Relak 'lha

After weeks of non-stop work sa office heto at bumalik ang aking buhay... hehehe.. :)

Maniniwala ka bang halos di kami natutulog ng ilang linggo... meron kaming work ng 24 hours tapos tulog ka ng 2-3 hours tapos balik ka ng office... tapos pag na-late ka pagagalitan ka pa... WOW.. sobrang kapagod at sobrang nakaka-pressure... bawal kumain, bawal tumayo, at super walang DULL moments.. maya't-maya ring ng ring ang phone at di mo alam kung sino ang uunahin mo... lahat ng email naka-RED... lahat ASAP, URGENT, IMMEDIATELY, PRIORITISE, etc.. etc... jusko kung dati propeta ang kailangan sa office namin.. ngayon super prophet ang kailangan sa opisinang ito...

Teka ano nga bang nangyari??? hhmmm... heto, may malaki kaming production cut-over ng system tapos sumabog... hahaha... :) tinamaan lahat ng client natin sa ASPAC... :) kaloka ang office namin ng mga panahon na yun... yung email na dating isang daan isang araw.. ngayon ay umaabot ng 500 at take note ang mga emails at mga 10MB, 5MB... ang pinakamababa lang at bytes lang (ito yung mga read email ek.. ek..) kulang na lang magmakaawa ang aking email kasi maya't-maya sumasabog ang email ko sasabihin INBOX FULL... hahaha... :)

Mararanasan mo din ang 10 hours na nakababad sa conference call na di mo alam kung sino-sino ang kausap mo sa phone tapos sigaw dito sigaw dun... kung ano-ano ang utos... ilang ream na atang bond paper ang nasa table ko ka-pi-print ng kung anik-anik... haaayyyy!!!!

Dumating sa point na gusto ko ng mag-shopping pero di ako maka-shopping... papasok ako ng 7am tapos uuwi ako ng 8am the following day.. ilang laklak ng kape yan para di matulog... and TAKE NOT: WALANG OT PAY ITO!!! salamat po doktor lang ito at mala-charitable institution ang drama namin dito sa opisinang ito... tapos ang masama pa nito nasasabon ka pa... haaayy... :( at saka bawal magkasakit sa mga panahong ito... saan ka pa lahat inuubo na pero nasa office pa din... grabe talaga...

Anyways, hindi pa din tapos ang problema kahit pangatlong linggo na ito... pero at least medyo tahimik na ang buhay "KO" kasi yung iba hindi pa din okay ang buhay nila... hahaha... :)

Akala ko noong saturday wala na akong gagawin as in super plano na ang lahat ng araw na yun... pero saan ka pa... tinawagan ako ng 12noon nakauwi ako ng 1am... O di ba... Sabado yun... buti nakauwi pa ako.. kasi yung mga inabutan ko dun, ng umalis ako andun pa din sila...

Maraming magagandang movies this month, andyan ang TRANSFORMER, DIE HARD 4.0, at HARRY POTTER.. pero kahit isa di ko napanood... :( di naman ako naghihirap pero walang time...

Ang aking EZ-Link card halos three weeks na di pa din nauubos ang laman.. bakit?? kasi po araw-araw TAXI po ako... I'm looking for my Taxi Claims.. grabe ang kapal-kapal na... mukhang aabutin ng higit dalwang daang dolyares ang ma-ca-claim ko next time... kaya ubos na cash ko... :(

Dumating ang SUNDAY and I planned all the things I need to do for the day.

1.) Go to IKEA to buy: Bookshelves, CD Rack, Lamp Shade & Mirror.

