Contentment

Kuntento ka na ba sa buhay mo? Or gusto mo pa nang higit pa sa meron ka ngayon?

I remember noong una akong nagwork ang starting salary ko ay 6000 pesos (o di ba ang baba... hahaha...) pero I managed to survive that time. Though wala akong anything but I'm very much happy that time. Wala akong Cellphone(yung parang safe guard) that time pero I really enjoy yung company ng mga friends ko. Wala akong savings sa bank. Pero I can still survive.

Noon nangarap ako na makakita ng bagong work to earn more sa kinikita ko. Sabi ko kung kahit 8000 lang ang sweldo ko I can save yung 2000 monthly para may savings ako. After a year of hardwork, nakakita ako ng new job and they offered me 8000. Tumaggal ako ng higit isang taon pero ano nga ba ang naipon ko? Cellphone na half ng payment at utang ko kay nanay at 10000 pesos na savings sa RCBC... hahaha... Okay naman ang work ko that time kasi I really like yung work ko... Yung kasi ang pangarap ko... (O di ba simple lang ng pangrap ko... maging isang web designer... hahaha...) During that time I enjoyed life, Yes I'm not financially stable but I'm very much fulfill. Wala akong assets na masasabi kong akin kasi puro ako liabilities but still I'm happy with mylife.

After more than one year I resigned again. Sabi ko kung tataas lang sana ang sweldo ko makakaipon ako. I can buy my own property and have a enough savings. After so many months of working still I don't have any property, may savings still 10000 plus few interest. Ano pa ba? I went to Hong Kong kaso yung airfare ko sagot ng mga kapatid ko except the pocket money. But despite that I don't have anything, I'm so happy: I have my friends, sina nanay at tatay, mga kapatid ko, and active ako sa service that time. Though di ko nalibot ang pinas tulad ng ginagawa ng iba like beach every summer or Baguio City, going to Bohol or Tagaytay at yung iba travel abroad but masasabi kong I'm contented with mylife that time.

Pero dumating ang another opportunity, this time working abroad hesitant ako to be honest but sometimes you will never know kung ano ang naghihintay sayo kung di mo susubukan.

I'm working here at Singapore, I have my asset now na binabayaran ko,I have savings in banks, I can travel to other countries whenever I want, though my work is not okay I can say I'm blessed pa din.

Sometimes may mga tumatawag pa sa aking companies and they offering me higher salary. Most of the time I'm so excited to accept it and most of the time I'm praying for it nasa matanggap ako. Sabi ko kung mas malaki pa ang salary ko I can travel more and help more... But you know what, I learn something nowadays: Be contented in life. Sometimes sa buhay natin, we aim higher kung ano ang meron tayo, if we earn 20K bucks we wanted na sana higher pa dun. Minsan iniisip ko kung hanggang kailan kaya magiging kuntento ang tao sa kanilang buhay. Siguro marami ka ngang assets at cash or savings pero are you happy? Do you still have time sa family mo? Do you have time to mingle with your friends? Or baka naman naco-consume ka na ng trabaho mo kasi busy ka... Do you still have time to relax and unwind yourself? Baka naman puro pera na ang laman ng utak natin. Do you have time to offer some of your time in serving God? or baka naman SUNDAY PEOPLE ka lang na sapat na yung isang oras na simba? Do you still have time to slow down and see the beauty of God's creation? Or baka nagmamadali ka lagi?

Well, I keep praying for the gift of CONTENTMENT in mylife. Kasi na-notice ko sa sarili ko recently, masyado na akong naghahangad ng sobrang material things, sobrang posessions pero deep within me I don't have anything... I wanted to resign to my job and look for better one pero iniisip ko, is this the will of God? or baka naman ito na ang will ko. Baka pag nalipat ako ng work di na ako makakanta sa simbahan or wala na akong time na umakyat sa 16th floor ng bahay namin tapos pagmasdan ang Malaysia at ang ilog nahahati sa Singapore. Baka di na ako maka-OO sa mga invitations ng friends ko kasi sobrang consume na ako ng oras ko sa work... :)

Haayyy... mga friendship be contended sa buhay mo ngayon... Enjoy life... Wag masyadong mag-impok nang salapi sa Bangko kasi pagnamatay ka bukas for sure kahit isang kusing niyan di mo magagamit... :) di naman masamang mag-save ang ibig kong sabihin, try to enjoy life... Di kayang bayaran nang nasave mo ang mga taong mapapasaya mo... :)

Yun lang po... BOW!!!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin