OLI (Chapter 5)

Chapter 5

Malayo pa lang ay natanaw na ni Trish si Oli na naka-upo sa isang bench. Hindi naman napigilan ni Oli na tumayo hawak ang tatlong piraso ng rosas sabay ngiti sa dalaga.

"Hi! Ang aga mo ah!" ang bati ni Trish.
"Excited lang!" ang sagot naman ni Oli sabay abot ng mga rosas kay Trish.
"Wow. Thank you for this. Nag-abala ka pa." wika ni Trish na may halong ngiti sa kanyang puso.
"This is my way to say thank you." wika ni Oli.
"Thank you for what? Dapat ako nga ang magpasalamat sa'yo sa pagligtas mo sa akin last time."
"Hmm..Thank you for trusting me. Knowing na hindi naman tayo magkakilala pa pero nandito ka at sumama sa akin." wika ni Oli sabay ngiti.
"Siguro more on woman's instinct." sabay bawi na ngiti ni Trish.
"Ano ba ang instinct mo sa akin?" pabirong tanong ni Oli.
"Hmm..Yung enough para pumayag ako sa invitation mo. So saan tayo?" ang mabilis na sagot ni Trish.
"Hahaha!!! Okay okay.. I reserved a place sa isang restaurant na view ang Manila Bay and it's perfect time para sa sunset."

Mula sa kinauupuan nilang dalawa, tanaw nila ang paglubog ng araw sa Manila Bay. Parang isang malaking bolang apoy na nakapatong sa tubig nadahan-dahan nagkukubli sa kanluran.

"This is beautiful place Oli. Ang ganda ng sunset. Sa higit dalawang taon ko dito sa Manila ngayon ko lang ito nakita." wika ni Trish habang pinagmamasdan niya ang paglubog ng araw.
"I'm glad you like this place."
"Ang ganda talaga ng sunset. Wala talaga akong masabi."
"Tulad mo. You're so beautiful too." habang nakatitig siya kay Trish.
Natigilan si Trish sa binitiwang salita ni Oli.
"Thank you." ang simpleng sagot ni Trish na halatang nag-blush sa complement ni Oli.
"You really are. And I know whoever your someone in future ay napaka-swerte niya. You're beautiful and yet so simple and humble."
"Naku tama na yan ha. Baka lumutang na ako dito sa upuan ko at hindi mo na ako abutuan paglumipad na ako dito. How about you? Tell me about yourself. Para naman makilala ko ang hero na sumagip sa akin." Ang pabirong sagot ni Trish para malihis ang kanilang usapan.
"Well, I'm just telling the truth." wika ni Oli sabay ngiti. "Anyway, my real name is Oliver Mendez and most of my friends called me Oli. 24 years old and recently graduated with the degree on Economics sa University of Southern California. Yes, I'm balik bayan based sa facial expression mo na puno ng question marks. hehehe. I moved there when I was 16 years kaya I can speak tagalog fluently kasi dito ako sa Pilipinas lumaki. Both of my parents lived in US. I have my sister here in Philippines since nakapag-asawa siya ng maaga bago pa lumabas ang petition papers niya. I have another brother na sunod sa akin and another sister na both living in US. So how about you? Tell me about yourself." tanong ni Oli habang pinagmamasdan niya si Trish.
"Nothing special naman about me. My real name is Trisha Mae Angeles and lahat halos ng kakilala ko Trish lang ang tawag sa akin. I'm the eldest sa family namin, I grew up sa Mindoro and after I graduated from college nakipagsapalaran ako dito sa Manila. I still have three na kapatid na pinag-aaral and currently working as call center agent kaya pa-iba-iba ang schedules ko. I'm 22 years old and currently renting a place sa Espana kasama ng kaibigan kung saan mo ako nakita." ang kwento ni Trish.
"How about boyfriend or someone special?" ang derechong tanong ni Oli.
"I'm here kasama mo for a dinner and I guess it means wala. hahaha." ang pabirong sagot ni Trish.
"Mabuti na yung sure kasi ayaw ko naman na may masaktan ako." wika ni Oli.
"How about you? may girlfriend ka ba sa US or dito sa pinas? or maybe dating someone." ang pabirong tanong ni Trish pero curious na mga tanong.
"Actually, I supposed to meet someone noong day na nagkita tayo. Natakot ata sa akin kaya in the end hindi natuloy and good thing I met you. I called it Destiny ang pagkikita natin. How about you? Bakit wala ka pang boyfriend? Sa ganda mong yan for sure madami ang nakapila dyan na gusto kang makilala." ang pabiro ngunit malaman na sagot ni Oli.
"Nakapila talaga? hahaha! Maybe nagiingat lang ako. I had a boyfriend before and only to find out na niloloko lang pala niya ako. And besides my focus is to help my family."
"Sorry to hear that. Honestly, whoever yung guy na yun for sure nagsisisi yun. Imagine isang katulad mo ang kanyang pinakawalan. And I'm blessed na sumama ka sa date natin." sabi ni Oli habang naka-smile.
"Hmmm..bayad ko ito sa'yo sa pagtulong mo sa akin kaya ako sumama sa'yo. Kaya wag kang mag-assume na date ito." sagot ni Trish sabay tawa kay Oli.
"Hahaha!! Fair enough! Sorry if you find me masyadong presko, it's just I'm really glad na na-meet kita that night."
"By the way, after you helped me that night parang hindi ata kita nakita ulet?" usisa ni Trish.
"Oh I was with my family that time. Umuwi kasi ang buong family ko, so we spent time together. After more than a month they flew back to US. Yung brother ko,  he stayed here and no plans to go back sa US as of now."
"And how about you? Anong plans mo?"
"What do you mean? If I'm moving back sa US? hhmm...depende sa kasama ko today?" ang pabirong sagot ni Oli.
"Ah ganun! Ako pa ang reason?" sabay tawa ni Trish.

Halos mag-ten oíclock na ng gabi ng makadating sina Trish at Oli sa EspaÒa dahil sa haba ng kanilang kwentuhan.

"Thank you for the treat and thank you sa flowers ulet!" wika ni Trish.
"It's really my pleasure Trish to know you more and I hope hindi ito ang last na magkikita tyo. Thank you as well for trusting me na sumama sa akin today."
"Ganun din ako. Anyway, dito na ako salamat sa paghatid ulet."
"Good night and see you again."
"Good night too."

Kumaway si Trish kay Oli hanggang tuluyan itong pumasok ng bahay. Samantalang lumakad na din papalayo si Oli.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin