OLI (Chapter 2)
Chapter 2
Alas dos na ng madaling araw ay hindi pa din dinadalaw ng antok si Trish. Nakahiga lang siya sa kama at nakitingin sa kisame habang ang kasama naman niya sa kwarto ay nasa kawalan na dahil sa lakas ng hilik nito. Hindi pa din mawala sa kanyang isip ang nangyari sa kanya. Inisip niya, paano kung namatay siya ng oras na yun. Paano na ang mga pangarap niya sa kanyang pamilya. Paano kung wala ang lalaking tumulong sa kanya. Ito ang naglalaro sa isipan ni Trish habang pumapatak ang kanyang mga luha. Tila isang recorded na video na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan sa lahat ng mga pangyayari. Hinding-hindi niya malilimutan ang araw na ito, 14-Aug-2015 ang araw na halos kumitil ng kanyang buhay.
Mangilan-ngilang kidlat at tikatik ng patak ng ulan ang madidinig mo sa labas. Patuloy pa din nakatitig si Trish sa kawalan ng kisame ng bigla siyang may nakitang gumalaw sa malapit sa may bintana kasabay malakas ng kulog at kidlat. Hindi na niya napigilan sumigaw ng malakas sa kanyang pagkakagulat. Pero ang higit niyang ikinagulat ay ang pag-alog sa kanya ng kasama niya sa kwarto.
"Hoy okay ka lang? Trish, gumising ka dyan! Mukhang nanaginip ka ah!" ang wika ng kasama niya sa kwarto.
"Nanaginip lang ba ako? Akala ko kasi may tao dyan sa may bintana!" wika ni Trish na halos hinahabol ang kanyang hininga.
"Kung ano-ano kasi ang mga pinapanood mo kaya puro mga nakakatakot ang pumapasok sa panaginip mo. Matulog ka na ulet. Alas kwatro na ng madaling araw, mamayang konti papasok na naman ako." ang wika ng kasama niya.
Pinilit pa niyang pumikit pero tila mailap ang tulog sa kanya ngayong araw na ito. Ng matapos maligo ang kasama niya sa kwarto. Sumabay na din siyang lumabas ng kwarto at nagpainit siya ng mainit na kape.
"Mars, kaloka ka! Mukha kang zombie ngayon! May nag-complaint ba sa'yo kahapon sa trabaho at mukha kang di nakatulog ng maayos?" ang wika ni kaibigan.
Bagama't sa bahay lang na iyon sila nagkakilala ay madali naman nagkahulugan ng loob si Trish at Jane. Marahil bukod sa pareho silang lumaki sa probinsiya at alam nila ang kahulugan ng salitang HIRAP kaya kahit bago pa lang silang nagkakilala ay nagkasundo na agad sila.
"Wala Mars, okay naman ako sa trabaho kaso kagabi muntik ng may nangyaring masama sa akin." ang bungad ni Trish sa kaibigan na siya naman nitong ikinagulat.
"Oh Emmm Geee Trish anong nangyari sa'yo?" sabay upo nito sa table kung saan nakaupo si Trish habang umiinom ito ng mainit na kape.
"Sa may babaan ng jeep kagabi ay may dalawang lalaki na pilit ako kinaladkad at gusto ata akong halayin."
"OMG! Trish bakit di mo ako sinabihan kagabi? Okay ka lang ba? May nangyari ba? Namukhaan mo ba ang mga hayup na yun? Ipa-barangay natin." Ang mga sunod-sunod na wika ng kaibigan.
"Okay naman ako. Buti walang nangyari sa akin. Akala ko nga katapusan ko na yun. Akala ko ngayon headline na ako sa Bulgar." sabay ngiti sa kaibigan habang pinipilit nitong mag-biro.
"Gaga ka! Paano ka nakatakas sa mga hayup na yun? May mga tanod ba kagabi?" ang usisa ng kaibigan.
"May tumulong sa akin na lalaki." ang maikling sagot ni Trish.
"Wait... wait... wait... as in boyletz? as in fafable? as in your knight with shining armour? GANETCH?" ang makulit na tanong ni Jane.
"Oo, pero hindi naman kami nag-usap. I told him na salamat sa pagtulong niya ang that's it pancit. iniwan ko ang lolo mo sa labasan dahil sa aking shokot!" mabilis na sagot ni Trish.
"Gaga! ULAM NA neng pinakawalan mo pa!!! Jusme ako nga halos bawat sulok ng kanto dito sa lugar natin pati mga malls tinambayan ko na eh wala pa din kumakagat sa beauty ko.. maliban naman sa mga lamok at surot! samantalang ikaw halos ma-cher-cher ka na sa kanto eh nakakabinggit ka pa ng ulam... GANDA mo neng!!! ang haba ng buhok!! ganun? Rumarapunzhel ang peg? may kulot pa sa dulo ang hair mo bakla!!" sabay ngiti sa kaibigan.
"Gaga, hindi ko naman ginusto ko yun noh! eh what if wala si Oli kagabi oh eh di sa kangkongan mo na ako pupulu..." tila natigilan si Trish ng nabanggit nya ang pangalan ni Oli.
"WAAAAAAAAAiiiiiiITTTTTT!!! as in isang malaking wait!!! OLI??? as in OLI?? me ganun? me name na ang boylet? Ang babaeng muntik na ma-cher-cher nakabinggit ng OLI? Kaloka ka gurl. So tell me about Oli?" na halos hindi tumigil sa pangungulit si Jane. "Gwapo ba siya? hunk-able ba ang lolo mo? Materyales Fuentes ba?"
"Jusme Jane, kaloka ka ha... sa halip na ako ang center of attention mo napunta sa boylet. Akala ko pa naman kaawaan mo ako.. as in ganun factor pero mas excited ka pa kay Oli." wika ni Trish habang naka-ngiti sa kaibigan.
"Ano ka ba Mars, syempre ikaw ang concern ko pero pag may boyletz na... sorry naman neng pangarap na bituin ko yan.. na feeling ko lahat na ng bituin sa langit ay magiging supernova hanggang mawala eh wala pa din ang boylet para sa akin." Ang wika ng kaibigan habang excited ito sa kwento ni Trish.
"Oh well, sabi ko nga sayo hindi naman kami nagkausap ni Oli kasi nagmamadali akong umalis sa takot. And besides hindi ko naman alam kung taga saan siya." sambit ni Trish.
"Kaloka ka gurl... alam mo kung di lang ako mala-late na sa trabaho hu-huntingin natin yang Oli na yan sa kanto para makilatis natin.Pero in the meantime magtrabaho muna ako at ikaw naman, matulog ka muna since mamaya pa ang pasok mo kung ayaw mong lumutang sa work mo later." wika ni Jane sabay ayos ng sarili.
Minamasdan lang ni Trish si Jane habang nag-aayos ito ng sarili. Habang walang tigil sa pagdaldal si Jane tila wala namang nadidinig si Trish. Parang ang buong paligid niya ay dahan-dahan lang gumagalaw habang bumalik ang alaala niya ng hawakan niya ang malamig na kamay ni Oli. Sandaling pagkakataon pero sa tuwing maaalala niya ay parang wala itong katapusan. Kahit madilim ang paligid nababanaag pa din ang kakisigan ni Oli. Tila muling nanumbalik ang ngiti ni Trish sa kanyang mukha ng walang anu-ano ay...
"Oi girl! me ganung factor? tulala moment with close-up smile ang peg?" wika ni Jane.
"Ay sorry, may naalala lang ako." ang mabilis na sagot ni Trish.
"whoah! the who ang naalala mo at napangiti sa'yo? Si Oli ba yan?" biro ng kaibigan.
"Gaga, bakit ko naman siya maaalala eh di ko naman siya kakilala."
"Oh well, late na ako gurl at kailangan ko ng umalis. By the way, mamayang gabi pag-pauwi ka na i-text or miss call mo ako pag malapit ka na sa kanto para kahit paano matanawan kita or if ever salubungin kita doon." wika ng kaibigan na tila concern.
"Wow! thank you Mars! huwag kang mag-alala if ever walang tao sa labasan I will call you pero pag may tao pa... keribells lang." sagot ni Trish.
"Anyway, just let me know pagpauwi ka na. See you later at balikan natin yang Oli na yan." wika ni Jane habang nagmamadali itong lumabas ng bahay.
Bumalik sa pagkakahiga si Trish ng umalis na si Jane. Mabuti na lang kahit nakainom siya ng kape ay natulog pa siya. Siguro marahil dala ng pagod at kulang sa tulog kaya kahit kape ay hindi na umepekto sa kanya.

itutuloy...
#oli
#kwen2niernie
#dramarama
Mga Komento