Nang mangarap si Pepe

Mataas man ang sikat nang araw nahalos sumunog sa balat niya, patuloy pa din sa pagtatanim ng mais si Pepe. Masipag siya kung ihahalintulad mo siya sa mga batang kasing edad niya. Sa edad na dose, alam na niya ang kahalagahan ng buhay. Tumutulong siya sa kanyang ama't ina sa pagtatanim sa bukid tuwing araw ng sabado at linggo at tuwing araw ng pasok naman, matiyaga siyang naglalakad ng ilang kilometro para bagtasin ang mahabang lakarin patungo sa kanilang eskwelahan.

Panglima siya sa sampung magkakapatid, kahit mahirap ang buhay nila sa bukid masaya naman sila. Kumpleto ang pamilya. nandun sina Ate, Kuya at ang mga maliit niyang kapatid nahalos wala ng masuso dahil wala ng gatas si nanay kaya nagtitiyaga na lang sila sa AM ng kanin.

Habang binabagtas ni Pepe ang daan patungo sa kanilang kubo, bigla siyang natigilan habang pinagmamasdan ang matayog na lipad ng eroplano sa tapat niya.

Maria: "Kuya Pepe, ano bang tinitingala mo dyan?" tanong ng kapatid na sumunod sa kanya.
Pepe: "Walang lang! Nakikita mo ba ang eroplanong yun?" wika niya
Maria: "Oo! bakit? tanong ng bata na tila naguguluhan.
Pepe: "Balang araw sasakay din ako dyan at lilipad hanggang maabot ko ang mga ulap sa langit." buong pagyayabang niya sa kapatid
Maria: "Naku si Kuya Pepe talaga! Eh sa jeep nga di tayo makasakay sa eroplano pa? At saka paano ka baba dito sa atin?"
Pepe: "Hhhmmmm di ko alam? Pero sabi ni Roberto na kaklase kong nakasakay na sa bus papuntang Maynila, sasabihin lang daw "PARA" at tumutigil na ang bus. Siguro ganun din sa eroplano!!"
Maria: "Ganun ba? hhmmm siguro nga, kasi sabi din ng kaklase ko "PARA" din lang ang sinasabi sa jeep pagbaba na sa bayan! Pero kuya isasama mo ako pagsumakay sa eroplano at sabay tayong papara pag baba na tayo dito sa atin... Naku siguro sa bukid yan baba!"
Pepe: "Oo ba! basta mag-aral ka lang para makalipad din tayo." wika ni Pepe, habang pinagmamasdan ang bughaw na langit.

Mabilis umusad ang panahon at nakapagtapos nang pag-aaral si Pepe ng Kolehiyo at nakapagtrabaho sa Maynila. Sa tulong ng scholarship ng gobyerno kaya siya nakapagtapos. Ang ibang kapatid niya ay maagang nagsipag-asawa dala ng kahirapan. Ang iba naman ay sapat nang kasa-kasama ng kanilang mga magulang sa bukid para may makain sa araw-araw.

Dalawa lang sa kanilang magkakapatid ang nakapagtapos, samantalang ang iba ay pawang mga nag-aaral pa. Si Maria naman ay nakapag-asawa ng maaga at nagtayo ng bahay malapit sa kaniyang mga ina.

Ganun pa man kahit may mga asawa na ang iba niyang kapatid, halos doon din lang sa kanilang tabi nagsi-pagtayo ng bahay kaya parang isang pamilya pa din sila.

Dumating ang pagkakataon na makapagtrabaho si Pepe sa ibayong dagat. Dahil sa imbitasyon ng kanyang kaibigan na una ng magtrabaho sa Australia.

Masaya ang mga magulang ni Pepe at ang kayang mga kapatid at pamangkin. Di pa man siya nakakaalis ay kung anu-ano ng habilin sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Josefa: "Kuya Pepe, bili mo ako ng ballpen na umiilaw ha? kasi yung sa kaklase ko ang ganda-ganda ng ballpen, galing daw sa Saudi." wika ng bunsong kapatid na nagaaral sa Elementarya.
Edna: "Ako, Pepe kahit Nivea Cream lang..."

Higit isang taon na siyang namamasukan bilang Engineer sa isang malaking kumpanya sa Australia. Kahit paano nakakaipon naman siya at nakakapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Marami na din siyang naging kakilala sa Australia na kapwa mga Filipino. Pero ganun pa man, patuloy pa din siyang dinadalaw ng pangungulila sa pamilya. May mga araw na halos di siya patulungin, sa kaiisip kung kailan muli siya makakabalik sa kanilang nayon kapiling ang malawak na bukirin na kanilang sinasaka noon. Tanging mga sulat na lang galing sa kanyang pamilya ang tampulan ng kanyang pangungulila.

Madilim man sa loob ng kanyang kwarto pero nababanaagan niya ang luntiang parang at burol sa kanilang lugar. Patuloy siyang nagiisip at habang patuloy na dumadaloy ang mga patak ng luha sa kanyang mga mata... Minsang nangarap si Pepeng lumipad sa himpapawid kasama ng mga ulap, ngunit kapalit pala nito ay ang ibayong lungkot sa pangungulila sa pamilya...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin