Mga nangyari sa akin

Last week, sobrang nakakapagod at sobrang daming demand sa office... (O di ba in-demand ako... hehehe)Hitsura kong ito ay pwedeng maging indemand one day...hehehe...:)

Anyways, last Friday sabi ko maaga akong makakauwi, I really wanted to eat outside that time... (Okay fine... Ang ibig kong sabihing OUTSIDE kumain sa labas... hhmmm teka yun din yun ah... Basta I wanted to eat sa LABAS.... yun yun!!!) Kaso heto ang nangyari... Around 6:30pm may problema ang Malaysia... Eh since sabi ng kasama ko sa office sa Ctbnk Tampines ako magaayos ng problema, I been thinking na maaga ako makakalabas kasi sabi nila mabilis...

Hhaaayyy.. Inabot na ng pagputi ng uwak bago ako nakatapos... 8:15 na ako nakalabas... at heto, anak talaga ng pitong gatang itong MALAYSIA at di matapos-tapos ang problema... alam mo bang tinawagan pa ulet ako ng office... Leche plan talaga... to be honest BAD TRIP ako ng tinawagan ako ng bwisit kong officemate.. And since andun na din lang ako, ano pa nga ba ang choice ko kung di bumalik... At sa awa ng Diyos nakauwi ako ng bahay ng almost 11pm... O di ba ang saya... at saan ako kumain??? Teka kailangan bang kumain pag nagugutom??? HHaayyyy pwede ng madaan sa tulog yan... Good thing last wednesday naglaba na ako... hehehe... :)

===========

Saturday... dapat household namin sa SFC kina Bro. Peter eh since di kami pwede ni Romy dahil may nauna ng appointment ang St.Anne (O d ba busy ang drama namin... hehehe) they decided to move ang Household ng Sunday and take note sa bahay namin.. hehehe... :)

Balik sa kwento, bale may farewell party kami kay Bro. Andy (Chinese) kasi may training siya for 2 years sa Air Force sa US. O di ba astig ang training nya sa US pa... and pwede pa niyang isama ang family niya.. pero they decided na stay sa singapore ang asawa at anak nya kasi mag-aaral na si Roan.

Grabe halos maubos ang boses ko sa party na ito... Kasi ba naman instang MC ang lolo nyo... hehehe... :) Ewan ko ba gustong-gusto nila akong mag-host ng party nila... hehehe... Well, siguro kilala ko na silang lahat kaya alam ko na kung paano sila patatawanin... hehehe.. Though medyo mawala na ang aking mukha sa kanilang lahat, go lang ng go... hehehe.. in the end... medyo malat ako ng matapos ang party... And take note I need to sing pa ng Sunday... :) Remember Cantor ang abang lingkod ninyo... hehehe... :)

Nauna na akong umuwi kina Romy at Hansel kasi kailangang ihatid ko pa si Adeline pauwi... teka i-re-phrase ko... KAILANGAN PA PALA AKONG IHATID NI ADELINE PAUWI... hahaha... masama ba akong nilalang??? hahaha... Kidding aside, kasi ba naman ang layo-layo niya sa Sengkang... kung ihahatid ko pa siya sa Yishu babalik na naman ako ng Sengkang... eh sa kabilang side kaya yun... :) Pero alam ko namang nauunawaan niya yun... hehehe... :) Pero may a "LITTLE" bit guilty ako d2... hehehe... Tamad kasi akong maghatid eh... hahaha...

================

Sunday... Di pa ako nagmumumog at amoy panis na laway pa lng ako.. SUPER vocalization na agad ako... DO RE MI FA SOL LA SI DO... with matchong tremolo pa yan... hahaha...

Matapos ang practice...kesehodang paos ang lolo nyo... sige lang laklak lang ng TUBIG... hehehe.. :) Good thing di ako masyadong naubusan ng boses... :)

I would like to thank you all, for the prayers kasi nakanta ko ang Salmo ng 85% accuracy... hahaha... :) kahit di siya 100% pero carry na ang 85%... kaysa sa dati na 35% pwede na... hahaha... :)

After ng mass, nagturo pa kami sa mga makukulet na bata kung paano kumanta ang go na kami sa HOUSEHOLD namin...

Grabe kapagod talaga kasi wala halos pahinga... :) After household, derecho pa kami kina kabayang Liway kasi bday ni Janet na sobrang SIGLA (as if naman masigla, eh laging tulala sa tabi itong si sister... hehehe...) we ended around 10pm and take note di pa ako namamalantsa ng damit ko for whole week... hahaha... :)

pagdating ko sa bahay one of my fave reality show ang palabas.. APPRENTICE... :) kayayun nag-addict muna sa TV at shower pagkatapos... :)

Heto 12:30 na ng madaling araw at gumagawa ng blog... ayaw ko namang wala kayong gawin sa office ninyo ngayong araw ng lunes... :)

Keep safe sa inyong lahat... :) By the way, I'm planning to write about DING... :) basta tumatakbo na ang utak ko ngayon kaso no time lang talaga ako... hope magustuhan ninyo ang nobela ko kay ding... :)

Yun muna po.. ZAI JIAN!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin