KWENTONG KAHAYUPAN: Muning...

Tumawag ako kanina kay nanay as in wala pang 5minutes ago.. hahaha.. :) Then habang kausap ko si nanay dinig ko may umiiyak ng bata. Syempre tanong agad ako kasi ba naman ka-kyoda na nina nanay para magka-anak.. hahaha.. :) kidding aside sabi ni nanay yung pusa daw namin na saksakan ng sungit at ingay... Promise I'm not joking mga friendship, wag mo siyang huhulihin for sure di mo siya aabutan and wag kang umasa na tahimik ang kusina pagandun siya... hahaha.. ka-ingay-ingay kasi... hahaha...

Anyways bigla ko naalala ang aking kabataan... :) I remember noong nasa elementary pa lang ako may pusa kami na ang pangalan ay GARFIELD... di naman siya kakulay ni Garfiled kasi puti at black siya pero mataba din siya... :) as in gifted cat ang mokong... :) Imagine this pagaabutan mo siya ng tinapay di niya ito kakagatin, kukunin ng dalawang kamay niya: parang ganito imagine ang zombie na magkadikit ang kamay... GANUN!!! O di ba astig.. :) At kung ang pusa namin ngayon na sobrang sungit yun nuknukan naman ng lambing... :) Tandyakan mo at di yung magagalit bagkus lalapit ulit sayo na paikot-ikot... hehehe... :)

Naalala ko ng namatay siya... Sobrang lungkot ko.. :( kasi love na love namin yun... teka love na love ko pala... :) sarap kasing katabi pagtulog yun... :) Noong inilibing ko siya sa ilalim ng chico namin yung kanyang higaan ay yari sa bulaklak sa garden... hehehe.. may santa, gumamela, calachuchi, rose etc... :) Wala lang ganun ko kasi ka-love ang pusa ko noon... :) Tapos noong natabunan na ng lupa ang kawawang pusa nilagyan ko pa siyang semento sa ibabaw tpaos may GARFIELD... :) O di ba bata pa lang ako lakas tama na... hahaha... :)

Well, yun lang miss ko na ang alaga naming mga hayop sa batangas... :)

=========
Try kong ikuwento si CHA-CHA at HERCULES... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin