We got our NEW Washing Machine Part 2

Kaloka talaga ang aming Washing Machine... dahil sa sobrang astig nito... heto at may part 2 pa ako sa aking kwento.. hehehe.. :)

Since kahapon may lakad ako.. di ko na na-test ang kagandahan ng aming washing machine.. :) I thought dahil umiikot naman okay na.. hehehe.. :)

Today after I sang sa simbahan, nagmamadali akong maglaba ng damit... kasi ba naman isang linggo na mahigit na ang tambak kong damit.. :) Aba at talaga namang naguumikot ang aming washing machine and super excited na ang lolo mo.. :) Syempre dito sa Singapore you can be multi-tasky: you wash your clothes, watching tv, chatting with your friend sa YM at pwede ka pang magluto at the same time... hahaha... o di ba sinong nagsabi ng You cannot do other things at the same time... haller 2007 na ngayon noh!! hehehe.. :)

Balik tayo sa kwento..habang ka-chat ko sina Stan at Mutya sa YM kasi kinukulit ko sila... hehehe... when I checked our MAJESTIC washing machine... Jusko.. kulang na lang duguin ang aking ilong kahihintay sa SPIN DRY... Yun po ang magic ng aming washing machine... naglalaba lang siya pero di niya kayang tumuyo ng damit... and take note "AUTOMATIC" ang nakalagay sa kanya... Sa sobrang asar ko... I called Joan again... naka-high pitch na naman ako.. knowing me laging pa-cute phone... pero this time... iba na ang tone ng boses ko... tama bang sabihin sa aking next week pa pwedeng palitan ang aming washing machine ulet at heto pa.. she never mentioned na papalitan ang washing machine... she will bring the mechanic para i-check ang bwisit na gamit na ito... GGgggrrrr... sabihin mong masama ang ugali ko pero if you're in my shoue.. I know mauunawaan mo ako... grabe... higit isang linggo ka ng di makalaba tapos heto pa ang mangyayari... di ba nakakasama ng loob... we're paying naman ng house pero wag naman sana kaming gaguhin di ba? anyways... wala pa din akong nagawa kundi maglaba... kaya yun... ang mga damit ko nasa labas lahat... pinatutuyo ko... pero heto at nagmaganda ang panahon... bumuhos ang sobrang lakas na ulan... My God... We badly need miracles sa aming washing machine... Sabi nga ng boss ko dati sa pinas: "Renie-san heal my pc..." hahaha...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin