OLI (Chapter 3)
Chapter 3
Ilang araw din halos gabi-gabi naghihintay si Jane sa pagdating ng kaibigan bago ito tuluyang matulog. Sa kabutihang palad naman ay hindi na muling nagpakita ang dalawang lalaki na humarang at kumalakad-lakad kay Trish. Pero kasabay ng hindi pagpapakita ng dalawang lalaki ay hindi na din nakita ni Trish ang anino ni Oli.
Noong unang linggo tila may kurot sa puso ni Trish ang hindi nila pagkikitang muli ni Oli. Marahil nandoon ang umaasa siya na magkikita sila ng binata at muling magkakatadupang palad. Siguro sa pagkakataon na iyon ay hindi na siya takot, hindi lang dahil may dalawang lalaking pilit siyang hinihila sa eskinita bagkus ang takot na muling mahulog ang puso niya sa taong magpapasaya sa kanya at bandang huli ay muli siyang paluluhain.
Parang kailan lang ang panahon na una siyang nagmahal at umasa sa pang-habang buhay na pagibig. Alam niyang bata pa siya ng mga panahon na iyon pero para kay Trish pagdumating sa buhay mo ang tunay na kahulugan ng pagibig, wala sa edad ito bagkus kung ano ang nilalaman ng puso ng bawat isa. Mula sa kanyang kinauupuang silya sa may bintana, parang hinila muling pabalik ang kanyang alaala ng panahong magkasama pa sila ni Billy.
"Happy Anniversary my love!" ang malambing na bati ni Billy kay Trish habang inaabot nito ang bouquet ng mga bulaklak.
"Happy Anniversary too my love! Sobrang happy ako for having you." ang sambit naman ni Trish.
"Ako din ay sobrang happy for having you, hindi lang today but forever and ever." ang sagot ni Billy sabay yakap sa kasintahan.
Engineering ang course ni Billy samantalang Commerce naman si Trish. Third year si Trish at fourth year naman si Billy ng maging official silang magkasintahan. Achiever si Billy at running for Cum Laude. Ganun pa man kahit pareho silang abala sa kanilang kani-kanilang kurso ay hindi pa din nila na papabayaan ang kanilang relasyon.
Sa murang edad ni Billy pasan na niya ang responsibilidad ng pamilya ng mamatay ang ama nito na nagta-trabaho bilang Engineer sa ibayong dagat. Sa simula ay hindi pa nila ramdam ang hirap dahil sa benepisyong natanggap nila mula ng ahensya kung saan nagtrabaho ang ama. Pero sa di kalaunan ay halos naubos na din ito dahil sa gastusin nila sa pang-araw-araw na buhay. Kaya habang nag-aaral minabuti na ni Billy na mag-trabaho bilang working student.
Gwapo si Billy. Sa katunayan isa siya sa may madaming taga-hanga sa kanilang campus. Matangkad, matalino, at higit sa lahat malambing lalo na pagdating nito kay Trish kaya madaming babae ang inggit na inggit kay Trish pag nakikita silang naglalakad sa school quadrangle na magkasama.
Simple ang mga plano nila ni Billy. Ang makatapos ng pagaaral, magkapag-trabaho, maka-ipon ng sapat ng maka-pagsimula silang dalawa at pakasal pagkatapos ng mga limang taon. Wala naman problema sa kanilang pamilya, sa katunayan parehong boto ang kani-kanilang pamilya sa isa't-isa. Kaya laking gulat ng lahat ng isang araw umuwi si Trish ng umiiyak.
"Trish, may problema ba sa school?" Ang mahinahong tanong ng ina nito.
"Wala po!" habang patuloy ang pagtulo ng luha nito.
"Oh wala naman pala. Anong problema mo? Si Billy ba?" Ang usisa ng ina.
"'Nay si Billy po meron na pong iba." at tuluyang umiyak si Trish sa ina.
Ilang buwan na lang at pareho na silang mag-gradute ng Kolehiyo sa kani-kanilang kursong kinukuha. Kaya kahit mahirap kay Trish pinilit niyang ipakita sa lahat na she's okay. Marami ang bulong-bulungan sa school lalo na't marami ang nakakakilala sa kanilang dalawa. Nilunok na lang ni Trish ang kanyang pride para hindi maapektuhan ang kanyang pag-aaral. Para sa kanya pagkatapos ng ilang buwan aalis na siya sa school at hindi na muli siyang makikita ng mga tao doon.
Sa tuwing makikita ni Trish si Billy, ang dating puno ng pagmamahal ay napalitan lahat ng galit. Lahat ng pangarap nilang dalawa sa buhay ay gumuho sa kanyang harapan ng aminin ni Billy na hindi na siya mahal nito. Isang babae ang kanyang nakilala sa Maynila ng minsan itong ipadala ng kanilang school para sa Regional Conference. Mula sa simpleng patagong text nilang dalawa hanggang minsan itong mag-text kay Billy at hawak ni Trish ang telepono nito.
"I miss you babe!"
Simpleng sms pero pakiramdam ni Trish ng mga oras na yun ay tumigil ang kanyang paligid at dahan-dahan siyang pinapatay hanggang malagutan siya ng hininga. Pilit na itinanggi ni Billy ang mensahe pero sa huli ay inamin din nito. Gusto niyang sampalin at magbitiw ng masasakit na salita pero hindi niya maagawang saktan ang taong una niyang minahal. Umalis siyang umiiyak at pilit siyang pinigil ni Billy ngunit para sa kanya ang lahat ng sa kanila ay tapos na. Mabuti pang umalis bago pa tuluyang mawala ang lahat ng respeto niya kay Billy.
Ng makatapos sila ng college at inaya si Trish ni Faye na mag-trabaho sa Maynila ay hindi na siya nagdalawang isip.
Mula sa kanyang pagkaka-upo sa may bintana, hindi niya napigilang lumuha ng maalala niya ang mapait na kabanata ng kanyang buhay pag-ibig.
"Ay drama-rama sa hapon lang ang ating peg natin ngayon? With matching teary eye ang effect? ganetch?" Ang bungad ni Jane na bumasag sa kanyang pagmumuni-muni.
"Gaga! Ganun talaga pag-artista dapat may emote moment, hindi lang basta-basta acting dapat with CRYola. hashtag whogoat!" Ang pabirong sagot ni Trish sa kaibigan saka sila sabay tumawa ng malakas.
itutuloy...
#oli
#kwen2niernie
#dramarama
Mga Komento