OLI

Chater 1

"Trish, meet tayo today? Okay ka ba?" ang sms niyang nareceived mula sa kaibigan.
"Naku sorry Faye may pasok ako today. Second shift kasi ako ngayon at may kailangan akong tapusin na mga reports na deadline today." ang sagot ni Trish sa kaibigan.
"Ano ba naman yan. May ipapakilala pa naman sana ako sa'yo na boylet." sagot ni Faye.
"Hay naku Faye, wala akong time dyan ngayon. Alam mo naman work work work para sa kinabukasan.:)"
"Sayang naman. Anyway, one of this day magkita naman tayo. Matagal-tagal na din tayong di nagkikita simula ng lumipat ka dyan sa Espana."
"Sige kita tayo soon. Miss you my friend keep safe always and ikumusta mo ako sa bf mo. Sabihin mo sa kanya inggatan ka niya lagi kung ayaw niyang masaktan sa akin.hehehe." ang huling mensahe ni Trish sa kaibigan.

Maghahating gabi na ng maka-baba si Trish ng jeep mula sa call center na kanyang pinag-tatrabahuan. Mahirap pag mid-shift na schedule dahil pimihadong hating gabi na siya makakarating sa bahay na kanyang inuupahan. Ganun pa man ito ang pinaka-gustong oras ni Trish ng trabaho dahil wala masyado itong traffic at mga taong nagkikipag-siksikan sa jeep.

Higit dalawang taon na din siyang naninirahan sa Maynila pagkatapos niyang makipagsapalaran dito sa lungsod. Nang makatapos siya ng Kolehiyo sa probinsya, hindi na siya nagdalawang isip ng ayain siya ni Faye na subukan ang buhay sa Maynila. Nasabi niya sa sarili na ito ang pagkakataon kung saan pwede na niyang matulungan ang magulang niya para sa pagtataguyod ng tatlo pa niyang kapatid na pawang nag-aaral pa lamang. Sa kabutihang palad naman ay natanggap siya bilang isang sales clerk sa isang cosmetic company at ng kalaunan nakakita siya ng bagong trabaho bilang isang call center agent.

Maganda si Trish. Kayumanging kaligatan ang tawag sa kanya. Mahaba ang buhok na halos 5'8ft ang kanyang taas. Kahit babad sa ilalim ng araw sa bukid, bakas pa din ang kinis ng kutis nito. Bukod sa pantay niyang kulay, kapansin-pansin din ang matangos na ilong at mabibilog at malalaking mga mata.

Noong nasa kolehiyo pa lamang siya, ito halos ang tumulong para makatapos siya ng pag-aaral. Halos lahat ng mga beauty pagent sa kanilang lugar ay kanya sinalihan; kung hindi man siya ang manalo ay nasa top 3 halos siya ng paligsahan. Ang kanyang napapanalunan ay kanyang iniipon para makabayad ng kanyang tuition fee. Ito marahil ang dahilan kaya mabilis siyang nakakita ng trabaho bilang sales clerk ng cosmetic products.

Mula sa kanto kung saan bumababa siya ng jeep, medyo may kalayuan pa ang bahay niyang inuupahan. Tuwing umaga may mga pedicab na pwedeng sakyan pero dahil dis-oras na ng gabi wala ng pedicab na nagaabang sa kanto kaya kailangan niyang maglakad sa gitna ng madilim na eskinita. Katatapos lang umulan kaya naman basa ang kalsada niyang binabagtas. May mangilan-ngilang kahol ng aso ang bumabasag sa katahimikan ng gabi saliw sa tunog ng takong ng kanyang sapatos habang siya ay naglalakad. Isang malamig na ihip ng hangin kasabay ng biglang talon ng pusa mula sa bubong ang halos magpasigaw sa kanya. Hindi niya napiligan mapahawak sa pader ng muntik na siyang madulas dahil sa gulat. Kasabay ng kanyang pagkakagulat napansin niya ang dalawang lalaki na tila sumusunod sa kanya. Bagama't may halong kaba sa kanyang dibdib dahan-dahan niyang inayos ang sarili at patuloy na naglakad na tila hindi niya napansin ang dalawang lalaki. Mga dalawang kanto pa bago siya makadating kanyang tinutuluyan ng napansin nyang halos na sa likod na niya ang dalawa kaya naman napatakbo siya. Pero anong bilis man ng kanyang takbo inabutan siya ng dalawa at pilit siyang hinila sa gilid ng eskinita. Pilit siyang sumigaw para humingi ng tulong pero tila walang kahit anong boses ang lumabas sa kanyang bibig. Samu't-sari ang naglalaro sa isip niya ng mga oras na yun at tila hindi nya alintana ang paghila sa kanya ng dalawang lalaki.

"Ito na ba ang katapusan ko?"
"Paano na ang pamilya ko?"

Pilit siya kumakawala sa dalawang lalaki ngunit malakas ang mga ito. Tila walang nakakadinig sa kanya habang patuloy siya sa kanyang pagsigaw at pagpatak ng kanyang mga luha. Tanging dasal na lang ang kanyang nasambit habang hinihila siya ng dalawang lalaki.

"Panginoon tulungan mo po ako!"

Mula sa likuran ng isang lalaki, isang malakas na suntok ang gumulat dito na nagpabitaw sa pagkakapit nito kay Trish. Hindi na nakabawi ang lalaki sa inabot nitong suntok sa mukha kasabay ng tadyak sa tagiliran at tuluyan na itong kumaripas ng takbo. Samantalang ang isa nitong kasama ay hindi na din alam ang gagawin sa pagkagulat kaya minabuti na lang nitong tumakbo kasunod ng kasama nito.

Nakaupo sa Trish sa kalsada habang inaayos ang sarili. Umiiyak siya pero hindi niya dapat ipakita na takot siya. Patago niyang pinahid ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

"Miss okay ka lang ba?" ang wika ng lalaki habang inaabot nito ang kamay sa dalaga para tulungan.
"Okay lang ako." ang maikling sagot ni Trish habang tumayo siya na mag-isa at pinagpag ang dumi sa kanyang suot.
"Oli pala ang pangalan ko!" sambit ng lalaki habang inabot nito ang kanyang kamay para pormal na magpakilala.
"Salamat sa tulong ha!" ang tanging sagot ni Trish sabay abot ng kamay nito. Nagulat siya dahil malamig ang kamay ni Oli. Siguro marahil dala ng lamig ng panahon.
"Ihatid na kita. Dito ka lang ba nakatira?" ang sabit ni Oli.
"Naku 'wag na! salamat na lang, siguro naman hindi na ako babalikan ng dalawang yun. Salamat ulit ha!" ang tanging wika ni Trish habang lumakad siyang papalayo.

Madilim man ang gabi pero bakas ang kagwapuhan ni Oli. May taas halos na 6'0ft at bakas ang ganda ng hubog ng katawan nito dahil sa suot nitong slim-fit na  puting t-shirt at pantalon na maong. Matangos ang ilong at ng ngumiti ito kay Trish tanaw niya ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.

May kilig na kumurot sa puso ni Trish ng magdaop ang kanilang mga palad, pero para sa kanya hindi ito ang tama kaya minabuti niyang huwag ng magpahatid kahit puno siya ng takot at pangamba ng mga oras na iyon.


itutuloy...



#oli
#dramarama
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin