Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2021

Ang Istorya ng aming buhay

Paano nga ba ang mangarap at mag tagumpay sa gitna ng kahirapan? Ito ang ilan sa mga katanungan namin na parang walang kasagutan noong mga panahong yaon. Hayaan ninyo ibahagi ko sa inyo ang kwento na aming pamilya. Ano ba ang naging sangkap kung paano kami nakaahon sa hirap ng buhay. Isinilang at lumaki kami sa maliit na barangay na kung tawagin ay Laurel sa pagitan ng dalawang Ulango (Tanauan at Calamba). Payak at masaya, masarap na mahirap, malungkot na masaya, pero kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay namin lalaban kami at tatayo na taas noo dahil alam namin na wala kaming inaapakan na tao. Buklod ng pamilya ang naging susi ng aming tagumpay, sa kadahilanan ng isang paniniwala ng aming mga magulang na ang pagsama-sama ng mga pusod namin ay magsisilbing alala na hindi mawawala o mapuputol ang pagmamahalan at koneksyon ng buhay namin sa isa’t isa, respeto at pagmamahalan sa kapwa at higit sa lahat may takot sa Diyos. Hindi naging mabait ang tadhana sa amin noong nagsisimula pa l...

No Title

 Dumarating tayo sa punto ng ating buhay na minsan hindi natin alam kung saan tayo patungo. Marami tayong mga tanong na kadalasan walang kasagutan. Marami tayong mga dasal na kadalasan ay tila bingi ang langit at tila hindi nadirinig ang bawat usal na ating panalangin. Panahong gusto mong ngumiti pero luha'y patuloy ang patulo sa iyong mga mata. Panahong nangangarap ka na may kausap pero tila lahat ay abala at walang panahon sa'yo. Panahong yung mga taong iyong pinakatiwalaan ay sila pa ang yuyurak sa iyong pagkatao at dangal at sisira ng iyong tiwala.  Kaibigan, hindi sa lahat ng panahon ay laging sumisikat ang araw. Dumarating ang araw na ito ay lulubog at muling magkukubli at babalutin ng dilim ng gabi. Ngunit hindi nangangahulugang ang dilim ng gabi ang katapusan ng lahat, bagkus ito ay nagpapaalala sa atin na sa bawat dilim o pagsubok sa buhay ay muling darating ang panibagong araw; ng panibagong pag-asa. Alam ko sa panahon ngayon marami tayong agam-agam sa buhay, maramin...

Lutrina

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kinalakhang mga tradisyon kahit pa sabihin natin na makabago na ang panahon ngayon ang mga bata ay may kanilang tradisyon na balang araw ay kanilang ikukwento sa mga susunod na henerasyon, maaring hindi katulad ng tradisyon na aking kinalakihan pero alam kong darating ang araw na ipagmamalaki din nila ang kanilang panahon o di kya sasabihin nilang: Noong panahon namin... blah! blah! blah! Dahil sa sunod-sunod ang mga kalamidad, digmaan, sakuna, mga sakit na kumikitil ng maraming buhay, at kung anu-ano pa; biglang sumagi sa aking isipan ang isang tradisyon na aking kina-gisnan. Lumaki ako sa baryo na kung saan ang pagbubukid ang pangunahing pinagkukunan ng aming ikinabubuhay, pero hindi tulad ng karaniwang magbubukid, kami ay umaasa sa bawat patak ng ulan dahil wala sa aming irigasyon ng tubig. Alam ng mga magsasaka kung kailan uulan at kung kailang aaraw dahil noon ay wala naman kaming "Weather app" na pwedeng magsabi sa amin kung ano an...

Labadami Labango

Naalala ko dati noong bata pa lang ako walang washing machine sa amin, jusme noon pupunta ka sa ilog na maglalakad ka ng kilo-kilometro dala mo ay sakong maduming damit tapos nakabilad ka sa init ng araw... kumusta naman ang kutis artista??? eh di ITA... Ulikba... Nognog... Sunog... Uling... lahat na ng pwede mong itawag ganun ang hitsura namin noong bata kami.  Noong nag-college na ako sa Manila, syempre boarding house na ang drama natin... may faucet na... hahahaha... wala ng ilog ilog.. isang ikot ng faucet naghuhumiyaw na ang tubig.. ganern... pero wag ka... kamay pa din ang gamit sa paglaba... LOL!!! Imagine maglalaba ka ng weekend ng lahat ng damit mo.. jusme... pagkatapos mong maglaba sugat ang dalawang kamay... promise walang halong etchos... as in sugat... daig mo pa ang naglaslas ng pulso... LOL!!! So weekend sugatan ang kamay mo... by the time mag-Friday tuyo na lahat ang sugat... tapos weekend na naman.. LOL!!! eh di sugat na naman... hahaahhaha.. ganoon talaga ang buha...

KOMUNIKASYON

Natatawa ako minsan sa newsfeeds ko sa FB. Kani-kanilang parinigan sa kani-kanilang walls. Kesyo ganito siya o ganito naman ang isa. When I checked their lists of friends.. eh anak ng putakti hindi naman pala sila magkaibigan... LOL!!! Marami sa atin ang ganito... kung ano-anong pasaring ang i-po-post as if naman ang babasa ng kanyang pinatatamaan ang kanyang post... Parang ganito ang nangyayari; pilit mong kinakausap ang bingi pero hindi ka naman madinig... Bakit hindi mo kaya tawagan o kausapin ng personal ang taong iyong pinaparinggan? Siguro mas madidinig ka nito kesa kung anu-anong kuda ang i-po-post mo sa FB. Ano bang reasons mo para mag-post ng kung anu-ano against sa isang tao? the more likes, the more share, the more comments it means ikaw ang tama? o baka naman pa-play victim ka? yung tipong gusto mong kaawaan ka ng ibang tao na hindi naman alam ang buong katotohanan ng istorya. Malaking aspeto ng isang pagsasama maging pagkakaibigan, pagiging pamilya, o mag-asawa man yan.. ...