Bangenge...

Alam mo ba yang salitang yan? Bangenge refers to those na sleepy... hehehe... :) yung wala sa sarili dahil puyat... hehehe.. Kanina nag online ako using meebo... Aba nag-message si unica_hija nang BANGENGE... wwwhhaaa... nagulat ako sa kanya kasi I know her name na Stella pero she knows that term and only one person ang nagsasabi nun sa akin while laughing ng ahihihihi... :) Her name is Carren...

Grabe ang bilis tumakbo ng utak ko... I missed Carren. She's pretty to be honest, pwedeng PONDS model kaso maliit lang siya tapos straight hair na medyo brownish, sobrang hinhin, iyakin, inosente sa mundo at she really like the word bangenge... hahaha... :)

She's my thesis mate, kasama ko siya ng mahulog ako sa manhole sa Mantrade while dala-dala ko ang CPU ng computer ko, tawa siya ng tawa... Tapos sabi nya BANGENGE ka naman RENIE...

I really missed yung nagpunta kami nina Alex, She at me sa bahay nila since apat kaming thesis mates. Dahil sa may likod ng Baclaran ang house nila at daming squatter dun, kaya lagi siyang may warning sa amin..

Carren: Pag may tumawag sa inyo wag kayong lilingon.
Carren: Pag may sumumpit sa inyo walang pakialaman.. basta deretcho lang.

Itong si Alex ang kulet-kulet, while walking kami, aba sa gitna ba naman sumisiksik kasi daw baka bigla siyang saksakin... bbwwwhhaahaha...

Ilang minutong paglalakad biglang....

Alex: SHIT CARREN may sumumpit sa akin...
Carren: Naku Alex lakad ka lang wag mong pansinin
Alex: Ang sakit eh...
Carren: Monggo lang yan..

Yun pagdating sa house nina Carren sangkaterbang alaska ang inabot ni ALEX.

Renie: Kasi ba naman Alexander ang mukha mo yang KASUMPITSUMPIT talaga.. (di ba college pa lang ako.. ALASKADOR na... hahaha)
Alex: Tang-ina mo... At least mukha akong mayaman...

Anyways, ang last na balita ko kay Carren nag-asawa na siya after naming mag-college kasi mahigpit si tatay nya.. Isang sundalo kasi tapos dalawang babae pa sila. Pangalawa ayaw na niya ng surname niya kasi APDO... hehehe... :) CARREN APDO... :)

Yun lang... Na-miss ko bigla siya... Wala na din sila sa Baclaran kasi noong huling kausap ko si nanay nya paalis na sila ng Baclaran at lilipat na sila ng Laguna... :( Nalungkot naman ako... Sarap kasing tumawa nito eh... :)

Mga Komento

Sinabi ni ReN!e
ang lupet.. artista ka na din... :) Sikat ka sa blog ng lolo mo... :)
Sinabi ni ReN!e
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin