OLI (Chapter 4)

Chapter 4

"Miss! Miss!" sigaw ng lalaki habang patakbo nitong hinabol si Trish.

Morning shift siya ngayon kaya maaga pa siyang nakauwi kahit medyo traffic na din sa daan. Madaming tao sa eskinita kung saan siya bumababa ng jeep araw-araw at nadoon pa din ang mga pedicab na nag-aabang ng mga pasahero. May mga mangilan-ngilang kalalakihan ang humahabol sa kanya ng tingin pero ang iba naman ay kumakaway na lamang sa kanya dahil halos kilala na din niya ang mga tambay sa kanto. Kaya laking gulat nya ng may humahabol at tumawag sa kanya.

"Remember me?" sabi ng lalaki habang nakangiti at kitang-kita ang kanyang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.

Hindi agad nakasagot si Trish. Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking sumagip ng kanyang buhay. Mas gwapo siya ngayon siguro marahil mas maliwag at kita na niya ang kabuaan ng binata. Hindi katulad ng una silang magkita na madilim at nagmamadali siyang umuwi dala na din ng takot.

"Oh hi!" maikling sagot ni Trish. Pilit niyang itinatago ang kaba pero pakiramdam niya ng mga oras na lalabas ang puso niya sa kanyang dibdib.
"I hope you still remember me. Oli! Remember?" sabay ngiti nito sa dalaga.
"Oo naman. Sino bang makakalimot sa taong tumulong sa akin. It's more than a month na but I can still remember yung gabi na muntik ng may mangyari sa akin."  sabay ngiti ni Trish kay Oli.
"Thank God! Akala ko nakalimutan mo na ako. I'm so sorry pero di ko nakuha ang name mo that night. If it is okay kung malaman ko ang name mo at kung wala naman magagalit." wika ni Oli.
"Oh so sorry. I know medyo rude ako that night sobrang takot lang talaga ako that time. Trish nga pala."
"Oli ulet." sabay abot ng kamay ni Trish na parang may kuryenteng tumakbo sa buong katawan niya ng muling lapat ang kanilang mga kamay.

Ilang mga taong tumitingin sa kanilang dalawa habang nag-uusap, marahil ngayon lang nilang nakita si Trish na may kasamang lalaki.

"You don't mind if I invited for a dinner?" aya ni Oli.
"Naku wag na, yung kasama ko sa house nag-luto na at hinihintay na din niya ako."
"Ganun ba? Sayang naman. So siguro naman okay lang if ihatid kita kahit sa bahay nyo." ani ni Oli sabay ngiti nito.
"Ikaw ang bahala." sagot ni Trish habang bumawi siya ng ngiti sa binata.

Halos wala sila masyadong napagku-kwentuhan at heto na agad sila sa tapat ng bahay na inuupahan ni Trish.

"So paano, andito na ako. Thank you ulet for saving my life last time and paghatid today." Ang wika ni Trish.
"No problem at all. Are you sure na ayaw mong mag-dinner today?" pilit ni Oli habang maka-ngiti ito.
"No thanks talaga. Maybe next time!" wika ni Trish.
"Oh sinabi mo yan ha. How about tomorrow? Don't worry hindi kita sisingilin sa pagligtas ko sa'yo last time. My treat!" pabirong wika ni Oli.
"Hahaha... kahit singilin mo ako sa paglitas mo sa akin last time wala din akong ibabayad." sagot ni Trish habang hindi na niya napigilang matawa sa biro ng binata.
"Oh dahil dyan, a date will be enough payment." Sabay tawa ni Oli.
"Okay sige na, let's meet bukas sa MOA around 5pm? doon sa may alfresco na area in between ng supermarket.Okay ba sa'yo?" sagot ni Trish.
"Great! no problem at all." wika ni Oli na halatang di niya mapigilan ang saya.
"Okay sige. Kita na lang tayo bukas. Thank you ulet." wika ni Trish sabay pasok sa bahay.
"Thank you too and see you tomorrow." ang masiglang wika ni Oli.

Hindi na napigilan ni Trish ang saya ng makapasok siya sa pintuan ng bahay na siya namang ikinagulat ni Jane.

"Aaahhhhhhhh!" ang pigil na pasigaw ni Trish.
"Woah! anong meron 'teh at masayang masaya ka? Nanalo sa Lotto?" ang usisa ni Jane habang nakangiti ito sa kaibigan.
"Oh My God!Oh My God!Oh My God! Bumalik siya."
"Oh my!!! si boylet? asan na?" wika ni Jane at dali-daling binuksan ang pinto.
"Wala na siya. Umalis na." wika ni Trish habang nakangiti.
"Di mo man lang ako ipinakilala?" wika ni Jane habang tinitingnan nito sa labas ng bahay.
"Sorry gurl di ko na naisip." paumanhin ni Trish sa kaibigan.

Halos abutin silang dalawa ng alas-onse ng gabi bago nakatapos maghapunan dahil sa kanilang kwentuhan.

"Naku gurl, 11pm na pala. Time to rest na at maaga pa bukas. Basta enjoy your date bukas at huwag munang isuko ang Bataan. Hindi porke't mabait ang unang ipinakita sa'yo eh mabait na forever. Know him first okay? O siya nagiging manang na naman ang lola mo sa mga sermon. Night Trish." ang mahabang sermon ni Jane sa kaibigan.
"Thank you Jane sa mga reminders. I really appreciate it. Hayaan mo walang suko ng Bataan hanggang walang sakalan este kasalan. hehehe.." ang pabirong sagot ni Trish.

Matapos ayusin ang kanilang pinagkainan ay namahinga na din si Trish. Pinagmamasdan niya bawat galaw ng kurtina saliw sa banayad na ihip ng hangin at ingay sa kapitbahay habang siya ay nakahiga sa kanyang kama. Hindi mapawi ang ngiti sa kanyang labi sa nangyari ngayon araw na ito. Matapos ang higit isang buwan at halos maka-move-on na siya kay Oli heto na naman ang binata at muling nagbabalik. Masaya siya sa muling pagpapakita ng binata pero nandoon pa din ang kaba sa kanyang puso. Hindi niya tahasang kilala ang binata pero siguro naman pagkatapos ng kanilang pagkikita bukas ay magkakaroon siya ng mas panatag na kalooban.

Umikot siya ng konti sa kanyang pagkakahiga sa kama para ayusin ang sarili at tuluyang magpahinga pero may nakita siyang tao na nakatayo sa may malapit sa kurtina. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kitang kita nya ang anino nito dahil sa ilaw sa may labasan. Bigla siyang tumayo para gisingin ang kaibigan pero parang ang bilis ng mga pangyayari. Nawala ang anino sa may bintana. Sinampal-sampal niya ang sarili baka sakaling magising siya kung siya man ay nanaginip lamang. Pero walang nangyari, gising siya at hindi siya nanaginip.Paulit-ulit niyang tiningnan ang parte kung saan niya nakitang may nakatayo pero wala na ito at hindi na muling nagpakita. Hindi na halos niya namalayan na natulog na siya dala na din ng antok at pagod.

itutuloy...

#oli
#kwen2niernie
#dramarama

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin