Richard Gear

Sobrang special sa akin ng entry na ito because it speaks about one of the most important person in mylife... (Okay masyadong marami special sa buhay ko pero only few who touches/touched my life..)

The first time I met this guy I thought mag-click agad kaming dalawa... pero it never happened... instead I got closer to another guy... (kwento ko cya sa inyo sa next time...)

Noon we just say hi & hello to each other kasi ba naman he really like to study a lot... you can see him stucked in the main library of our University.. If you open his bag you can see pocket books which were thicker than dictionary... hahaha... And whenever he cracked a jokes... He's the only one who's laughing and everyone are staring at him and asked him: "Bro yun na yun???" As in he really like making jokes na kailangan gamitin ang utak and since wala nga akong utak di ko siya masakyan... Kaya siguro di kami mag-jive that time.

After I finished my college... we go on seperate ways... I worked in Makati then he continued his study... (ahead me ng 1 year to him). I stopped my service to the community for about 6months or 1year ata kasi may mga graveyard sched ako that time. Then God called me once again to serve the community as Servant Leader ng Young Professional and that time he's working in Kamayan/Dads/Saisake as HR Personnel.

On my second term as Servant Leader, he became my co-Servant...Even he's younger than me, he's more matured than me... not with the looks but rather the way he think/thaught about so many things... I remember one time, we both have arguments and I really hate yung sinabi ko ng stop it.. tapos uulit-ulitin pa... ggrrrr... If you know the Chowking in UN Avenue (doon ako halos gabi-gabi that time for meetings... hahaha..) as in hindi pa nagsisimula ang meeting namin... tumakbo ako palabas ng fastfood... bitbit ang bag... at ang nakakatawa... naghabulan pa kami... hahaha... =) ngayon natatawa ako pag-naaalala ko ito pero that time sobrang gusto kong sumabog sa galit... hahaha... =) Pero syempre di nya ako nakita... kasi nagtago ako sa LUNETA... hahaha... =) I switch-off my phone para di nya ako matawagan... When I arrived sa Pantranco para sumakay ng jeep going Cubao (dun me naka-stay before), I called him... at dun ko nakita kung paano cya mag-worried... he kept asking me kung asan na daw ako sunduin daw nya ako... so sabi ko just continue the meeting together with other servants & I said my sorry... (O di ba pwedeng pag-MMK ang drama ko nun... hehehe...) After that incident we become more closer...

Both of us were Servant sa CV at the same time naging active din kami sa PYM (Parish Youth Ministry) so we need to balance our time... I remember after office ko sa Citibank sa San Marcelino ang tuloy ko.. as in araw-araw... minsan na lang ako makauwi ng Batangas that time kaya laging galit na galit si Inay sa akin puro na lang daw simbahan... hahaha... =)

Imagine Monday-Sunday lagi kaming magkasama gabi-gabi... meeting sa Parish... meeting sa CV... planning sa mga activities... as in dun ko nakitang di pala cya boring mag-joke... hahaha... or naging boring lang din ako kaya nasasakyan ko na ang mga jokes nya... hahaha... =)

He taught me how to read more pocket books.. and he's one reason why my room have a lot of books... hahaha... =) Before I really hate the smell of BOOK SALES (ito yung mga 2nd hand na book stall sa SM) para kasing amoy matanda... pero noong tinuruan nya akong mabasa ng books... I can't help it but to love the books... He taught me about the International Bestseller, New York Bestseller at kung anik-anik na seller... He introduced me to the names of John Grisham, Sidney Sheldon, Nicholas Sparks, Dean Koonz, Danielle Steel, JK Rowling, Richard Patterson and so many other names na di naman ako kilala pero sila kilala ko.. hahaha... =)

We normally said our goodbyes around 12midnight or 1am sa Kalaw as in ganun kami oras umuuwi tapos kinabukasan we will meet again.. Ate ko galit na galit sa akin kc kumakatok ako sa bintana para buksan ang pinto... hahaha... =) Sabi nya kailan ba daw ako uuwi ng maaga??? Hindi ko lang masabi sa ate ko na sobrang aga ko na kayang umuwi... hahaha... =)