2.) Go to Cathay Cineplex and watch movies.. :)

Maaga akong umalis ng bahay going to IKEA kasi sabi ko baka tawagan ako ng office at least kung tawagan ako meron na akong nabili ng kahit ano... :)

Pagdating ko ng IKEA tama bang sumakit ang tyan ko... hahaha... well dalawang beses me pumupo sa IKEA.. Thank Goodness malinis ang CR dito sa Singapore... :)

Ilang oras ng ikot at presto, may nakita akong murang bookselves at murang CD Rack... hehehe... worth 29 and 19 dollars... :) sabi ko bibili ako ng lampshade.. pero pagtapat ko sa mga home decoration... heto at nakabili ako ng dalawang magandang frames.. :) worth 40dollars.. :) tapos wala me makitang malaking salamin.. kaya yung 15 dollars na salamin ang aking nabili... :) Although lumagpas ako sa aking budget na 100 dollars pero okay lang SUPER HAPPY ako sa aking nabili.. :)

While looking pala ng mga cabinet nag text yung housemate ko... sabi nya kung nasa house daw ako kasi nagluto cya ng lunch... hehehe.. di ba ang bait-bait pa ng aking mga housemates... :)

Ng binuhat ko ang aking mga biniling gamit... jusko ang bigat pala nun.. hahaha... :) Good thing pagdating ko sa bahay andun ang mabait kong housemate.. hehehe... tinulungan akong magbuhat or else baka abutin ako ng ilang oras bago ko mabuhat lahat...

Dahil excited ako sa cabinet na binili ko... Yun at di ako umalis ng bahay hanggat di ko na-aasemble ang cabinet... hehehe...

Matapos ang walang humpay nakapu-pukpok sa loob ng kwarto at matapos magawa ang mga kabinet, I decided to go to Cathay Cineplex to watch Transformer... :) I sms Stan kung asan siya... Aba at ayaw sumagot... hmmppp.. bahala siya kung ayaw nya... hehehe... basta nuod ako ng sine, ito na nga lang ang pagkakataon kong manuod eh di ko pa gagawin... hehehe... :)

When I looked for the schedule, OMG!!! yung 7:30pm ay fully booked na... yung sunod na-schedule 9:50 na... eeeekkkkkkkk!!! so para di masira ang araw ko... I decided to watch 6pm HARRY POTTER and the Order of Phoenix... :)

Kauupo ko pa lang ng loob ng sinehan, heto at tumatawag na si Stan... tinatanong kung asan na daw ako... Eh, sabi ko Harry Potter ang dragon... :) So, we ended our conversation na manunuod kami ng Transformer ng 9:50pm.. hahaha... :) Eh sabi nya simba siya tapos meet kami after movie...

7:30pm pa lang txt ng txt ang mokong kung tapos na daw ba ang movie... bakit ang tagal-tagal... ano daw gagawin nya sa labas ng sinehan... sino daw kasama ko... hhhaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyy!!! di ako maka-concentrate sa Harry Potter.. maya't-maya ang tunog ng handphone ko... After ng movie, when I checked yung upuan for 9:50 na Transformer, 2nd row from the screen na yung available.. :( so we decided na sa Plaza Singapura na lang kami manuod...

We ate a mouthful dinner sa basement ng Plaza Singapura... :) Octopus,and Prawn tapos chicken& mushroom sausage, swiss sausage, plus ceasar salad... grabe, after almost three weeks of endless Over Time and endless sleepless night yun at we indulge ourselves sa masarap na hapunan.. hahaha... :)

While eating, tama bang makita namin si BAHO... hahaha.. so, para di makita, yun at mega tago kami ni Stan... :)

Super exicted kami sa Transformer since we really wanted to watch it.. :) kaso wala nga lang time... grabe maaksyon and to be honest.. super duper better than Harry... (na-bored me sa Harry... huhuhu...) Anyways, tama bang nasa battle portion ng Transformer yun at tawag ng tawag ang office kay Stan... hehehe.. wawang bata at natapos ang movie na nasa conference call siya... hahaha... :) Pero sabi ko treat ko na lang siya next week ng transformer since siya ang nag-treat ng movie namin.. hehehe... :) *shy me sa kanya kasi siya yung di nakanuod ng maayos... samantalang ako ang nag-enjoy.. hehehe.. ganun talaga ang buhay.. parang life.. :)*

Yun lng po... :)

====
Relak 'lha means Relax in Singlish... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin