Falling in Love

Balisa at tila maraming iniisip... Ilang beses mo bang na-view ang profile nya sa friendster? Naka-invinsible ka sa YM at tila nag-aabang sa isang kaaway... yung tipong pagnakita mo siyang online... bigla kang mag-po-pop ng message ng smiley sabay tanong musta ka na? hehehe... tapos sasabihin niya sa'yo na okay naman... bakit mo naitanong... tapos sasabihin mo wala lang, kasi wala kang maisip na maisasagot...

May gabing napapanaginipan mo siya... yung kayong dalawa lang together tapos endless kwentuhan... tapos paggising mo sa umaga sasabihin mong panaginip lang pala... manghihinayang ka na sana hinalikan mo na lang siya kahit sa panaginip lang... pero bigla kang mangingiti kasi kahit panaginip naging masaya kayong dalawa sa ilalim ng buwan kasama ang milyon-milyong bituin sa langit.

Heto pa.. minsan gusto mo siyang i-text kaso di mo alam ang sasabihin sa kanya.. kung mag-ha-hi ka ba or what... Minsan gusto mo siyang tawagan pero di mo naman alam ang sasabihin mo... yung tipong ang dami-dami ninyong pwedeng pagusapan pero nauubusan ka ng sasabihin.

May mga gabing bago mo ipikit ang iyong mga mata, mababakas mo ang ngiti sa'yong labi kasi siya ang tumatakbo sa iyong isipan... Mga sandaling pilit mong pinagsasama ang inyong landas kahit sa simpleng pagkakataon, patakas na magkasama kayo sa malayong lugar na tanging kayo lang ang magkasama... May kilig bago tuluyang humimlay sa dilim ng gabi na umaasang bukas sana kayo na... Sana siya na... sana...


================
Teka... Abril ngayon ah.. bakit kwentong enlab ang entry ko?? dahil ba enlab ako??? UUuyyyyy... may puso-puso ang mata ng mokong... bbbwwwhahhahahaha..

Anyways entry lang po ito... ang mga nabanggit sa mga talata sa taas ay pawang tumakbong kwento lang sa aking malikot na isipan... hehehe... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin