SSSsshhhhh... Bawal maingay merong Naglalaba!!!

It's my 3rd year celebrating the New Year's Eve here in the City of Posibilities --SINGAPORE--. Okay, wag magtaas ng kilay... totoo po ito na tumatanda na ako dito sa Singapore... dati batang-bata pa ako ng dumating dito, ngayon medyo matanda na ng konti... hahaha... :D

I really miss yung new year's eve namin sa pinas... kasi tradition ito since noong bata pa kami na meron kaming mga singing contest... I can still remember noon ang stage namin ay papag tapos ang MC namin yung tiyuhin namin... lahat ng bata na nag-aaral ng elementary kasali... walang di pwedeng kasali... hehehe.. ang price lang noon konting barya pero talo-talo na ito... happy na kami dun.. Meron din time before na dahil walang papag sa ibabaw ng lusong kami tumatayo saka kami kakanta or tutula.. [Lusong- ito yung ginagamit sa pag-bayo ng kape or pinipig...] Pero time goes by... hanggang dumating na kami naman ang organizers... nagsimula kaming gumawa ng sariling stage para mas marami ang makasama since our family tree having a lot of brances already... hehehe... di na pwede sa papag lang... =) Nagkaroon na kami ng Little Ms.Laurel... hehehe... :D bukod sa singing contest, meron pang dance contest... :D At heto ang malufet lahat ng audience libre ang food... hahaha... pero normally ginagawa namin, nag carolling kami before new years eve... di basta-basta ang bigayan dito... :D 100 pesos pataas ang bigayaan... hahaha.. sintunado man kami or tama sa tono... hahaha.. all proceeds sa NEW YEAR's EVE ek.. ek.. namin... :D

Anyways, kahapon new year's eve... good thing wala akong pasok pero today.. NEW YEAR's DAY heto ang nasa opisina ako... hehehe.. :D (me blog pa ang lagay na yan ha... hahaha...)

As usual, ampon ako sa bahay nina Reggie (me bago ba?) at ako ang pinakamaagang dumating... 9pm pa lang ata nakikinuod na ako ng TFC... hehehe.. :D pero maganda ang story ng Maging Sino Ka Man... hahaha.. sorry ngayon lang ako nakanuod... :D Love ko na si Tony kahit mukha si ni John (yung gumagaya kay Ate Vi... hahaha..) pero na-amazed ako sa hitsura ni Agelica P. aba maganda siya dun sa part na magkausap sila ni Bea sa Mall at nagiiyakan...hahaha... :D

Dahil maaga nga ako, yun tulog agad ako sa kwarto pagkatapos ng ilang oras na panunuod ng TV... gumising ako 30 minutes before midnight... hehehe.. :D

Boring ang New Year dito sa Singapore, bawal ang fireworks, sinturon ni Hudas, 5 star, pla-pla, paputok ni Bin Laden, kahit ata watusi bawal... hhaaayy... kaya ang buhay ng mga tao dito boring... hahaha.. pero meron lang certain places na pwedeng "MANUOD LANG" ng fireworks... :D So instead na pumunta kami sa place dahil for sure sobrang dami ng tao, naki-count-down na lang kami sa bahay... ng mag-12 na... wwwhhhhhhaaaaaaaaaa... sigawan din kami... :D

Diet is not in my vocabulary nowadays kasi ba naman kaliwa't-kanan ang kainan... :D kaya yun kumain ako ng kumain... grabe sobrang sarap magluto nina Mike... :D mukhang after this festive seasons kailangan ko na namang tumakbo araw-araw para maubos ang calories ko sa katawan... =)

Matapos ang endless cheers namin ng red wine, at kung anu-ano pang wine (Jess mapula ka promise... hahaha..) walang humpay na videoke ang binanatan... at sobrang alaskahan talaga.... :D Kunwari kakanta ka ng song ni Ogie A... sasabihin ba naman.. kaboses na kaboses ni OGIE... kaso DIAZ... hahahaha.. :D or di kaya si REGINE... kaso TOLENTINO.. hahaha... :D wala lang... sobrang sakit ng panga namin ni Dianne katatawa... :D at SOBRANG ingay namin promise.. daig pa namin ang isang barangay sa inggay.. :D

As usual, maaga akong natulog kasi 8:30am dapat nasa opiz ako... eh alas quatro na gising pa kami... pero sobrang touched naman ako kay Mommy Dianne.. as in sa kwarto pa nila ako ni Tatay Mike pinatulog... hahaha.. :D pero sa baba ako.. sobrang abuso na ako kung katabi pa nila ako... hahaha.. :D

8am umalis na ako ng bahay nila... kaso tulog pa ang lahat.. si Tito Rudy na lang ang nagbukas ng pinto for me... at heto pagbukas namin isang bond paper na may handwritten ang nakalagay na SOBRANG INGAY NAMIN SA SUSUNOD NA MAGINGAY PA KAMI IPAPA-PULIS NA DAW KAMI... 'Dha!! HALLER!!! eh NEW YEAR's EVE kaya... alam pa naman magtitigan lang kami habang nag-ce-celebrate ng New Year di ba??? Eh kung tuwing HUNGRY GHOST FESTIVAL (dito lang yan sa Singapore) kaya mag reklamo kami na itigil na ang pagsi-siga ng sandamukal na papel kasi mausok... hahaha.. :D (teka di kaya ako mapatay sa lagay na ito... hahaha..)

Yun lng po... tandaan... wag maingay kapag may naglalaba lubhang nakakasagabal sa pagkusot ni misis.. :D

HAPPY NEW YEAR TO ALL... :D

==================================
Heto po si Mike.. :) Konti na lang bote na... :)


15 Minutes before midnight dumating si Jess.. dala ang keso para sa bake macaroni.. :)


Di naman kami parehong gulat... hahaha


Heto ang family ni Poy.. :)


Dahil bagong taon dapat me fruits.. :D as in DRAGON FRUIT...


O di ba... mala-REGINE...as in!!!


walang magawa.. mega pose sa camera... hehehe...


FROM SENGKANG!!!


Anong binabasa??? well, para sa kasal yan... hehehe...


Tito Rudy & Reggie [dad ni Reggie ito]


Reggie with Poy's mom

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin