Patay na siya...

Maaga akong nakatakas sa office kahapon... Mukhang di pa din ma-solve ng kasama ko dito sa office ang problema sa system kaya walang tumatawag sa akin.. hehehe...

I left around 6 or 6:30pm na ata... pero dapat 5:30 uwi na ako kasi maaga pasok ko... :) kaso sobrang aga naman di ako sanay... hahaha...

Anyways, nagmamadali akong nagpunta ng gym kasi ilang linggo na akong di nakaka-gym dahil busy ang lolo nyo... :) Aba at andito si Philbert at least may ka-chikka pa ako... after few minutes dumating din si Rodel (ang John Lloyd ng NCS)... Aba at talagang pursigido ang mokong na pumayat din... hahaha... :)

Habang gumagamit ako ng machine biglang dumulas ang paa ko... Good thing hindi masyadong mabilis ang aking takbo... Medyo masakit pero di ko ininda... :)

Ng umuwi na ako ng bahay... Nararamdaman ko ang pain sa aking paa... at ng tanggalin ko ang aking medyas... may GULAY... and aking kuko sa hinlalaki ng aking paa ay kulay violet na po... wwwhhhaaa.... as in... buong kuko... sobrang kirot nya ng mga oras na yun...

Pagkatapos kong mag-install ng Powerbuilder sa pc ko, nag-bye bye na ako kay Stanley sa ym.. sobrang sakit talaga ng darili ko... Sabi ni Mutya lagyan ko daw ng yelo...

Around 10:30 pa lang humiga na ako kasi di ako makapag concentrate sa gusto kong gawin...

Maniniwala ka bang madaling araw na di pa ako nakakatulog... Sobrang sakit... Well, knowing me di naman ako nagkakasakit talaga kaya pag may sakit ako sobrang damdam na damdam ko... I kept praying to God na sana patulugin na nya ako... and guess what... I almost cry sa sobrang hapdi... :( Heto yung pakiramdam ko.. yung isang daliri ko parang pinapalo ng martilyo sa sakit... as in ganun... promise.. I'm not exagerating pero yun talaga...

Nawalan ako ng malay at natulog ako around 2am na ata... at 4am pa lang gising na ako at nagsusumakit na naman ang aking paa... I have no choice but to get some ice cube sa freezer... my God.. as in groggy pa ako... hahaha... :)

Pagtinitingnan ko ang aking daliri sa paa, kailangan ko ng bulaklak para ialay sa kanya... hahaha... kawawa naman at dead on arrival na siya... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin