Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2016

OLI (Chapter 5)

Chapter 5 Malayo pa lang ay natanaw na ni Trish si Oli na naka-upo sa isang bench. Hindi naman napigilan ni Oli na tumayo hawak ang tatlong piraso ng rosas sabay ngiti sa dalaga. "Hi! Ang aga mo ah!" ang bati ni Trish. "Excited lang!" ang sagot naman ni Oli sabay abot ng mga rosas kay Trish. "Wow. Thank you for this. Nag-abala ka pa." wika ni Trish na may halong ngiti sa kanyang puso. "This is my way to say thank you." wika ni Oli. "Thank you for what? Dapat ako nga ang magpasalamat sa'yo sa pagligtas mo sa akin last time." "Hmm..Thank you for trusting me. Knowing na hindi naman tayo magkakilala pa pero nandito ka at sumama sa akin." wika ni Oli sabay ngiti. "Siguro more on woman's instinct." sabay bawi na ngiti ni Trish. "Ano ba ang instinct mo sa akin?" pabirong tanong ni Oli. "Hmm..Yung enough para pumayag ako sa invitation mo. So saan tayo?" ang mabilis na sagot ni Trish. ...

OLI (Chapter 4)

Chapter 4 "Miss! Miss!" sigaw ng lalaki habang patakbo nitong hinabol si Trish. Morning shift siya ngayon kaya maaga pa siyang nakauwi kahit medyo traffic na din sa daan. Madaming tao sa eskinita kung saan siya bumababa ng jeep araw-araw at nadoon pa din ang mga pedicab na nag-aabang ng mga pasahero. May mga mangilan-ngilang kalalakihan ang humahabol sa kanya ng tingin pero ang iba naman ay kumakaway na lamang sa kanya dahil halos kilala na din niya ang mga tambay sa kanto. Kaya laking gulat nya ng may humahabol at tumawag sa kanya. "Remember me?" sabi ng lalaki habang nakangiti at kitang-kita ang kanyang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Hindi agad nakasagot si Trish. Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking sumagip ng kanyang buhay. Mas gwapo siya ngayon siguro marahil mas maliwag at kita na niya ang kabuaan ng binata. Hindi katulad ng una silang magkita na madilim at nagmamadali siyang umuwi dala na din ng takot. "Oh hi!" maikling sag...

OLI (Chapter 3)

Chapter 3 Ilang araw din halos gabi-gabi naghihintay si Jane sa pagdating ng kaibigan bago ito tuluyang matulog. Sa kabutihang palad naman ay hindi na muling nagpakita ang dalawang lalaki na humarang at kumalakad-lakad kay Trish. Pero kasabay ng hindi pagpapakita ng dalawang lalaki ay hindi na din nakita ni Trish ang anino ni Oli. Noong unang linggo tila may kurot sa puso ni Trish ang hindi nila pagkikitang muli ni Oli. Marahil nandoon ang umaasa siya na magkikita sila ng binata at muling magkakatadupang palad. Siguro sa pagkakataon na iyon ay hindi na siya takot, hindi lang dahil may dalawang lalaking pilit siyang hinihila sa eskinita bagkus ang takot na muling mahulog ang puso niya sa taong magpapasaya sa kanya at bandang huli ay muli siyang paluluhain. Parang kailan lang ang panahon na una siyang nagmahal at umasa sa pang-habang buhay na pagibig. Alam niyang bata pa siya ng mga panahon na iyon pero para kay Trish pagdumating sa buhay mo ang tunay na kahulugan ng pagibig, wal...

OLI (Chapter 2)

Chapter 2 Alas dos na ng madaling araw ay hindi pa din dinadalaw ng antok si Trish. Nakahiga lang siya sa kama at nakitingin sa kisame habang ang kasama naman niya sa kwarto ay nasa kawalan na dahil sa lakas ng hilik nito. Hindi pa din mawala sa kanyang isip ang nangyari sa kanya. Inisip niya, paano kung namatay siya ng oras na yun. Paano na ang mga pangarap niya sa kanyang pamilya. Paano kung wala ang lalaking tumulong sa kanya. Ito ang naglalaro sa isipan ni Trish habang pumapatak ang kanyang mga luha. Tila isang recorded na video na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan sa lahat ng mga pangyayari. Hinding-hindi niya malilimutan ang araw na ito, 14-Aug-2015 ang araw na halos kumitil ng kanyang buhay. Mangilan-ngilang kidlat at tikatik ng patak ng ulan ang madidinig mo sa labas. Patuloy pa din nakatitig si Trish sa kawalan ng kisame ng bigla siyang may nakitang gumalaw sa malapit sa may bintana kasabay malakas ng kulog at kidlat. Hindi na niya napigilan sumigaw ng malakas sa...

OLI

Chater 1 "Trish, meet tayo today? Okay ka ba?" ang sms niyang nareceived mula sa kaibigan. "Naku sorry Faye may pasok ako today. Second shift kasi ako ngayon at may kailangan akong tapusin na mga reports na deadline today." ang sagot ni Trish sa kaibigan. "Ano ba naman yan. May ipapakilala pa naman sana ako sa'yo na boylet." sagot ni Faye. "Hay naku Faye, wala akong time dyan ngayon. Alam mo naman work work work para sa kinabukasan.:)" "Sayang naman. Anyway, one of this day magkita naman tayo. Matagal-tagal na din tayong di nagkikita simula ng lumipat ka dyan sa Espana." "Sige kita tayo soon. Miss you my friend keep safe always and ikumusta mo ako sa bf mo. Sabihin mo sa kanya inggatan ka niya lagi kung ayaw niyang masaktan sa akin.hehehe." ang huling mensahe ni Trish sa kaibigan. Maghahating gabi na ng maka-baba si Trish ng jeep mula sa call center na kanyang pinag-tatrabahuan. Mahirap pag mid-shift na schedule ...