starbuko

Akala ko noong Sabado tuluyan na akong makakapagpahinga sa bahay... last friday sabi nina Baho di na daw ako papasok ng Sabdo since cancel daw ang cut-over namin... so syempre happy ako.. aba isang buwan na kaming pinapatay dito sa opisina and take note di pa ako nakaka-shopping... hehehe.. knowing me... shopping adict... hehehe... (one reason kung bakit hirap lumipat.. daming abubot kami... hehehe...)

Anyways, tumawag si Baho ng Friday na papasok daw ako ng sabado pero evening pa... pero 12 noon tinawagan ako at pinapasok ako ng 2:30.. so kahit masama sa loob, meron ba akong choice... kahit ayaw ko kailangan akong pumasok.. *sigh!* Anyways, akala ko mabilis lang akong makakatakas... i been expecting na 30mins - 1 hour lang at tapos ko na lahat ang cut-over namin... pero jusporsanto... tama bang pagdating ko saka pa lang gagawin ang code... gggrrrr!!!! so ano ang gagawin ko??? eh di nakatunganga sa office... :(

Sa madaling salita ang isang oras... inabot po ako ng higit alas-otso ng gabi sa opisinang pinagpala... *sigh!!!*

What I did... i dragged Philbert pauwi... hahaha... :) eh since gusto niyang manuod ng Transformer... so sabi ko sige nuod na lang tayo ng Vivo City... while we're in Taxi, we called yung mga NCS friends namin...

Mutya - iniwan namin sa office ni Philbert... kasi dami pang pinapagawa ni pancit... pero sunod cya.
Rosita - kaliligo pa lang at sakto... bihis ang lola at go.. go...
Suzi - alam ko atat na atat na din itong lumayas ng bahay kaya isang ring pa lang ng phone... go go na... hehehe
Stan - nagmamaganda ang aking pengyu... nasa bahay ng friends nya... hehehe.. so di pwede ang mokong
Edwin - naku si itang talaga... kesehodang magmomonitor daw cya ng system sa bahay... hmmpp!!! iwan ka namin.. hehehe..
Rodel - me bisita (di po monthly period... friends po... bbwwwhahahahhaa)
Rodelia Canete - nagluluto ng Sopas... sinabon pa ako at bakit daw late na ako nag-aya... hahaha... :)

Anyways, me & phil pareho kaming nag-ca-crave sa KFC so pagdating namin sa Vivo mega ikot kami kahahanap ng KFC... we decided na i-check muna namin ang movie timing... grabe layo ng nilakad namin... hahaha.. sa kabilang end kami ng mall ibinaba ni manong taxi... :( at pagdating namin sa movie house start ng movie 9:10pm... eekkkk.... anong oras na... quater to 9pm... Eh si Rosita, sa Semie pa manggaling, si Suzi sa geylang si Mutya sa Yio Chu Kang... hahaha... so what we did... di kami bumili ng tickets... hayaan namin pumunta silang lhat sa Vivo... bbwwwwhhhhhaaahahahahahaha....

Ipinagpatuloy namin ang paghahanap ng KFC... sabi nya sa Harbour Front Mall daw kung saan kami ibinaba ng taxi... Aba naikot na namin ang buong mall at nakarating na kami kung saan sumasakay ng papuntang Indonesia, di pa din namin nakikita ang bwisit na manok na ito... Good thing may nakita kaming directory... jusko... kahit ata si Madam Auring di talaga makikita ang KFC sa loob ng mall kasi WALA PONG KFC d2 sa lugar na ito...

Megal lakad na naman kaming dalawa ni Phil pabalik ng Vivo... at sa awa n Diyos napagkasunduan namin sa Food Republic na lang kumain... yun sa NASI LEMAK kami pinulot... hehehe.. (atleast manok pa din... hehehe...)

Tapos na kaming kumain ng tumawag si Suzi... nasa Vivo na sila ni Rosita... hehehe... :)

Nang magkita kami nina Raquel.. kulang na lang patayin ako ni Raquel... hahaha... :) sabi niya sa asawa nya di siya aalis ng bahay kung di lang daw sa TRANSFORMER... hahaha... :)

We ended sa Startbuco... :) eh knowing itong si Rosita.. ang babaeng di mabubuhay ng walang kanin... jusko kami nga naka-cheece cake lang.. siya may salad pa...pero wag ka umalis pa ng starbucks at naghanap ng SATAY... hahaha... tapos magrereklamo na mataba na daw cya... jusko... paano ba naman di tataba eh... hainan mo lang ng kumukulong sinigang or nilaga.. lahat ng bahaw at tataob... hahaha... :)

Endless tawanan at picture taker para may remember ang drama namin... yung camera ko na-low batt good thing okay yung phone ni Suzi... :)

Almost 11pm na at kami at lumabas ng Startbucks... at pumunta kami sa labas ng Vivo sa harap ng Tito Merlion sa Sentosa... at tama bang sobrang amazed na amazed kami sa mga nagtutukaang parang mga ahas dun.. hahaha.. :) at tapos we played stop dance... hehehe... :) sorry Rosita... di mo ako matatalo dito.. hehehe... :)

Yun lang... It's really nice to send time with your friends.. talking for nonsense things but you can feel yung assurance that there someone beside you who is willing to listen to you and never critize for who you are... and never looks for any defects that you have... :)

For all of you... take time to stop and talk to your friends... and also, don't be stagnant for knowing other people... try to reach more people as much as you can... :) life is so short... try to live on it to the fullest... :) but remember know your limit and don't sin... :)

==============

Ilan sa makukuet naming pictures sa Starbuco, Vivo City... :)

--> Mutya, Philbert & Me <--


--> Serious po ito... pero si Raquel naka-smile, si Suzi nanakot sa likod ni Rosita. <--


--> At least makatotohanang WACKY ito... hehehe <--


--> Sabi po STOLEN di po mukhang pa-tweetums.. <--


--> Nakumpleto din kami... hehehe <--


--> St. Starbucks of Vivo pray for us... hehehe... astig sa heelooo itong si Mutya.. <--


--> ang trying hard na modelo ng Startbuco... <--

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin