Halina't Mag-Batibot

Hey hey... make some noise... I said.. YO!!!(echo:Yo).. I said... Yhe!!!(echo: Yhe) I said.. YO!! YO!! YO!!... (echo: Yo.. Yo.. Yo) Okay... STOP IT... inuuto ko lang kyo... hahaha... =) and for sure nauto ko kyo once again... BELAT!!! hahaha... =)

Itong entry ko ay para sa mga batang nagkaisip ng '80's.. ahemm.. isa ako dun... hehehe... Bago pa nabuhay ang mga palabas na Epol Apple, ATBP, SINESKWELA at kung anik anik na mga pambatang palabas... nauna ng pumukaw (naks tagalog) at nagbigay buhay sa mga batang Pilipino ang palabas sa telebisyon na BATIBOT...

Kahit saan atang sulok ng Pilipinas pag sinabi mong Kuya Bodjie at Ate Sienna, Kiko Matsing at Pong Pagong, Gingging and Ningning, Manang Bola at Perlas na Bilog, Direk at Irma Daldal... isa lang ang sasabihin ng tao for sure... BATIBOT... sa mga tulad kong medyo matanda na pero di pa naman katandaan... for sure... ngingiti at ngingiti kayo pagbasa nyo itong nasa baba:


---Batibot Opening---

Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)


UUUUUyyyyy.. kumakanta ka noh... hahaha.. for sure... kinanta mo ito noon at talaga namang kahit ipinaghe-hele si bunso... eh BATIBOT pa din ang kinatan mo... hahaha... =)

O heto para naman lalong manumbalik ang iyong kabataan... :)


---Alin ang Naiba?---

Alin? Alin?
Alin ang naiba?
Isipin kung alin ang naiba?
Isiping mabuti
Isipin kung alin
Isipin kung alin ang naiba?

O di ba... mega sing ka ngayon... hahaha... feeling mo fresh na fresh ka at batang-bata ang feeling... hahaha... =) Oist.. gumising ka... baka bangungutin ka... hahaha... =)

Anyways, kahit ako... instead na basahin ko ang dalawang kanta sa taas... I can't help it but to sing it... :) Ganun tayo na implewensiya ng Batibot... It was 1984 ng unang lumabas ito sa TV and guess what SESAME ang unang name nito based sa SESAME STREET ng US na later on napalitan ng BATIBOT na ibig sabihin: MALIIT pero MALAKAS... :)

Unang lumabas ito sa RPN 9 Mon-Fri (9:30-10am) take note: that time namamayagpag ang Channel 9 at Channel 13... hehehe... Later on naging palipat-lipat ng Channel.. Naging ABS-CBN at ang huli I think ay sa Channel 7... :)

O heto para mas ma-feel mo ang BATIBOT.. balikan natin kung kilala nyo pa ang mga Characters na ito...

1.) Una na dyan si Kuya Bodjie
2.) Si Ate Sienna na akala ko noon mag-asawa sila ni Kuya Bodjie... hahaha
3.) Sino ang makakalimot kay Kiko Matsing
4.) Ang pagong na naka-cap na si PONG PAGONG
5.) Manang Bola na nagsasabing PERLAS NA BILOG wag patulog-tulog... BA BE BI BO BU... hehehe... :)
6.) Si Kapitan Basa
7.) Ang agila na sa KOKO KWIK-KWAK or si KOKO based sa Philippine Eagle na si Pag-asa
8.) Ang mga aliens na sina SITSIRITSIT at ALIBANGBANG
9.) Magkapatid na si Gingging at Ningning
10.) Irma Daldal na feeling winner lagi... at syempre tandem sila ni DIREK... :) Remember this punchline: DIREK CUT!!! :)
11.) Si Noli de Kasyo based sa TV Patrol na si Noli Boy... :)
12.) Sultan Pachibum na taga solve ng kung anik-anik sa AGAMANYOG... hehehe.

O heto ang ilan sa mga napulot ko sa Internet na mga pictures nila... though di kumpleto pero carry na din para masariwa ang inyong memory... =)Sorry wala akong makitang picture ni Ate Sienna... :)

The LOGO ng BATIBOT


O remember this face... :) KUYA BODJIE


PONG PAGONG


KIKO MATSING


Heto si Irma Daldal


Manang Bola together the Crystal Ball


Ningning & Gingging..

Mga Komento

Sinabi ni keemps
Nasaan na si Ate Sienna?

heto po:
http://www.eventsdotwork.com/team.html
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
kumanta ako hahahaha!

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin