang work ko... pag wala ako sa office walang papalit sa work ko... huhuhu...) Sa awa ng Diyos 10pm na ako nakauwi... :) Nakaupo na ako sa harap ng pc ko sa bahay tumawag ang office... O tama bang malapit na akong matulog eh papasukin ka ulet sa office? pag di ka naman mainis di ba? So no choice balik ako sa office... Nak...

PERFECT ATTENDANCE...

Noon akala ko may umiinom lang tuwing madaling araw tapos pagnatapos na siyang uminom ihahagis ang CAN or LATA na kanyang ininuman sa bintana. Though bawal magkalat sa Singapore, hindi pa din mawawala ang pasaway... Akala ko dati pasaway lang yun na nagtatapon ng basura araw-araw. Isang gabi may nagtapon na naman ng lata (ewan ko kung beer or softdrinks) then the following day wala naman lata sa tapat ng bintana ko... :) Then ngayon alam ko na... Bandang 12-1am laging may nagtatapon ng lata sa may bintana namin... Pero the following day wala namng basura... hehehe... Sounds creepy isn't it? well wala tayong magagawa dyan.. Ewan ko kung ano ang trip ng MOMO na ito kung bakit gusto lagi niyang magtapon ng lata sa may bintana and take note sa tapat pa ng bintana ko... hehehe... :) akala siguro nito umiinom ako... hahaha.. haller di ako BUMABARIK (uniinom).. hahaha Yun lang, kung ako ang teacher ng momo na ito sasabihin ko PERFECT ATTENDANCE siya sa araw-araw na pagtatapon ng lata sa t...

CLOSE Encounter...

Kahapon after kong mag-remit ng kaperhan sa bansang pinas... deretcho uwi na ako.. Puntahan ko sana si Adeline sa house kasi may sakit siya... I know dapat ko siyang puntahan pero I'm thinking kung pupuntahan ko siya sa house di yun makakapahinga... kasi she need to entertain me.. *o wag bastos ang iniisip.. ibang entertainment yan. wholesome ang lolo nyo... hahaha* So what I did, umuwi na lang ako ng house to take a rest since ilang araw na akong late nakakauwi at pagod ang dragon... :) Pagdating ko sa house... nag ayos lang me ng aking pinamiling food tapos hubad na agad ako sa kwarto... And since medyo stuffy ang weather brief lang ang lolo kung matulog... hahaha... :) I set the alarm clock ng 5:30 kasi magluluto akong monggo para sa hapunan... Around 5pm, pakiramdam ko gising na ako pero I cannot move... I'm screaming pero walang lumalabas na boses sa akin... As in pinaka malakas ko ng sigaw pero wala pa din na lumalabas na boses... I kept moving pero di ako makagalaw... Pa...

SUKOB [The Wedding Curse]

12:05pm ang first showing ng SUKOB, dahil maaga pa lang kaya ang laman ng sinehan ay ilan lang... :) hehehe.. sarap sumigaw dito.. hahaha Eh kasama ko itong kapatid ni Kuya Ric na medyo matatakutin... hehehe Knowing me CD ako (Certified Duwag) din... hehehe.. kaya what do you expect sa loob ng sinehan... hahaha... SUMISIGAW ang dragon... hahaha... Grabe, takot talaga ako... ang daming scenes kasing nakakagulat.. though di naman masyadong nakakatakot pero nakakagulat... hehehe... Until now nakikita ko pa yung batang babae na may dalang dahon... wwwhhaaaa... Natakot ako dun sa nagkakampana na lalaki... hehehe.. :) at saka yung sakay si Kris at Claudine sa kotse tapos biglang may namamalimos.. bbwwwhhahhaha.. gulat ang lolo mo... hahaha... :) Buti na lang di pinalitan ang salita nina Kris ng Chinese... Hehehe.. Tagalog pa din na may sub-title na English... :) kaya feeling ko nasa SM Manila lang ako... hahaha... :) O heto ang catch... ang effect sa akin ng SUKOB... Heto lagi kong nakikita ...

Lantern Festival

Okay yung place (Chinese Garden) kaso medyo boring ang latern festival. Mas magaganda pa din ang Latern sa atin... :) Lalo na yung sa Pampanga... pero since andito na kami no choice we need to pay $10.00.. grabe ang mahal naman... daig ko pangumuwi ng Tanauan nito galing Manila... :( Ikot lang kami ni Hansel sa place then after few hours andito na din yung dalawa pa naming housemates na sina Reggie & Vanj... Yun sama-sama kaming apat mag-ikot.. Sarap ng tindang hotdog dito.. hahaha... dinner namin pancit at hotdog.. :) astig!!! IBA TAYO!!! Wala naman masyadong makikitang attractions dito... puro ilaw lang... kakapagod pang maglakad... :) hahaha *tama bang magreklamo...* Around 8pm we decided to play bowling sa Kim Seng... akalain mo nga naman at nag-trip kaming apat... :) Kaso nakokoncencya ako, kasi nakagala ako tapos di ako nakasama sa Convenant Orientation.. :( Kasi standby support ang lolo... anytime tatawagan ako.. :( Anyways, wag sirain ang araw... hehehe... Nag wait kami unt...

I planned to much...

Monday pala lang fully loaded na ang aking weekend... O di ba hirap ng artista... hahaha... Ate Myra invited me to had dinner ng Friday, since medyo matagal na kaming hindi nagkikita... So kahit may lakad ako, sabi ko sige lang... pero last minute problem sa office kaya nag-stay ako ng matagal. Result di kami natuloy. Too bad kasi manunuod kami ng SUKOB nina Kris at Claudine... hehehe... Saturday dapat sasama ako sa Covenant Orientation ng SFC kaso Thursday pa lang sinabi na ng boss ko na may Production Cut-over kami ng Sunday. Eh since 2days and 1 night stay ang Convenant Orientation nag-back-out ako... SORRY Kuya Jon & Kuya Joemer. :( Eh, may Hospice Visit naman ang SFC ng Saturday afternoon kaya sabi ko sige sasama ako... :) Since matagal na din akong di nakakagawa ng Charity Works like this... :) I left late ng Friday Night sa Office and I need to go early morning ng Saturday sa office... Ang result di ako nag-confirm sa Hospice... :( may work ang lolo ng saturday... Saturday m...