LBM

Last Friday meron akong interview...hehehe... as in... after so many months ko ng nag-apply heto at sa awa ng Diyos may tumawag ulet sa akin... hehehe.. :)

Actually noong thursday tumawag ang company, so sabi ko since panghapon ako kaya Friday na lang ako nagpa-interview... :)

Noong Friday morning... kuntodo porma ang mokong... I remember Friday ay wash day... hehehe... so questionable pag nakita ako ng mga officemates ko kung bakit ako naka-porma... hehehe... :) Eh, since si Stanley lang naman ang nakakaalam na may panayam ako kaya lagot lagot ako. Anyways, wala akong paki... bakit wala ba akong karapatang pumorma ng friday... hehehe... :)

Jusko nasa MRT pa lang going to Raffles Place eh heto at nagkukumulo na ang aking tyan... hehehe... di naman halatang excited ako noh.. hahaha... :) ganito lang po talaga ako pag masyadong excited pati tyan ko excited din... hahaha... :)

Bitbit ko ang aking na-print na address ng office with matching map pa ng streedirectory.com. (di promoteion ito ng website... hehehe) So mega walk ang lolo nyo going to Robinsons Road... :) At presto pagdating ko sa building dali-dali akong umakyat di ko pinansin ang gwardya... hehehe... Pagdating ko ng 8th floor... aba teka at nasaan ang opisina nila??? ilang ikot na ako sa floor at tuluyan na akong nagtanong sa babae sa isang office.. hehehe... :) So dun ko lang nalaman na NO ID WRONG ENTRY... (pwede na bang tag line.. hehehe)

So lipat ako sa kabilang building... Aba at mukhang pinaglumaan na ata ng panahon ito... hehehe.. sa isip-isip ko lang... walang binatbat sa lift ng NCS...:) [proud ba ako sa NCS??? hehehe] Pagdating ko sa 8th floor ulet... mega hanap ako ng office.. akala ko nagkamali ako ng punta... Kasi feeling ko nasa bodega ako... hehehe.. so pagsilip ko sa labas ng pinto nakita yung name ng company.. so sabi ko.. THIS IS IT... :) So PRESS THE BUTTON agad ako ng doorbell... walang DEAL or NO DEAL.. DEAL na agad... :) kaso pagpindot ko.. sabay UTOT ng lolo nyo... hahaha... :) Eh halos mag-collapse ako sa amoy eh... hehehe... at heto ang malufet... tama bang katatapos pa lang ng utot ko sabay bukas ng pinto... sabi sa akin.. COME IN... WWWhhhaaaaaaaaaaaaa... ang baho-baho pa ng utot ko.. di ko alam kung tatakbo ba ako or uupo na lang somewhere... hehehe... pero syempre mega smile pa din ako... hehehe... :)

So winelcome agad ako ng Regional Manager, akala ko pinoy kasi tunog pinoy ang surname nya sa email.. Nalimutan ko ang mga pana din pala may mga lahing Espanyol yung iba.. :) hehehe..

So sinimulan na namin ang debate... :) Aba at halos duguin ako sa ibang part ng tanong... :) kasi ba naman wala akong alam sa Supply & Chain ek ek... :) pero impress naman siya sa resume ko.. hehehe.. (marunong lang pong mambola ng resume... hahaha...) At heto ang malufet... tama bang ang cellphone ko ay walang humpay sa pag-vibrate? Alam mo yung naka-smile ka sa harap ng Regional Manager pero parang matataeng pusa ang hitsura mo kasi yung phone mo umaalog sa loob ng bag ko... hahaha... :)

Natapos ang panayam at mukhang di ako matatanggap... ang I'm happy for it...:) bakit ako masaya??? wala lang.. parang di ko feel... imagine Health Care yung Industry nila eh ang alam ko Banking... :) hehehe..ang layo-layo kaya nun... :) tapos sinabi pa ng Regional Manager na ang paguusapan ay tungkol sa mga puso, sa mga utak, sa mga sakit, sa mga nasagasaan, sa mga aksidente... Aarrraaayyy ko po... gusto kong duguin sa aking kinauupuan sa sobrang hilo... hehehe.. (cencya na mahina ako sa ganitong bagay... hehehe... ayaw ko ng ganitong usapan... hahaha..)

Balik sa kwento... sabi ko nga happy me kung di ako matatanggap... :) kasi parang di yun ang industry for me, though I like yung position at mukhang okay naman ang sweldo... hehehe.. :) Anyways, come what may.. kung pasado eh di go kung hindi eh di stay sa company ko ngayon..:)

By the way when I checked my mobile... jusko buong opisina may kani-kanilang missed calls.. hehehe... ang reason... di nila alam ang password ng PC ko at kailangan nila ang system ko... hehehe... :) sabi ko na lang nasa-CR ako... :)

Yun lng po... LBM ako (Looking for Better Management) :p

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
Grabe sobrang natawa na naman ako dito na para bagang gusto ko magbanyo pagktapos...grabe galing panalo maiyak iyak ako kakatwa.

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin