Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Pamayanan sa paligid ng Mababang Paaralan ng Laurel (tanong 1985-1990)

Paalala: Ang inyo pong mababasa ay may konting kahabaan, maaring hindi inyo ito magustuhan pero yung mga taong naranasaan ito sa kanilang buhay alam ko matutuwa sila.  Pag-iniisip ang 1985, parang kailan lang, pero pag-binilang ko, OMG!!! 30-35 years ago na pala yun!!??? Ang bilis-bilis ng panahon. Matanda na talaga ako. hahahaha!! Anyway, ngayong araw na ito, iguguhit ko sa inyong isipan ang hitsura ng pamayanan sa paligid ng mababang paaralan ng Laurel (Tanauan, Batangas) noong taong 1985-1990 (higit-kumulang). Gusto kong ikwento ang lugar na ito dahil balang araw makakalimutan ng madaming tao ang hitsura ng lugar dahil sa lahat ng mga pagbabagong nagyayari sa paligid nito. Minsan iniisip ko kung ano ang hitsura ng lugar namin noon 1900, wala naman akong makitang larawan o kahit anong nailathala kaya sisimulan ko sa panahon na aking naaalala para pagdating ng panahon may babalikan ang mga tao. Halina't samahan ninyo akong magbalik tanaw sa baryo ng aking kinalakhan. Sis...

Ugat ng lahat ng kasamaan

Noong bata pa ako laging kong nadidinig na ang pera daw ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo. Kasi pag may pera ka magagawa mo ang lahat ng gusto mo: ang luho, ang pagiging ganid o makasarili, mapagmataas, at kung anu-ano pa. Totoo naman di ba? Minsan ang tao pag naging mayaman o mapera nagbabago talaga ang ugali, marahil sumasabay sila sa agos ng buhay. Noong mga nag-daang buwan, ewan ko pa parang hindi ito mawala-wala sa isip ko. Pakiramdam ko kasi sa panahon natin ngayon hindi na pera ang ugat ng lahat ng kasamaan. Marami na tayong nakikita o kilala na mayaman na ginamit ang kanilang pera para makatulong sa mga mahihirap, tumutulong para sa komunidad, tumutulong para mapa-angat ang estado ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kakulangan ng pang-matrikula, pagbibigay ng mga aklat o computer para sa mga eskwelahan na hindi nabibigyang pansin ng gobyerno, may mga NGOs tayo para sa pagpapatayo ng mga bahay ...

Tiwala at Pag-asa

Ika-tatlo ng Agosto, araw ng Sabado ng lisanin ko ang bansang Singapore na naging tahanan ko sa loob ng higit labing apat na taon. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, kasama ang mga malalapit na mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay kahit sa huling sandali ay hindi nila ako iniwan. Lungkot at takot ang bumabalot sa akin ng mga oras na iyon. Lungkot dahil iiwan ko ang madaming taong naging malaking bahagi ng aking buhay at higit sa lahat ang aking pamilya. Hindi ko maiwasang pumatak ang mainit luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Pero kailangan kong magpakatatag. Ito ang laban na hindi kailangang sumuko. Takot ako noong mga panahon na iyon dahil makiki pagsapalaran ako sa bansang hindi pa nakakatuntong ang aking mga paa at hindi ko alam kung ano ang naghihitan. Pero mabait ang Diyos dahil may mga kaibigan akong naghihintay sa aking pagdating.  Umaga ng ika-apat ng Agosto ako dumating sa New Zealand. Maulan at malamig ang klima. Ibang-iba sa Singapore n...

Silid Tulugan

Magisa lang ako sa bahay ngayon.  Habang ako ay nakahiga sa kama at pinagmamasdan ang apat na sulok ng kuwarto kung saan ako namamalagi ngayon, biglang bumalik ang aking ala-ala noong aking kabataan. Malilimutan ko ba ang hitsura ng aming higaan noong ako'y musmos pa lamang? Kahit baligtarin ko man ang mundong aking ginagalawan, hinding-hindi ko malilimutan ang panahong nakahiga ako sa aming mumunting bahay. Samahan ninyo akong silipin ang silid ng aking kamusmusan. Pagpasok mo sa loob ng aming tahanan, ang una mong mapapansin ay ang sahig na lupa at may konting semento na tumigas dahil sa pinaghaluan ng semento para sa dingding. Sa tuwing tag-araw, ang sahig namin ang aming laruan. Nakaupo sa alikabok na wala kaming pakialam na kahit gaano pa ito kadumi. Sa pagsapit ng tag-ulan ay putik naman ang naghihitay.  Dalawa hanggang tatlong hakbang at mahahawakan mo na ang hagdan paakyat ng bahay. Hindi ko ito malilumutan dahil sa hagdan na ito marami mga bagay ang na...

Kung ako'y isang halimaw gusto kong maging?

Lahat halos ng tao sa mundo gustong maging super hero or should I say may ina-idolized na super hero.  Kanina I watched Spiderman sa halagang NZD20.00. hahahaha.. Jusme ang mahal ah!! gusto kong sabihin na hindi po balcony ang gusto ko kaso walang teller eh.. machine lang lahat... hahahahaha.. Oh well siguro kaya ito ang entry ko today dahil sa inspiration ko kay Spiderman... inspiration daw oh... hahahahaha... LOL!!!  maisama lang sa entry ang Spiderman talagang i-nintro ko pa davah... to think ang kwento ko naman talaga ay tungkol sa halimaw. hahahahaha.. :D Anyway, forget the super heroes marami ng may gusto sa kanila. So today, kung ako'y magiging isang halimaw gusto kong maging isang.............. tsaran!!!!!! KABOOMM!!! POW!! ZAP!!! KABOOMM!!!!!!!! isang MANANANGGAL!!! hahahahahaha!!! wag kayong ano dyan for sure pag nalaman nyo ang mga reasons ko baka manananggal na din ang gusto nyo paglaki nyo! hahahaha. Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging manan...

Isang Linggo sa Ilalim ng Mundo

Heto na! Heto na! at naka-isang linggo na ang inyong lingkod sa ilalim na mundo. Opo nasa ilalim ako ng mundo ngayon nakatira as in literal na nasa ilalim ng mundo. LOL! Nakakatuwa dahil sa loob ng isang linggo ang dami-dami ko ng nagawa or should I say na pasyalan. LOL!!! Salamat sa keneksyen (koneksyon lang yan.. umaarte ng kasing magsalita.. you know, i already have accent... charot!!! hahahaha...) Anyway, marami akong napansin sa loob ng aking isang linggo dito sa NZ.  Friendly ang mga tao. If bibigyan ng award ang mga tao dito (in general) Congeniality ang perfect sa kanila. Even naglalakad ka lang sa kalsada, they will say good morning or hey how are you. Oh syempre aarte pa ba ako? Syempre smile and wave ang peg ko. LOL!!! Or khit tatawid ka ng kalsada, they normally stop and ma-wave pa sila sa'yo for you to cross the street. hehehe!!! 4 seasons in one day. Yes it's true. Akala ko dati joke joke lang, totoo nga. hahahaha.. yung ang init-init, tapos biglang uulan o...