Pag-di na ako talaga ako makauwi sa Cubao dahil sobrang madaling araw na... I just slept sa kwarto nya... eh dahil me aircon room nya kaya sarap matulog... kasi yung room namin sa Cubao... walang aircon.. hahaha... electric fan lang... pag summer.. jusko... PAWISAN ka sa sobrang init... hahaha... =)

Kilalang-kilala na ako ng mom nya... pati mga kapatid nya... pinaka-bibo sa kanila si Fatima... si Andrew tahimik lang... si Jerome dahil bunso makulet pa cya... hehehe... Pag wala akong damit... kinabukasan damit nya suot ako... hahaha.. and guess what... meron pa siyang damit na nadala ko d2 sa singapore... hahaha... =) [Sorry bro, arbor ko na ito wala ng solian ito promise..]

Ano pa bang mga kabaliwan namin noon??? Both of us love to eat... kahit walang meeting everyday nagkikita kami just to eat dinner.. we both like yung kainan sa baba ng Pedro Gil Station... meron dun kainan ng bulalo... astig.. ang sarap... hahaha... at saka yung karinderia nina Mang Boy sa Zobel... :) I remember one time sobrang lakas ng ulan... imagine both of us galing sa office.. so mega long sleeves pa kami... so kumain muna kami sa may likod ng Robinson's Place... after we ate... medyo umuulan pa ng konti pero dahil sobrang late na... we both ran... at heto ang catch... noong nasa tapat kami ng isang puno... inalog namin ang sanga... eh syempre... pareho kaming basang-basa... hahaha... I ended na umuwi sa kanila... hahaha... =)

He really like to sing... but tell you... the song don't like him... hahaha.. =) The notes are running everywhere... =) but when he dance... Okay... GARY V in the making... hehehe... =)

We got a major fight or should I say, I did something wrong to him... He really don't want to see me at all... as in ganun... pero I insist na we should sit together and talk... Manila City Hall was our witness that time... hahaha... we both sitting sa labas ng City Hall dun sa mga benches... And I said my sorry... He said I'm already forgiven but don't expect our friendship will be the same after that event... I kept crying and I know he don't want me to see crying but I can't control myself, sabi ko nga iyakin ako di ba... hehehe.. :) after I finished, he stood up and said goodbye... Jusko kung merong mga solemn na songs that time baka mapaos ako kaiiyak... hahaha... =)

I thought it's already finished... I think it was Friday night... but on Sunday afternoon.. yun magkasama na naman kami... hahaha... and I thank God kasi we became more closer than I ever taught...

He's the one with me during the search-in in Jesuit Seminary and I can still remember it was last week of January 2004... :)

I left Philippines 2005 with the same promise to each other that we will be friends till our last breath... (O d b ang drama namin.. hahaha...) kasi sabi ko dati friends forever... sabi nya... we cannot be friends forever... kasi when we die... we will meet a lot of angels in heaven and there's no more bestfriends sa langit... so he put until our last breath... and we agreed on that... :)

He graduate Cum Laude and we called him Richard Gear (look the spelling)... bakit nga ba Richard Gear??? sabi nila kamukha daw ni Richard Gere... with his a little bit kinky hair at ang kanyang eyes... mukhang Hollywood actor ang mokong... :)

To Deck Villaruz, you know How much I love you... How much I care for you... How much I miss you... I will keep our friendship till my last breath... Thanks sa lahat... You taught me a lot of things that other people cannot teach me... You show to me the value of serving God and you taught me how to be more closer to God... You're a always be my Kuya Bhe Bhe & hoping you will find your Bhe Bhe soon para me Ate Bhe Bhe na ako... hahaha... =)

Oist, Deck wag masyadong chickboy... hahaha... =) Grabe ka dami-daming sumusulat sa aking babae mo... para tanungin lang ako tungkol sa iyo... lufet mo talaga... hahaha... =) See you this March bro... :)

=============================
Mukhang Bangkero ang mokong ah... :)


Read his shirt... PRAY HARD (he never shy to proclaim the goodness of God... Salute you bro...)


I told you... he really like to sing... but!!! Okay Never mind.. hahaha... :) [kamukha ba ni Richard Gere tlaga???]

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin